24-The Man She Shouldn't Have

9.4K 610 147
                                    


Nagmamadaling lumabas ako ng banyo nang nakaroba lamang at tumutulo pa ang buhok. Nagpaparoo't parito habang hindi malaman kung saan ako magsisimula. Nagpapanic na hinanap ko ang aking cellphone, ang isa sa mga nagsilbing kaibigan ko sa totoong mundong ginagalawan ko. Subalit naalala ko ang sinabi ng aking pamangkin na nadurog yun nang maaksidente ako. I opened the drawer of my bedside table. Nakita ko doon ang ang personal kong laptop at binuhay yun agad.

Una kong binalikan ang mga sandali bago ako naaksidente kaya ang naisip kong gawin agad ay maglog-in sa aking facebook at iopen ang groupchat ng aming magkakaklase. Pinagtiyagaan kong basahin ang mga mensahe doon at inumpisahan ko sa gabing naganap ang aking aksidente.

May apat na mahahalagang bagay akong nalaman nang matapos ko ang pagbabasa. Una, lahat ng mga kaklase ko ay nag-alala sa akin at pinagdasal din nila ang kaligtasan ko. Ikalawa ay sinisisi ni Dustin ang kanyang sarili sa aking pagkakaaksidente dahil siya ang nag-imbita sa akin sa gabing yun. Ikatlo, umpisa nang magising ako mula sa dalawang buwang pagkakacomatose ay pinagbawal na ang pagbisita sa akin. Tanging malapit na pamilya na lamang ang pwedeng dumalaw sa akin. Ang pang-apat na siyang pinakaimportante sa akin at nagbigay sa akin ng karuwagan sa paghinga ay walang alam ang mga kaklase ko tungkol sa pagkawala ng memorya ko at sa pansamantalang ilusyong may relasyon kami ni Dustin.

Muling nagbalik sa alaala ko ang mga nangyari sa amin ni Dustin. Lalo na ang buong araw na pag-iyak ko sa nasaksihang engangement shoot nilang mag-fiance na siya pang pinakasariwa sa isipan ko. Considering that I almost die crying over a lie, nagpapapadyak na sinabunutan ko ang aking sarili pagkuway sumubsob ako sa aking mga palad. Nanliliit ako sa kahihiyan! I couldn't imagine how people were laughing at the back of their heads while witnessing my delusions. Yung mga tao sa hospital, yung pamilya ko at higit sa lahat si Dustin!

"Ahhh! You're crazy Deany! Nakakahiya ka!" hiyaw ko sa aking sarili.

Nadismaya ako sa pamilya ko sa di agad pagsabi sa akin ng katotohanan but I couldn't blame them. Maybe they didn't wish to break my heart while I was still in the process of my recovery.

I looked at myself in the mirror. My face was turning red in embarrassment. Kahit sarili kong mga mata ay di ko kayang tingnan ng diretso. Paulit-ulit akong huminga nang malalim. I dig the deepest part of my logic to justify what I had been through and searched for positive reason to console myself hanggang sa may katapangan nang tumingin ako sa aking repleksiyon. Although my life had been a mockery for a while, it wasn't my choice. I wasn't in my right mind. It was more of Dustin's fault for playing along with my illusions. Wala akong nacommit na kasalanan at higit sa lahat hindi ko choice mang-agaw ng fiance ng may fiance. The best thing to do was to completely forget the fictitious relationship and return to my normal life like nothing happened. Ituturing ko na lamang na may isang masamang ihip ng hangin na dumaan sa akin at ngayon ay payapa na ulit ang lahat.

Kalmado na akong nagbihis. I went to my walk-in closet and chose an Alexander Wang black long sleeve silk top and black and white checkered trouser. I paired them with black Valentino heels and YSL hand bag. Hinati ko sa gilid ang aking buhok at pinuyod ng pulido. I applied dark eye shadows and put nude matte lipstick. I opened my jewelry drawers and picked up a pair of gold dangling earrings and gold choker.I wanted to look chic on my return to the office. I could imagine how relaxed my employees were during my absence. Sana hindi bumaba ang bilang ng mga projects namin habang wala ako.

I was in my best poise when I went out of my room but I almost tripped when I saw Dustin sitting on the sala. Ang unang pumasok agad sa isip ko ay bumalik at magtago sa kuwarto. Subalit napagtanto kong hindi ako ganung klase ng tao. Buong buhay ko wala akong naging gusot na hindi ko hinarap nang maayos. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa sala.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon