37- One Less Lonely Daughter

10.5K 618 166
                                    




Nataranta ako nang nang bumusina si Dustin sa harap ng bahay. "What are you doing Dustin? No need to do that,"malumanay at nakangiti pa ring sabi ko kahit ang totoo ay tila sinisilihan na ang pwet ko sa nerbiyos. Di ako nakatiis. Pinigilan ko na ang kamay niya sa pagdiin sa busina.

"Why? I'm asking someone to open the gate," tatawa-tawa lang na paliwanag niya.

"Nagmamadali ka di ba? Di mo na ako kailangang ihatid sa loob. Bababa na ako dito. You can bring my car tutal sabi mo nasiraan ka kagabi. Gamitin mo na muna tong sasakyan habang di mo pa nanalabas yung kotse mo sa casa," nagmamadaling salita ko.

Napapalatak siya sabay iling. "What a cold girlfriend. Hindi mo man lang ba ako aaluking mag-breakfast? I'm hungry."

Namimilog ang mga matang napalingon ako sa kanya. Problemadong hinawi ko ng kamay ang aking buhok. "Tinatanong kita kanina kung gusto mo mag-almusal sa hotel sabi mo magcocoffee ka lang dahil hindi ka nagugutom at nagmamadali ka na dahil may malaking reservation sa restaurant niyo mamaya."

"Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Should I blame my stomach then? If I'm not welcome inside, okay lang. Titiisin ko na lang ang gutom ko," nagpapakonsensiya pang tono niya.

"W-Wala naman akong sinabing ... d-di ka pwede mag-almusal dito.... A-ano lang kasi.."

Bumusina ulit siya nang di na ako pinatapos mangatwiran. Wala na akong nagawa dahil natanaw ko na si Mang Mario na tumatakbo papalapit. Kalmado lang ako habang pinapanood ang aming driver na binubuksan ang gate. Subalit nang umandar ang kotse, bigla akong napahawak nang madiin sa braso ni Dustin.

"Teka lang."

"Anong problema? Okay ka lang?" taka niya.

"Give me few seconds. Hihinga lang ako."

Huminto naman siya. "Just tell me kung okay na."

Paulit-ulit akong huminga nang malalim. Mga sampung beses. Yung lalim na tipong naba- vaccum na ng ilong ko yung mga alikabok sa harapan ko. Pagkadating na pagkadating sa garahe. Bumaba agad ako.

"Teka. Hintayin mo ako. Sabay na tayo," he said while unbuckling his seat belt.

"Sumunod ka na lang. Mauuna na ako sa loob," mahinang wika ko. Nag-isip ako ng ilang saglit sabay maamong-maamong tiningnan ko siya, yung alam kong makukuha ko ang malawak na pang-unawa niya. "But honestly, I'm embarrassed to tell you this. I think this is not a good idea.If you know what I mean. People in my house still thinks you're getting married to other woman. Is it okay if we do things one at a time?" ingat na ingat na paliwanag ko.

"Alright. I understand you're point," tango niya. "Get inside and take a rest."

Bigla akong nakahinga nang maluwag sabay ngiti nang malapad. "Thank you." Bumalik ulit ako sa loob ng kotse para humalik sa kanya. He's about to kiss me on the lips pero umiwas ako. "Andiyan sa Manong Mario," bulong ko. Binigyan ko na lamang siya nang mabilis na damping halik sa pisngi. " Mag-ingat ka pauwi."

He nodded.

I gazed at him one more time. Di pa man kami naghihiwalay ay parang namimiss ko na agad siya nang sobra. "Bye. Call me when you arrive home," may lambing na paalam ko.

Tumango ulit siya. Senenyasan niya ako na pumasok na sa loob ng bahay. Pagkatalikod ko, huminga muna ako nang ubod nang lalim. Inayos ko ang aking buhok at damit. Walang ingay akong naglakad habang nahihirapan sa paghakbang dahil sa mapapayat na takong ng aking sapatos. Nilingon ko ulit si Dustin bago pumasok ng pintuan. Kinawayan ko siya.Nakatingin pa rin siya sa akin at hinihintay akong makapasok. Kumaway din siya sa akin at binigyan ako ng isang ngiting nakakadagdag ng lakas ng loob.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon