41- She Knows What Awaits Her

8.5K 492 53
                                    


"Tita nadidistract ako sayo. Kanina ka pa bukas ng bukas ng pinto. Di ko na maintindihan tong pinapanood ko," reklamo ni Janelle habang sumisilip ako sa main door ng bahay. Nakasalampak ang mga paa niya sa sopa. Nakataas ang gusot-gusot na buhok habang may sipsip-sipsip na lollipop.

"Tinitingnan ko lang kung sasakyan na ni Tito Dustin mo ang narinig ko. Alas onse na kasi tapos wala pa siya."

"Tita, fairview manggagaling yun, malamang na-traffic. Di ba sabi mo umalis siya ng ten. I-assume mong mga alas dose ng hatinggabi darating, safe ka na dun."

Napapabuntong-hiningang tinignan ko si Janelle. Hindi ko alam kung mapapangiwi o matatawa ako sa hitsura niya. Kelan kaya ito mag-mamatured? Sa panahon ngayon, yung mga kaedad niya ay halos nagkokontest na ng pagandahan, papormahan at pasosyalan. Yung iba nga padamihan at pagwapuhan pa ng mga naging boyfriends. Pero itong babaeng ito, kung may makakalaro lang ng piko eh magpipiko pa rin. Di ko naman hinihiling na magpaligaw o magkanobyo na ito. ang gusto ko lang ay makitang kilos dalaga na ito at mararamdamn mong kaya na nitong gumawa ng tamang desisyon para sa sarili. She's observant and capable of thinking matured ideas pero alam mong hindi niya pa rin yun kayang iapply sa kanyang sarili.

"Janelle when are you going to talk and act like a lady?" seryosong tanong ko.

Lumingon siya sa akin nang nakasalaksak pa ang lollipop sa bibig.

"Uhm? Anong sabi mo Tita?" di gaanong maintindihang salita niya. She didn't even bother to remove the candy on her mouth. Alam mong atat na ibalik ulit ang atensiyon sa panonood.

"Ang sabi ko kung kelan ba magiging pino yang galaw mo? Hindi ka na bata. Do you act that way in school too?"

"Huh? Oho. Bakit may mali ba sa akin?"

"Oo, sixteen years old ka na pero kung umasta ka para ka pa ring grade six. Tingnan mo nga yang upo mo para kang di dalaga. Yang buhok mo di man lang nasusuklay. Yung pananamit mo. Ano yan? Sa tanda mo nang yan mukha pa rin ni Elsa ang nakalagay diyan sa harap ng t-shirt mo."

Humahagikhik na tiningnan niya ang kanyang t-shirt. "Favorite disney character ko kasi to Tita. Alam mo namang may Elsa collections ako."

"It's time to mature. Magseryoso ko na sa buhay. Work hard for your dreams. Hindi habang panahon ay makukuha mo ang mga gusto mo. Hindi sa buong buhay mo ay may mga katulong na magsisilbi sayo. Hindi sa lahat ng oras ay meron kang driver na maghahatid-sundo sayo sa school! Maaring bukas, sa makalawa o sa susunod na linggo ay mawala lahat ng kung anong meron ka ngayon!" Di ko napigilang hindi magtaas ng tono habang pinapangaralan siya.

Napanganga siya hanggang sa di namalayang nahulog na ang pagkain sa bibig. "T-Tita what's wrong with you? Sa akin mo ba binibunton ang pagkainip mo sa pagdating ni Tito Dustin?"

"Pick that up!" turo ko sa lollipop na nahulog sa carpet.

"Opo eto na dadamputin na. Huwag na kayong magalit," nagmamadaling dinampot niya ang lollipop. Pinahiran ng damit tapos isinubo ulit.

"You're a hopeless case!" Dismayadong-dismayadong tinalikuran ko siya. Mabibigat ang mga paang pumasok ako sa aking kuwarto. Binuksan ko ang bintana at tumayo sa harap nito. Hinawi ko ang kurtina. Hindi ako makahinga kailangan ko ng hangin. Nanghihinang kumapit ako sa gilid ng mesang katabi ng bintana.

Tumingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang makikislap na mga bituin. Nangilid ang aking mga luha.  Nanginginig ang aking mga labi. Parang sasabog ang aking dibdib at isip sa dami ng gusto kong mahanap na mga kasaguta. Subalit sa dinami-dami ng gusto kong itanong, iisang linya lang ang aking nasambit.

"Am I going to die?"

Tahimik na pumatak ang aking luha. Gusto kong humagulhol pero nag-aalala ako na baka marinig ni Janelle.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon