26- Still The One

10.5K 672 144
                                    


"Tita sagutin mo na yang phone mo kanina pa nagriring eh." Di ko inintindi ang nayayamot kong pamangkin. Sa sobrang gigil ko kay Dustin, hindi na ako nakapag trabaho nang maigi. Umuwi na lamang ako pero kahit sa bahay ay di pa rin maalis-alis ang inis ko sa kanya. Kaya kahit wala akong interes ay sinabayan ko si Janelle sa panonood niya ng korean drama dahil baka sakaling mabaling sa istorya noon ang atensiyon ko. But it wasn't helping. Kahit anong titig ko sa TV, si Dustin pa rin ang laman ng isip ko. 

Di ko maintindihan ang kinakagalit niya. Why was he so angry about the money? I gave it with sincerity and not to insult him! I really wanted to do something for him dahil sa mga pabor na ginawa niya sa akin. Since money was I all I have, e di yun ang binigay ko. It could at least help him pay for the flowers on their wedding.

"Tita ano ba sagutin mo na yang phone mo," piksi ni Janelle.

I looked at my phone. "Hayaan mo. Ang lola mo yan tiyak na maglilitanya na naman."

"Tita sagutin mo na hindi ko na maintindihan tong pinapanood natin!" she snapped sanhi para damputin ko na ang telepono.

"Bakit ma?"

"Ano yung narinig ko kanina? Bakit parang nag-aaway kayo ni Dustin? " I rolled my eyes it was the reason why I didn't want to answer the call. Nakalimutan kong nasa kabilang linya pa pala si mama nang magkasagutan kami ni Dustin so she heard everything. "Hoy Deany aba nagiging masungit ka na ba sa kanya porke't magaling ka na? Hindi mo ba alam kung anong mga naging sakripisyo sayo nung tao umpisa nang macomatose hanggang sa magkaamnesia ka? Pahalagahan mo naman ang naging mga pagmamalasakit sayo ni Dustin! Sa panahon ngayon mahirap nang makahanap ng lalaking kagaya niya!"

Halos mabingi ako sa lakas ng boses ng aking nanay. "Ma stop taking his side. Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan kahit wala kang alam sa buong kwento. Umaasa ka na possibleng magkatotoo ang kunwa-kunwariang relasyon namin. Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa inyong hindi mangyayari yun. Tanggapin niyo na sa sarili niyo na tatandang dalaga ang anak niyo!"

"Hoy Deanery huwag kang magsasalita ng ganyan baka magkatotoo yan! Ano namang masama kung umasa ako na maging kayo. Sinong ina ang hindi matutuwa na makitang may isang gwapo, may sinasabi rin sa buhay at higit sa lahat mabait na lalaking nagmamalasakit sa anak niyang dalaga."

"Ma you missed the most important thing... he is engaged already to other woman."

May katagalang nanahimik si Mama. "E-Engaged na siya? I-Ikakasal na sa iba?" 

"Yes. Kitam. Kinonsente niyo pagpapanggap niya bilang boyfriend ko nang wala naman pala kayong alam. He's engaged and I knew it even before I had an accident. Janelle and Kuya Richard knew about it too."

"T-Talaga? Bakit hindi mo naman sinabi sa akin noong una pa lang e di sana hindi na ako umasang nakita ko na ang mapapangasawa ng anak ko," naninisi pang wika niya.

"Ma may amnesia nga ako di ba? Paano ko sasabihin sayo yan?" Ang nanay ko minsan pakiramdam ko ay nangangailan din ng neurologist.

"Ah oo nga pala. Nalungkot naman ako diyan Deanery sa sinabi mo. Pero ikakasal pa lang naman di ba? Ibig sabihin may pag-asa pa."

"Ma! Sinasabi mo bang manira ako ng relasyon ng may relasyon?!" bulalas ko.

"Oo nga pala masama yun. Di bale na lang. Maghihintay na lang siguro ako ng ibang lalaki para sayo pero ganunpaman huwag kang mataray masyado kay Dustin ha. Kahit papaano may naitulong pa rin sayo yung tao," malumanay nang sabi niya.

"Oo na. Sige na ma at may pinapanood kami ni Janelle," inip na wika ko.

"Teka lang. Ano napag-isipan mo na ba kung kelan ka makakauwi dito?"

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon