7- A Memory She Owns

9.5K 567 62
                                    


I saw Genevieve's back while heading to our main gate. Her butterfly hairpin was swaying in rhythm with the paces of her steps. Tumakbo ako nang mabilis at nang inabutan ko ay hinablot ko siya sa braso.

"Bilis malilate na tayo sa flag ceremony!" tarantang hila ko sa kanya.

She panicked and quickly ran too.  But after few seconds, she stopped when she realized what time it was. "Niloloko mo naman ako! Maaga pa naman!" Sumimangot siya nang halos magkapantay na ang ilong at nguso.

I laughed at her adorable reaction.

"Ba't mukhang ang ganda ng mood mo," she commented.

I was indeed in my best mood. Although I woke up in different year already, which was on January 12, 1999 to be exact, but I started my day beautifully. Nagjogging kami ni Papa bago sumikat ang araw. I didn't think my return was for Dustin alone. I must do something too for other people I love. I had an agreement with my father that we'd jog every morning and he promised too that he'd still do it even when I'm not around. If he'd keep his promise maybe his heart would become healthier. Drinamahan ko rin si Mama na nagkaroon ako ng masamang panaginip na inatake si Papa sa puso. Kinuwento ko sa kanya ng detalyado and at some point I made an exaggeration. She looked horrified as she pictures my story in her head. As a result, the breakfast she made for my father that morning were all healthier. She nagged him and warned him to watch out for his health. From then onwards, babantayan niya nang mabuti ang kinakain ni Papa. Wala namang kasiguraduhan kung mababago ko ang kapalaran ng aking mga mahal sa buhay pero ganunpaman ay may ginawa ako sa pangalawang pagkakataong binigay sa akin para magmalasakit sa kanila.

Nauna sa akin si Dustin pumasok. He was on his seat already. Tahimik na nagsusulat. Medyo mahaba na ang buhok kumpara nang huling makita ko sa outing. He gained a little weight too which made him look better.

"Hi!" masiglang bati ko sa kanya.

"Hi."

Kumunot ang aking noo. His voice sounded sad. Naupo ako at muling lumingon sa kanya. He was still writing. Seryoso siya sa ginagawa kaya di ko na inabala pa. I looked around and my mood got even better when I noticed how clean and organized our room was.

"Pangiti-ngiti ka,"my seatmate Lui commented.

"Natutuwa lang ako na ang linis ng room natin."

"Dahil yan sayo. Umpisa nang pinuri tayo ni Ma'am Jimenez ay ginanahan na lagi maglinis yung mga dati nating tamad na mga kaklase. Unexpected nga rin na manalo tayo sa contest ng pagandahan ng room nung christmas. And thanks to that we had a better christmas party dahil binigyan tayo ng premyong cash para dagdag panghanda."

"Really nanalo tayo sa contest?" bulalas ko nang may namimilog na mga mata.

Napatanga si Lui ng ilang saglit. "May sakit ka na naman ba ngayon? How could you forget that moment eh ikaw pa nga ang tumanggap ng prize."

"Ah oo nga pala!"kunway kakamot-kamot sa ulong wika ko. "Napagod lang ako sa jogging namin ni Papa kanina kaya magulo na naman akong kausap."

Nangalumbaba ang aking katabi. Gumaya sa pagtingin-tingin ko sa paligid. "Ang hirap paniwalaan," bumuntong-hininga siya nang ubod ng lalim. "Sinong mag-aakalang ang pinakamaduming classroom nang mag-umpisa ang pasukan ay siyang magiging pinakamalinis sa pagtatapos ng taon."

I smiled. Nangalumbaba rin ako. Iniimagine ang christmas party na binanggit niya. Gaano kaya yun kasaya? Mas masaya kaya kesa naging outing namin? How I wished I also woke up on that day. But it's just a mere wish. I was still thankful for whatever day given to me.

Hindi ako kinausap ni Dustin simula nang magbatian kami. I wondered what made him look depressed hanggang sa napansin kong bakante ang silya ni Mary-ann. I waited for the recess to cheer him up. Tumambay na naman siya sa ilalim ng paborito niyang puno ng ilang-ilang upang magsulat instead of going out to grab a snack. Hindi ko muna siya inistorbo. Lumabas ako ng school para bumili ng meryenda. Sa labas ng gate ay laking tuwa ko nang makita si Mang Kiko. The dirty ice cream vendor. Napangiti ako nang abot tenga. His dirty ice cream was my favorite. I had been into expensive restaurants here and abroad pero sa dinami-dami na nang natikman kong ice cream wala ni isa mang tumatak sa panlasa ko tulad ng dirty ice cream niya.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon