10-New Found Love

10.1K 547 73
                                    


May 5,1999. It was a kind of summer I never thought I'd experience again in my hometown. Hitik sa lilang bulaklak ang dalawang puno ng banaba sa harap ng aming bahay. I could hear the waves of the nearby ocean whenever summer wind blew its sweetest breeze. My mother's phaleanopsis were proudly showing off their amazing blooms while the droplets on their leaves were patiently waiting for the sun to rise.

"Ano pang hinihintay mo diyan? Tara na Deany!"

"Yes Pa!" inayos ko ang sintas ng aking rubbershoes at nakangiting lumabas sa aming tarangkahan. Natutuwang sinundan ko ang aking tatay sa pagtakbo. Binilisan ko hanggang sa maabutan ko siya. I smiled as I noticed that his fat belly was almost gone.

"Bat ngingiti-ngiti ka diyan?" puna niya.

"Mukhang madami-dami na po ang nawalang taba sa katawan niyo."

"Tinutupad ko lang ang pangako ko sayo dahil tinutupad mo rin ang pangako mo sa akin ng pag-aaral nang mabuti. Lalo na ngayon mas ginanahan ako dahil ikaw ulit ang first honor sa klase niyo."

"Papa, hindi lang po pag-aaral ang pagbubutihan ko. Pati sa magiging career ko po ay pag-iigihan ko rin. Bibigyan ko kayo nang maginhawang buhay kapalit ng mga pagsisikap niyo para sa aming magkakapatid."

He stopped for a moment and smiled. "May sasabihin akong sekreto sayo."

"Ano po yun."

Inutusan niyang ilapit ko ang aking tenga. "Ikaw ang paborito kong anak," he whispered.

"Papa naman eh! Yan din minsan ang sinabi mo kina Heaven at Kuya Richard!"

We both laughed but somehow I believed him because I found a reason to believe it. I was his one and only lovable daughter.

I felt ecstatic when the first ray of morning sun hit my face. Eksaktong ang pagsikat niyon ay ang pagdaan namin sa kalsadang may magkabilaang palayan. Hinog na ang mga butil ng palay kung kayat nang tamaan ito ng sinag ng araw ay tila nagkulay ginto ang paligid.

"Deany di ba si Dustin yun?" wika ni Papa.

Tinanaw ko ang taong kasalubong namin. Nakabisikleta at kumakaway papalapit sa amin. Si Dustin nga.

"Good morning po Tito Floro!" bati niya. Tumigil siya tukod ang isang paa.

"Nageexercise ka rin pala. Mabuti yan para makasanayan mo habang bata ka pa."

"Sinubukan ko lang po tutal summer naman. Nabanggit nga sa akin ni Deany na madalas kayong nagjojogging. Masarap po pala talaga sa pakiramdam ang gumigising nang maaga para magexercise."

Nakatitig lang ako kay Dustin. He looked a bit different again. Maybe because of his new army haircut or maybe because his adam's apple was getting imminent. Sa suot niyang puting T-shirt at itim na basketball short, nakikita sa braso at paa niya na unti-unti na ring nahuhubog ang mga muscles niya.

"Deany, sasama ka ba sa swimming mamaya kasama ang mga kaklase natin?" tuon niya ng atensiyon sa akin.

"Saan magswiswimming? Baka delikado ang pupuntahan niyo ha?" pag-aalala agad ni Papa.

"Sa Del Prado Beach lang po."

Ang Del Prado ay pinagmamalaking beach resort ng aming bayan. Sampung miunto lang ang layo mula sa bahay. Minsan nga dun pa kami nagjojogging ni Papa. It was a safe place to swim. Napakapino ng buhangin at gradual din ang paglalim ng tubig. Yung kahit ang layo mo na ay mababaw pa rin ang tubig.

"Hindi pa ba kayo nagsasawang magkakaklase? Pati ngayong bakasyon ay gusto niyo pa ring magkita-kita."

"Papa it'sa teenager thing," I laughed. Iyun din ang isang bagay na hindi ko maintindihan dati kung bakit kahit weekend ay gusto pa rin ng mga kaklase ko na nagkikita-kita. Then I realized it was a passion designed by God for them because when they grow old, they'd rather choose to lay on couch while watching TV or reading books on their free time.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon