30-The Morning Flight

13.4K 732 296
                                    

"Tita ba't ba dalawang maleta ang bagahe natin? Tatlong araw lang naman tayo sa probinsiya ah!" reklamo ni Janelle habang hila-hila ang ang isang malaking maleta at sukbit ang isang backpack. Naibaba na kami ni Manong Mario sa airport at patungo na sa entrance ng departure area.

"Dinala ko yung mga di ko ginagamit na mga damit. Ibibigay ko sa mommy mo," sagot ko.

"Bakit pa? Mataba yun. Wala namang magkakasya diyan sa mga damit niyo!"

"Basta ang importante ay maiuwi ko at maipamigay para naman may makinabang na iba. Pwede ba Janelle bilisan mo na lang ang paglalakad at baka maiwanan tayo ng eroplano. Ikaw na nga ang late gumising, ikaw pa tong kukupad-kupad," hila ko rin sa isang malaking maleta habang nagmamadali patungo sa hulihan ng pila ng entrance.

"Bakit ba kasi ang aga-aga ng binook ni Tita Helen na flight. 5:30am talaga. Antok na antok pa ako eh!"

"Because it's my instruction para masulit natin ang araw! For God's sake Janelle itigil mo yang kakareklamo mo!"

Humahangos na dumating kami sa dulo ng pila.  Hindi pa ako pumila. Tumayo muna ako sa gilid at tumingin sa relos. Nagpalinga-linga at nagulat nang matanaw si Dustin na papalapit sa amin.

"You're here guys," ngiti niya. May hawak din siyang maliit na maleta.

Napanganga ako. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "B-Ba't andito ka?"

He gave Janelle a meaningful look. Napatingin ako sa aking pamangkin. She gave me a wry smile. "S-Sorry Tita nakalimutan kong sabihin sayo na uuwi rin pala ngayon si Tito Dustin sa probinsiya. I told him our flight details kaya bumili din siya nang parehas sa atin para may kasabay siya."

I looked around. "Is Camilla with you?" I asked casually.

"No. She wants to be in charge of the restaurant while I am away."

"Ahh... I see. You two have such a great partnership," ngiti ko pero sana lang ay hindi nahalata ang pait sa tono ko.

"Tita huwag kang plastik," Janelle whispered to my ear.

Siniko ko siya nang palihim. "Tumahimik ka," bulong ko rin.

"Pila na tayo!" Excited na sabi ni Janelle.

"Wait I'm still waiting for someone," pigil ko sa kanya.

"Huh? May kasama pa po ba tayong iba?"

"Yes."

"Ma'am Deany!" Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Ethan na tumatakbo papalapit sa amin.

"Ethan you're here!" I said with wide smile.

"Pasensiya na po na-late ako. Nagkamali ng daan yung taxi na nasakyan ko kaya nagpaikot-ikot kami. Sorry po."

"It's okay." Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. "I'm really glad na finally makakasama na rin kita sa bakasyon!"

May humawak sa likuran nang aking damit. Hinila ako sanhi para kumawala ako sa pagkakayakap ko kay Ethan.

"Who is this young man?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Dustin na halos tumayo na sa gitna namin.

"He's Ethan," kurap ko. "Ethan si Dustin k-kababayan at kaklase ko nung high school."

"Pamangkin mo? Pinsan?" Dustin asked while staring at Ethan.

"No we're not blood related," I shrugged.

Napangisi siya at napamewang. "Wow. Di ako makapaniwalang di pa man tumatagal ang paggaling mo ay iba-ibang lalaki na ang mga nakapaligid sayo. That engineer and now this young man."

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon