35- Things I Must See

8.4K 571 150
                                    




"Lola kumusta na? Mabuti naman at nagpakita ka ulit. Matagal kitang hinintay."

"Dumalaw ako para magpaalam."

"Bakit saan na ho kayo pupunta?"

"Sa kaitaas-taasan kung saan matagal na akong dapat naroroon. Ito na ang huling sandali ko dito sa lupa."

"Araw-araw na nga ho akong malungkot tapos aalis na rin kayo. Wala na akong  mapagsasabihan ng mga totoong nararamdaman ko?"

"Nalulungkot din ako kagaya mo. Nalulungkot akong lisanin ang mundong ito nang hindi mo pa rin natatagpuan ang kaligayahang hinahanap mo. Bagamat hindi ko na mahihintay ang mga sandaling iyon pero umaasa pa rin akong darating yun sa buhay mo. Basta lagi mo lang tatandaan na nasa iyong mga kamay lagi ang kahahantungan ng kapalaran mo. Maaring mabago ko ang sitwasyon o mga pangyayari sa buhay mo pero kahit kailan ay hindi ko mababago ang totoong nilalaman ng iyong puso."

"Naiintindihan ko po. Hindi ko rin po mahanap sa sarili ko ang kasagutan kung bakit hindi ko pa rin kaya maging masaya. Pero ganunpaman ho ay napakalaki ng pasasalamat ko sa pagmamalasakit na ibinigay niyo sa akin. Kung totoong ito na nga ho ang huling pagkikita natin, huwag niyo hong baunin ang anumang kalungkutan meron ako ngayon, sana ay makamtan niyo na rin ang tunay na kapayapaan at kaligayahan. Maging masaya kayo sa pupuntahan niyo. Salamat po sa lahat-lahat."

"Mag-iingat ka lagi Deany."

"Oho. Ah saka nga po pala pinapasabi ng apo niyo na sana ay lagi niyo siyang babantayan at gagabayan. Miss na miss niya na ho kayo."

"Miss na miss ko na rin siya. Pakisabi kay Ethan na kahit saan ako magpunta ay lagi ko siyang pagmamasdan. Hindi kailanman mawawala ang pagmamahal ko sa kanya."

"Paalam ho lola. Salamat ulit sa lahat-lahat."

"Paalam Deany."

"Ma'am Deany andito na po tayo. Ma'am!" Nagising ako sa sinabi ni Mang Mario. 

Sa sasakyan pala ako nakatulog. Nagmulat ako at ang una kong nasilayan ay ang paldang suot ko. Kumunot ang aking noo. Noon ko lang yun nakita. Wala akong matandaang may binili akong ganoong palda o may nagbigay sa akin. I also saw two unfamiliar rings in my right ring finger. When did I buy it? I never had them before. Hindi ko rin maalala kung kelan ko yun sinimulang suotin.

Nag-angat ako ng mga paningin. Nagulat ako sa pinaradahan ng aming sasakyan. Sa harap ito ng restaurant ni Dustin! Tarantang nagpalinga-linga ako. Merong mga bagong tayong establishments like restaurants, coffee shops, novelty stores and many more. The neighborhood looked almost completely different pero sigurado pa rin akong nasa harap nga kami ng restaurant ni Dustin dahil sa matibay at malaking pangalang Osteria Romana sa harap nito.

"Mang Mario anong ginagawa natin dito?" takang-takang wika ko.

"Sabi niyo ho dito na tayo dumiretso."

"Did I?" I said with wider eyes. Why would I say that to him? I almost shut down everything in my life to avoid him to a point na unti-unti na akong nauupos sa pakikipaglaban sa kalungkutan. Tinitiis ko ang lahat para makalimutan lang siya at maka move on na so why would I suddenly wanted to visit his place in the midst of my fragility?

Mang Mario opened the door for me. "Ma'am hindi pa po ba kayo bababa?"

My brows furrowed. Napansin kong tila tumanda ang aking driver. "Manong nagkasakit ka ba? What happened to your face? You look older."

Banayad na tumawa siya. "Ma'am sixty five na ho ako kaya matanda na naman talaga ako. "

"Anong sabi niyo? Sixty five na kayo? Nagbibiro ho ba kayo?" I frowned to the unfunny joke.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon