16-I'll Stay

9.2K 597 74
                                    


The phone wouldn't stop ringing kaya kahit antok na antok pa ako ay napilitan na lang akong sagutin yun. I checked the clock beside my bed, five thirty pa lang ng umaga.

"Hello," sagot ko nang di na nagawang tingnan pa kong sino ang tumatawag.

"Deanery!" boses ni Mama. Her voice didn't sound gloomy kaya hindi naman ako nag-alala sa pagtawag niya nang dis-oras.

"Oh mama. Ba't ang aga niyo namang tumawag," garalgal pa ang boses na sabi ko.

"Si Nadine!" Nadine is Heaven's wife.

"O ano pong nangyari kay Nadine?"

"Nanganak na siya!"

"Ano?!" Napabalikwas ako ng bangon. Napag-usapan pa lang namin ni Dustin na nakabuntis si Heaven tapos paggising ko nanganak na agad! Para akong binagsakan nang langit at lupa. It only meant that I woke up more or less eight months after yesterday! Ang akala ko pa naman ay hindi na ako lalaktaw nang ganoon kahabang panahon.

Naglaho ang antok ko. Nanalamin agad ako. Mukhang totoo nga dahil hanggang balikat na ang aking buhok.

"Deany andyan ka pa ba?"

"Opo Ma."

"Babae ang anak ng kapatid mo."

"Y-Yes I know," walang siglang sagot ko.

"Pano mo naman nalaman? Eh sa ultrasound akala natin lalaki. Sabi ng doktor yung umbilical cord niya pala yung nakuha dun sa ultrasound na akala ari ng lalaki."

"M-Mama gumanda kasi si Nadine habang nagbubuntis kaya babae pa rin ang paniniwala kong magiging anak nila," paliwanag ko na lang.

"Ano kaya ang ipapangalan natin?"

"Patricia Janelle," mabilis kong sagot.

Napansin kong ibang bag na ang nakapatong sa study table ko. It was the tote bag I used on my fourth year college. Tiningnan ko ang laman noon. Mga librong pang fourth year na nga. Pati nakadikit na schedule sa dingding , napalitan na rin.

"Maganda nga! Sige yan na ang ipapangalan natin!" natutuwang sabi ni Mama. Bumuntong-hininga ako ng ubod nang lalim. "O ba't parang di ka masaya na magkakapamangkin ka na?"

"Masaya ma. Masayang-masaya," anas ko.

My shouldered dropped. I was happy. I was even sweeping with excitement for having the chance to see the baby Janelle again. Pero kahit anong saya at sabik ko, they were all useless. Gustuhin ko mang umuwi para makita ang baby pero sa haba ng byahe, pag nakatulog ako tiyak paggising ko ay nasa ibang panahon na naman ako.

"Ma, i-kiss niyo na lang ako kay Janelle," may pait na wika ko.

"Oo. Ang gandang bata, Deany! Ang pula-pula ng mga labi saka ang tangos ng ilong! Yung mga pisngi parang papel sa kinis! Ang kapal din ng buhok. Ang gandang bata ng apo ko!" Walang paglagyan si Mama ng kaligayahan. Napatawa na lang ako sa isipan na parang nung nakaraang araw lang ay iiyak-iyak siya tungkol doon.

"Sige na Ma, mag-aayos na ako."

"Teka muna. Kumusta na kayo ni Dustin?"

Napaisip ako. Kumusta na nga ba kami? Kami pa kaya? Umiling ako upang iwaglit sa isipan ang huling tanong ko. How could I entertain the possibility na maaring hindi na kami.

"O-Okay naman po Ma..."

"Oh lagi niyong tatandaan ang mga bilin ko sa inyo ah. Huwag na huwag kayong makakalimot hindi porke't suportado namin yang relasyon niyo ay wala na kayong limitasyon sa isa't isa. Baka magaya ka rin kay Heaven."

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon