32- Our Good Places

15.6K 765 255
                                    




Dustin picked me up at ten in the morning. Dahil sinabi niyang magiikot-ikot lang naman kami sa bayan, I wore my most comfortable clothes. White cotton shirt, ripped denim short, a nike rubber shoes and a cap. He waited for me at the terrace and what a coincidence that he was also wearing a denim walking short, white t-shirt and rubber shoes. I chuckled when I saw a cap on his hand too.

"I guess we are really communicating subconsciously?" natatawang komento ko.

Wala siyang naging tugon sa sinabi ko. Paulit-ulit niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. He looked serious.

Nawala ang aking mga ngiti at unti-unti akong naconcious because of his reaction. "W-Why? Do I look bad? Am I under-dressed?"

He shook his head. I couldn't tell if he was pleased or displeased. But I knew he had something to say.

"Sige na sabihin mo na ang sasabihin mo," inip na salita ko.

"You look great but your short, isn't it too short?" nag-aalinlangang sagot niya. "Parang kitang-kita naman ang legs mo."

Kunot noong napatingin ako sa aking mga hita. Parang hindi naman ako sang-ayon sa sinabi niya. Normal lamang ang iksi ng aking short. Isang dangkal mula sa aking tuhod.

"I thought Italy made you more liberated. Hindi pa rin pala," tatawa-tawang komento ko. "Pwede pa naman akong magpalit kung hindi ka komportableng ganito ang suot ng kasama mo."

"No need. Ang importante ay komportable ka," he shrugged.

Magalang na nagpaalam siya sa aking mga magulang. As usual, nakakahiya na naman ang reaksiyon ng nanay ko. Huwag na daw akong iuwi ni Dustin. Natawa na lamang ang aking kasama. Katulad ko, marahil ay sanay na rin siya sa kataklesahan ng nanay ko.

On our way to his car, he kept looking at me na parang di pa rin talaga komportable sa hitsura ko. Paulit-ulit iya akong tinitingnan mula ulo hanggang paa.

"Dustin may problema ka ba sa hitsura ko? Sabihin mo na yung totoo," I asked frankly when we got seated inside the car.

"Wala," sagot niya sabay pinatakbo ang sasakyan.

"Then why do you keep gazing at me? Nakakaconcious ka na ha!" kunway taas ko ng isang kilay.

"Naninibago lang ako. Hindi ko akalaing nagbibihis ka rin pala ng ganyan," ngingiti-ngiti nang saad niya at tumingin na naman siya sa akin.

"Bakit naman hindi?" ngiwi ko.

"I thought you only wear chic dresses, office tuxedos and reputable outfits."

"Grabe ka naman. Ano ako? Dugong bughaw? Kayo lang namang mga kaklase ko ang masyadong nag-iexaggerate sa image ko. Nagkataon lang siguro na kapag nagkikita-kita tayo ay madalas nakabihis ako ng medyo formal pero kagaya pa rin naman ako ng mga normal na babae na nagi-enjoy sa pag-explore ng iba't ibang klase ng outfit," seryosong pagpapaliwanag ko na may kasama pang pagkumpas ng kamay.

"Kaya nga masaya ako ngayon eh."

Takang napalingon ako sa kanya. "Really? My outfit makes you happy? That's weird," salita ko.

"It's not weird. I'm happier for being with the regular Deany at this very moment," bahagyang umangat ang isang sulok ng kanyang bibig.

"Hmmm....regular Deany," napapatangong sambit ko. "I like that label," I chortled.

Nakita ko ang isang Ray-Ban aviator sunglasses na nakapatong sa harapan ng sasakyan. Kinuha ko yun. "Is this yours?"

"Yes."

"Sana ginamit ko rin yung ganito ko para ternong-terno tayo." Sinuot ko ang sunglasses and faced him with a sultry face. After our deep talk the other night, I began feeling too comfortable with him again. "How do I look? Bagay ba?" sabay pout ng bibig at hawak ko sa aking pisngi.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon