6- The Perks of Being Young

10.1K 567 79
                                    


I woke up a month after yesterday. My diary said that it was the day when our class had an outing. I didn't write anything about Dustin so I wondered why I had to return on that day. Isa pa hindi rin naman ako sumama sa outing nung una. Naisulat ko lang na nasa outing ang class habang nasa bahay lang ako't nag-aaral. Nanghinayang kasi ako sa ambagan, kakatuition lang ni kuya kaya baka masyado nang mabigatan ang aking mga magulang.

"Mukhang problemado ka," puna sa akin ni Mama habang tahimik akong nag-aalmusal.

"Ma parang gusto kong sumama sa outing," malumanay na pagkakasabi ko nang di makatingin sa kanya.

"Oh ba't bigla- bigla ata. Kahapon lang desididong-desidido kang hindi sasama."

"Nagbago ho ang isip ko. Sayang naman minsan lang mangyari ang ganitong outing tapos palalampasin ko lang." Alam kong gipit kami but there must be something in that outing para balikan ko.

"O siya bilisan mo na diyan para makapag-ayos ka na ng gamit mo. Baka maiwanan ka."

"Okay lang po ba? Meron pa ba kayong ekstrang pera?"

"Oo't nakapagbali naman si Papa mo dun sa bagong konstraksiyon project na napasukan niya."

Dali-dali akong kumilos. Nagbaon ako ng panligong sando, short, tuwalya at pampalit na damit. Binigyan ako ni Mama ng two hundred para sa ambagan. Pinabaunan na rin ng tinapay na may palamang mayonnaise na may itlog. Pupunta kami sa hot and cold spring na kilalang paliguan sa karatig bayan.

Nagulat ang mga kaklase ko sa pagsulpot ko sa eskwelahan. Naghihintay na ang jeep na inarkila ni Ma'am Dolores. Rowena was the happiest among those who saw me.

"Yehey mabuti naman at nagdecide ka ng sumama! Mas mag-eenjoy na ako!" she locked her arms to mine.

I gave my contribution to Ma'am Dolores. "Ma'am pwede pa naman po akong sumama di ba? Pasensiya na kung pabago-bago ang isip ko."

"Oo naman. Sobra-sobra rin naman ang baong pagkain. Saka dalawang jeep ang inarkila ko kaya maluwag pa yung isa." Our teacher was really the kindest kung iba-iba yun baka sinungitan na ako dahil tapos na ang deadline ng pagbabayad. Yung iba malihis ka lang sa linya ng flag ceremony ay papaluin ka na ng libro sa puwet.

Nagtipon-tipon muna kami sa labas ng dalawang jeep. Kinumpletong dumating ang lahat ng mga kasama. Wala pa rin si Dustin. Kasama kaya siya? Nakita ko si Mary Ann. Humahaba ang kanyang leeg habang patingin-tingin sa gate. I could easily guess kung sino ang hinihintay niya. Bigla akong nasabik na kumustahin siya. Sa loob ng mahigit isang buwang nilaktawan ko, naging close na kaya sila ni Dustin?

Akmang kakawayan ko na siya pero natigilan ako nang matanaw ang paparating na si Dustin. He stopped after he saw me. Nagulat at pagkuway unti-unting ngumiti nang malaki. Tumakbo siya papalapit. Napalunok ako. I could clearly calculate that he was running towards me.

"Deany kasama ka?!" he was grinning from ear to ear. He wrapped his arms around my neck. "Sabi ko na nga ba sasama ka rin eh! Napakafickle minded mo talaga!"

"T-Teka lang! T-Teka lang di ako makahinga!" tinanggal ko ang braso niya sa aking leeg. Nalito ako sa reaction niya. Parang tuwang-tuwa na sumama ako.

"Anong nakain mo't bigla kang sumama? Akala ko magkukulong ka na naman sa bahay niyo para mag-aral!" mahinang sinuntok niya ako sa braso.

Nakangangang tiningnan ko lang siya. I touched my arms where he punched me after he turned his back to approach Mary Ann.

What's with his reaction? Did we get closer? That close para ipulupot niya ang kamay niya sa leeg ko? Umiling ako. That wasn't good. What would Mary-ann feel if she saw us?

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon