33-The Connections

10.9K 704 175
                                    


"Welcome back Ma'am Deany! Kumusta ang bakasyon niyo sa probinsiya?" masiglang bungad sa akin ni Helen sa pintuan pa lamang ng DKM. Kinuha niya ang bitbit kong malaking plastic bag.

"Pasalubong ko sa inyong lahat. Pagpasensiyahan niyo na at yan lang ang napamili ko. Kulang na sa oras," I briefly explained.

Helen was speechless for few seconds. "B-Binili niyo kami ng pasalubong? Sa maiksing panahong pagbabakasyon niyo, naisipan niyo kaming ibili ng pasalubong?" She acted like she was too touched and almost became teary-eyed.

"Bakit naman hindi?" kunot ko.

Kumuha siya ng isang supot ng Pili nuts at iwinagayway iyun sa lahat. "Yehey may pasalubong sa atin si Ma'am Deany!"

Nagsitayuan ang lahat at nagpalakpakan. Parang ang big deal sa kanila na binigyan ko sila ng pasalubong. Napapailing ngunit nakangiting pumasok ako sa aking opisina. I found my employee's reaction funny.

I sat and leaned in my swivel chair. Saglit kong tinitigan ang patong-patong na mga folders sa ibabaw ng aking mesa. Sa unang pagkakataon, tinamad akong buklatin ang mga iyun. I grabbed the remote and  opened the blinds of my glass wall. Tumayo ako at lumapit sa salamin. Nakahalukipkip na tinitigan ko ang kilalang-kilala kong gusaling nakatayo sa kalye ng Annapolis.

"Ma'am andito na ho yung tea niyo." Helen entered my room.

"Ilagay mo na lang sa mesa ko," walang ganang sagot ko.

"Nasa mesa niya na ho. Inumin niyo na po habang maint pa."

"Helen," tawag ko bago siya lumabas ng silid.

"Yes Ma'am!" She quickly stood beside me while hugging the tray. "Ano po yun?"

"What do you think of that building?" turo ko sa condominium.

"It's an old one," prangkang sagot niya.

"Can you check their unit 503 if it's up for sale. I want to buy it."

Napanganga ang aking sekretarya. Nagkaroon ng pagtutol ang kanyang mga mata. "Seryoso po kayo? Kung gusto niyo ng condo unit ihahanap ko po kayo ng sosyal at maganda. Marami po diyan!"

I chuckled and softly kicked the floor with the tip of my valentino shoe. "I'm not planning to live there," matamlay na paliwanag ko.

"Kung ganun ba't niyo pa bibilhin? Huwag niyong sabihing ire-renovate niyo tapos ibebenta niyo ulit sa mas mahal na presyo? Ma'am gawain lang yun ng mga baguhang realtors."

"I want to keep it for sentimental reasons. So stop asking questions and just do what I told you to do. If it's not for sale maybe you can offer the owner a tempting price."

"Yes ma'am," biglang pormal na wika niya matapos mapansin ang biglang pagistrikta sa tono ko. "Tatawagan ko na ho agad ang admin nila." Nagmadali siyang bumalik sa kanyang mesa.

I wish I could open up to her. I wanted to buy the place because it's the only tangible memory of the Dustin I loved and who loved me back.

I returned to my desk battling with heavy feelings. Buti na lamang ay sumilip sa pintuan ko sa Ethan na agad nakatulong sa pagpapagaan ng aking pakiramdam.

"Hi Tita Deany!Dinaanan ko lang po ang allowance ko kay Ma'am Helen." The way he called me Tita contributed more in uplifting my mood 

I suddenly remembered something he dropped. "Ah oo nga pala Ethan, may naiwan ka dito nung last time na bumisita ka." Binuksan ko ang drawer at nilabas ang larawang aking itinabi.

Binigyan ko iyon nang mabilis na tingin saka inabot sa aking kaharap. Nang kukunin niya na ay bigla akong may napagtanto. Binawi ko ang aking kamay at muling tiningnan ang larawan. Unti-unti akong kinilabutan. Bakit kasama ni Ethan ang misteryosang matandang babaeng nagpapakita sa akin? Ethan was still a kid wearing a grade school uniform while the old lady was wearing the same cleaner's uniform when I first met her. Parehas may malalaking ngiti habang nakatingin sa kamera.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon