23-Be Careful What You Wish For

9.4K 646 221
                                    


Ganado kong inaalmusal ang strawberry cake na pasalubong ni Dustin.  Its sweetness reminded me of his last night's kisses and because of that I began missing him already.  Hindi pa nga dumadaan ang isang araw ay gusto ko na naman siyang makita, taliwas sa pagpayag ko na okay lang kahit huwag niya muna akong dalawin ng ilang araw. Pero kahit ganun pa man ang lungkot nararamdaman ko ay hindi ko iyun kinunsinti. I couldn't be selfish all the time.

Nangalumbaba ako at tumingin sa kawalan.I was bored. Ano bang pwede kong gawin nang hindi namamalayan ang pagtakbo ng oras?

"Aling Juanita si Janelle po nag-almusal na ba?" tanong ko sa kusinera nang naghain siya ng itlog at hotdog sa hapag-kainan.

"Naku nakaalis na po. Maaga siya para makaiwas sa traffic dahil kahapon daw po ay nalate siya gawa nang may inaayos na daan sa bandang Espanya." 

Mas nadagdagan ang lungkot ko. May pasok nga rin pala si Janelle. Wala akong makakakulitan man lang.

Pagkaalmusal ay nag shower ako. Then I killed my time watching recommended dramas by Janelle pero di rin ako napalagay dahil sa bawat eksenang nakikita ko ay sumasagi sa isipan ko ang napag-usapan namin ni Dustin tungkol sa kaibigan niya. Anumang gawin ko, kay Dustin pa rin nauuwi ang tinatakbo ng isip ko.

I turned off the TV and looked for Manong Mario but I couldn't find him anywhere in the house.  "Manang Delia asan si Manong Mario?" I asked the housekeeper who was by then busy washing our laundries.

"Day off niya po ngayon Ma'am. Bakit po?"

"Ganun ba? I was just wondering kung pwede ako mag-ikot ikot pero dahil day-off pala ni Manong di bale na lang po," kibit-balikat na wika ko.

Pumasok na lamang ako sa aking kuwarto. Nababagot na naupo ako sa kama at tumingin sa paligid para maghanap ng gagawin. Nahagip ng mga mata ko ang aking handbag na nakapatong lamang sa dresser. Hindi ko pa pala naibabalik yun sa lagayan niya sa closet. It was expensive kaya bawal magpakalat-kalat lang. Kinuha ko yun at tinanggal ang mga laman pero natigilan ako nang matagpuan sa bag ang flyer ng restaurant ni Dustin.

Proud na proud na tinitigan ko na naman ang nasabing papel hanggang sa may nabuong balak sa aking isipan. Should I visit the place? I checked the address and it was located in Fairview. Maybe a cab could get me there. Ako naman ang susurpresa ng bisita kay Dustin para makabawi man lamang kahit kaunti sa mga naging efforts niya sa akin. I knew he was dying to see me too.

Excited pero dahan-dahan akong nag-ayos ng sarili. I wanted to look perfect para maipagmalaki naman ako ni Dustin sa mga empleyado niya. I chose light colored casual outfit, a sky blue laced dress na pinaresan ko ng chanel classic sling bag at kulay perlas na flat shoes. I had more than fifty branded bags in the closet. Although I had a memory problem, I was still aware of the prices of those bags kaya nanghihinayang ako kung hindi ko susulitin ang paggamit ng mga yun.

I sat on my dresser and put light makeup. Nagponytail ako ng buhok. Inilugay ko sana but I didn't look like my age. Paminsan-minsan akala ko kasi ay twenty five pa rin talaga ako. Pinili ko ang perfume na may pinakalight na amoy at nagspray nang kaunti.

I checked my wallet first before leaving the house. Mabuti na lamang ay may laman pa iyong tatlong libo. Tira sa perang inabot sa akin ni Kuya Richard simula pa nang lumabas ako ng hospital. May mga atm cards naman sana ako kaya lang nakalimutan ko rin naman ang mga pin numbers. I had credit cards too pero sa kondisyon ko ay wala naman akong pwedeng paggamitan. But nevertheless, I put all of them in the wallet baka may mga pagkakataong makakatulong pa rin yun sa akin.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon