9-His First Heartbreak

9.9K 529 69
                                    

I was standing in front of our building. Contemplating. Hesitating to attend the class.  It was monday, two days after the JS Prom, noon lang ulit ako nagising na kakaunting araw lamang ang nilaktawan ko.

I was too ashamed to face Dustin. Seeing him that soon wasn't a very good idea. It would still remind me how my stupid heart crazily pounded during our dance. Wala siyang kaalam-alam sa aking nararamdaman pero ganunpaman ay nahihiya ako lalong-lalo na sa aking sarili. I knew I was helpless because I couldn't control my younger heart but still the idea of myself falling for a boy at his age was loathsome. During our dance, I think it wasn't just my heart that was swayed kundi may sandaling tila nadala rin pati ang buong pagkatao ko. Maybe It would be better if I'd meet him again the next day I'd wake up.

Naisip kong tumambay na lang muna sa isang magandang beach na matatagpuan din lang sa aming bayan at twenty minutes away mula sa school. Kaso nung paalis na ako, narealize kong hindi kasya ang baon ko. Kailangan ko kasing mag-arkila balikan ng trycicle. Sunod na naisip ko ay umuwi na lamang sa bahay. Idahilan sa aking mga magulang na masama ang aking pakiramdam. Pero nagdalawang-isip ulit ako habang iniimagine na tiyak na di maniniwala si Mama at mabubungangaan lamang ako.

"Ba't nakatayo ka lang diyan? Hindi ka pa ba pupunta sa room?"" puna sa akin ni Lui nang madaanan ako.

"Maya-maya na parang m-medyo sumama ata ang pakiramdam ko," arte ko.

Bigla siyang nag-alala. "Naku sana maging okay na. Huwag kang uuwi ha. May exam tayo sa Filipino wala akong makokopyahan."

May long quiz nga pala talaga kami ayun sa aking diary. I was best in Filipino subject. Pag di kaya ako pumasok maapektuhan ang future ko? Pero may future pa ba ang isang kagaya ko?

In the end, I decided to attend the class. Although I could just enjoy this second life but still I couldn't afford to be irresponsible. Malay ko baka may point pa rin yun kay God. If I performed well, pahahabain niya pa ang pananatili ko sa lupa. Lulunukin ko na lamang ang aking kahihiyan at hayaang kumalma ulit ang pintig ng puso ko pagdating kay Dustin. My matured soul must overpowered my innocent heart.

I calmly walked in the aisle. Inhaling deeply and exhaling loudly. Bumagal ang paghakbang ko nang makasalubong ko si Mary-ann. Mabilis ang lakad niya at nang napadaan siya sa akin ay napansin ko na parang namumugto ang mga mata niya. Wala pang isang minuto, nakasalubong ko naman si Dustin. He looked uneasy. I stared at him and prepared a wide smile pero nang makalapit siya sa akin ay di niya pinansin ang bati ko. Nilampasan niya lang ako. Tumaas ang isa kong kilay sabay sinundan ko siya nang tingin. It looked like he wasn't aware of my presence.

Sinundan ko siya. Kutob kong hinahabol niya si Mary-ann. I was careful with my steps because I didn't want them to know that I was following them. They went at the back of the building. I hid in the corner wall. Sinilip ko sila. Seryosong-seryoso silang nag-uusap. Parehas may malungkot na mukha.

Pagkatapos nilang mag-usap, dali-dali akong naupo sa ilalim ng malapit na puno ng aratiles. Kumuha ako ng libro sa aking bag at kunway nagbasa. Sumisilip pa rin ako mula sa libro. Hindi sila magkasabay bumalik. Nauna si Mary-ann at sinundan siya ni Dustin. By watching only his back, batid kong may problema sila dahil sa kanyang bagsak na mga balikat.

May nalaglag na papel sa bulsa niya at hindi niya yun namalayan. Nang maglaho siya sa aking mga paningin, pinulot ko yun. Isa itong sulat. Sa una, akala ko ay isa na naman sa mga love letters ni niya pero mali ako. Isa itong sulat mula kay Mary-ann. I didn't want to pry on his privacy but I couldn't help myself not to read it .

Nagtago muna ako sa CR at doon ay binasa kong maigi ang sulat.

Dustin,

Salamat sa lahat pero tapusin na natin ang anumang namamagitan sa atin. Matagal ko nang kinikimkim ito sa aking sarili pero ngayon ay hindi ko na kayang tiisin. Ilang beses na akong nasasaktan kapag nakikita ko kayong magkasama ni Deany. Alam ko magkaibigan lang kayo pero tao pa rin akong nasasaktan kapag nakikita kong may ibang malapit na babae sa aking boyfriend. Sinubukan kong sarilinin na lamang ang lahat pero ang huling sakit na hindi ko kayang palagpasin ay ang nangyari sa JS Prom. Maaring di mo alam pero mas higit na binigyan mo ng atensiyon si Deany kaysa sa akin. Hindi ko kayang tanggapin na siya pa ang first dance mo kesa sa akin. Mas mabuti pang maghiwalay na tayo kung mas matimbang naman pala lagi ang kaibigan mo kesa sa girlfriend mo.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon