5- Stupid Cupid

9.8K 508 34
                                    




"Pakopya mamaya sa exam natin ha. Di ako nakapag-aral," kalabit sa akin ni Lui.

"Exam saan?" litong tanong ko.

"Sa science."

" Wala naman tayong exam. Ang meron tayo ay assignment."

"Ano ka ba Deany. Di ba sinabi ni Ma'am Dolores kahapon na may exam tayo ngayon."

"No. Assignment lang meron tayo," giit ko. Nilabas ko ang notebook para patunayang tama ako. Laking gulat ko nang buksan ko ang pahina. May check na ang notebook. I opened the next pages may mga nakasulat na rin doon.

Am I in different time frame again? Did it mean that I didn't wake up in yesterday's tomorrow?

"Anong date ngayon Lui?" tarantang tanong ko.

"July 10."

Nanlaki ang aking mga mata. Dali-dali kong dinukot ang diary sa aking bag. Nagmamadaling lumabas ako ng classroom. I hid at the back of the building. Doon ay binasa ko ang diary. I have an entry on that day.

July 10,1998

Dear Diary,

Dustin confessed his feelings to me. I wanted to reject him right away. Alam mo naman allergic ako pagdating sa love. Love is my biggest fear kasi ito lang ang tinuturing kong pinakamalaking banta sa mga pangarap ko. But I didn't understand why I gave him a chance. Pinayagan ko siyang manligaw at ngayon parang nagsisisi ako. Maybe I was touched for a while because he gave me three pretty roses. Should I take back my words? Didiretsuhin ko na lang ba na ayoko sa kanya para tumigil na siya. Pero sinabi ko naman sa kanya na wala pa akong time para sa lovelife at kung dumating man yun ay napakatagal pa siguro. But he said he's willing to wait as long as I won't love another man.

I closed the diary after reading. I looked up at the sky. Again I questioned the heaven. Ano na naman tong bagong misteryosong nangyayari sa akin? Bakit may mga nilaktawan akong araw? Habang hinihintay ko ang kasagutang alam ko namang di darating, unti-unting nahati sa dalawa ang makapal na puting ulap. Tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Nasilaw ako pero sa kabila nito ay parang naaninag ko ang mukha ni Dustin sa mga ulap.

Was it a sign? Kaya ba ako bumalik dahil sa kanya at babalikan ko lang ba ang mga araw kung kelan meron akong mga mahahalagang alaala sa kanya? Napatingin ako sa diary and I embraced it tightly. I eventually realized its purpose, ang magsilbing gabay sa mga araw na babalikan ko.

Di makapaghintay na inabangan ko ang labasan ng pang umagang klase. Pumunta ako sa lugar kung saan nagtapat sa akin si Dustin noon. It was in the first floor's lobby near the stairs and it happened after our morning class kung saan halos nakauwi na ang lahat at nagkataong kami na lang ang naiwan.

I heard footsteps. Dali-dali akong nagtago sa pinakamalapit na room. Nagtago ako sa dingding na may katabing bintana kung saan kita at dinig ko ang inaabangan kong mangyayari. Natanaw ko si Mary-ann na kakababa lamang ng hagdan mula sa aming palapag.

"Mary Ann teka lang!" It was Dustin's voice. Maingat akong sumilip. Nakita kong inaabutan niya ng tatlong pulang rosas si Mary Ann. She blushed. Hindi maitago sa mukha ang kilig.

"Pwede ba kitang ligawan?" he bravely said without any sign of hesitation.

"Bakit mo naman ako liligawan?" mahinhing salita ni Mary-ann. She sounded more girlish than her normal voice.

"Dahil gusto kita. Unang kita ko pa lang sayo ay iba na agad ang naramdaman ko. You're beautiful and you're personality stands out among all other girls."

"Talaga? Bakit ako ang nagustuhan mo? Ayaw mo ba kay Deany? Sa kanya madalas nagkakagusto ang mga boys."

Napalunok ako. I knew he'd be more honest dahil hindi ako kaharap.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon