40- My Chef Lover

9.7K 502 107
                                    


I checked my phone and read my niece reply about my instruction to lock the house properly. As I expected, wala na naman akong matinong sagot na natanggap. She told me not to worry and just enjoy the freedom she temporarily granted to me. Pumasok lang ako sa relasyon ang feeling nitong pamangkin ko ay nagkapalit na kami ng posisyon. Makukurot ko to bukas pag-uwi ko.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa paligid. It's my first time to visit Dustin's place since he became my boyfriend. From the interior to the furniture, napakalaki pa rin ng pagkakahawig sa kung ano ang hitsura nito sa panaginip ko. I wonder why Dustin keep it that way though he doesn't want to talk about our dreams. Maybe it's about family sentimental value.

"Deany gusto mo na bang magpalit ng damit?" napaiktad ako nang magsalita si Dustin. Lumabas siya ng kuwarto nang naka walking shorts at T-shirt na. Mukhang nakapaghilamos na rin. He's holding a pair of peach furry indoor slippers and put them in front of my bare feet. "Wear these. I forgot to place them on the main door."

"Thank you." They're new and exactly my size.

Nagpunta siya sa kusina at nagbukas ng refrigerator.

"S-Saan ba nakalagay yung mga damit ko?" medyo nahihiyang tanong ko habang tumitingin sa pinto ng ibang kwarto.

"Nasa closet ko."

Pasimpleng yumuko ako at nagbasa ulit saglit sa aking cellphone. I wanted to hide my blushing cheeks. Although I'm already comfortable with him most of the time pero pag kaming dalawa na lang sa isang pribadong lugar, naasiwa pa rin ako sa umpisa.

"O-Okay lang bang pumasok sa kwarto mo?" tanong ko nang may alanganing ngiti.

"Bakit naman hindi, diyan ka rin matutulog."

My heart tickled a bit. Kinagat ko ang aking labi. Simula nang naging kami, napakadirekta na lagi ng mga kilos at pananalita niya. It reminds me of his old self kung saan nung high school eh niligawan niya agad ako pagkatransfer na pagkatransfer niya. He was vocal and wasn't ashamed at all to express his feelings. Meeting him after more than a decade gave me impression that he completely changed into a new person pero ngayong lubusan ko na siyang nakikilala, nasa kanya pa rin pala ang mga lumang katangian niya. But now that he's gotten older, he enacts it in much cooler way.  Gaya kanina sa gathering, I wasn't expecting him to reveal our relationship in that manner. But though he didn't consult me, hindi naman ako na-offend bagkos ay kinilig pa nga. Parang ang haba ng buhok ko kasi ramdam ko kung gaano siya ka-proud na girlfriend niya ako.

I picked up my handbag and cautiously entered his room. Binuksan ko ang kanyang closet at nakita sa isang bahagi ng hangeran ang mga nakasabit kong damit. Madami-dami din ito kaya pala medyo numipis ang isang hilera ng mga damit ko sa sarili kong closet. Naagaw ang atensiyon ko ng ilang mga nakahanger na damit. Nagsalubong ang aking mga kilay nang makita ang mga makukulay na sexy satin nighties na hindi ko naman pag-aari. Kinuha ko ang isa niyon at dali-dali akong lumabas. I leaned at the rooms'door with raised eyebrow. I glared at him while he's is still preoccupied in the kitchen.

"Kanino to? Nagdadala ka ba ng ibang babae dito?" nagdududa at diretsong tanong ko. My sudden jealousy completely swept away my entire awkwardness.

Sa una ay parang nagulat siya dahil mataas ang aking tono but when he saw the cloth I was holding, he chuckled. "It's yours. Ibinili kita kasi walang kasamang pantulog dun sa mga pinadalang damit ni Janelle. Sinadya kong magpunta sa mall para ipamili ka ng mga gamit mo dito sa bahay ko," mahinahong sabi niya.

"Totoo?" duda ko pa rin.

Hindi natitigatig na tumingin siya sa akin. "I'm not lying. Kung para sa ibang babae yan, hahayaan ko bang nakatiwangwang yan sa damitan ko at makita mo?" sabay buntong-hininga niya.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon