38- The Date

10.4K 539 64
                                    



"Thank you for your time Ms. Mortel! Finally we have a joint project. See you next time," handshake sa akin ng aking ka-meeting.

"Salamat din po Mr. Delgado. And thank you for trusting us," nakikipagkamay na at yumuyukod pang sabi ko.

"Are you not leaving yet?" he asked.

"I h-have another appointment here," ilang na sabi ko.

"Sige mauuna na ako sayo."

"Ingat po."

Tiningnan ko ang oras, pagkaalis ng aking kausap. Mag-aalas siyete na! Nasaan na kaya si Dustin? Baka kanina pa yun naghihintay. I had meeting sa isang coffee shop sa may SM North The Block. I told him I'd be finished by 5pm. Nakalimutan ko ang oras at napasarap ako sa pakikipag-usap dahil isa sa mga hinahangaan kong contractor ang kameeting ko.

I called him but it's only ringing. Wala naman siyang text kung dumating na siya. Pero sinabi ko kasi sa kanya na ako na lang ang tatawag pagtapos na ang meeting ko. Tumawag ulit ako hanggang sa napansin kong may nagriring din sa bandang likuran ko. Lumingon ako at nakita ang aking tinatawagan na nakaupo sa likurang mesa. Nakahinga ako nang maluwag sabay natatawa ako. Nakatulog siya habang hawak ng isang kamay ang diyaryo. Bahagya akong nakonsensiya. He left his restaurant to have time with me tapos naghantay lang siya nang mahigit isang oras niya.

Lumapit ako sa mesa niya. I bent down and whispered to his ear. "Dustin."

He slowly opened his eyes at biglang gising pagkakita sa akin. Umayo ako ng upo. "Tapos na ba ang meeting mo?"

Naupo ako sa harap niya. "Yes. Sorry kung pinaghintay kita. Kanina ka pa ba?"

"Hmm hindi naman. Let's go." Tinupi niya ang dyaryo at pinatong sa mesa saka tumayo.

Tumayo na rin ako at isinukbit ang aking shoulder bag. "So what's the plan?" excited na sabi ko.

"I'm hungry," hawak niya sa tiyan.

"Okay let's have dinner first," ngiti ko.

Umakbay siya sa akin habang papalabas ng coffee shop. "Saan mo gustong kumain?" he asked.

"I want comfort food. Parang gusto ko ng chicken. Can we try fast food?" may malapad na ngiting sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "First date natin tapos sa fast food mo gustong kumain. Sigurado ka?"

"Yes," siguradong sagot ko. I want something memorable and eating in fine dining is not unusual to us. 

"Okay," tango niya sabay tingin sa paligid. "Let's find chicken restaurant then."

Patay malisyang tiningnan ko ang kanyang kamay na nakapatong sa aking balikat. Pinipigilan kong ngumiti habang naglalakad. Pagkatapos ng pagkahaba-habang panahon, naranasan ko ring mag-stroll sa mall nang may kaakbay na boyfriend.

Di sinasadyang nahuli niya akong nakatingin sa nakaakbay niyang kamay." Are you uncomfortable? Okay. Let's hold hand instead," napapangiting salita niya.

Tinanggal niya ang kanyang kamay. 

"Ay huwag!" Tarantang ibinalik ko ang braso niya sa aking balikat. " Okay lang, don't remove your arm please," ngiti ko. "I'd love to show to everyone that you're mine."

"Alright," sabay kabig niya pa sa akin papalapit sa kanya. We continued walking. "How about that one? Gusto mo ba diyan?" turo niya sa Max's Restaurant.

"Okay lang sa akin. Tara na huwag na tayong masyadong mamili at gutom ka na," mabilis na sagot ko.

Huminto siya pagdating sa pinto ng Max's. "Can I remove my arms now?" kunway seryosong paalam niya sa akin.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon