19-Meeting People Like The First Time

9.8K 590 143
                                    


Titig na titig ako kay Janelle habang minamasahe niya ang aking mga paa. Napansin ko ang pagkakahawig niya sa akin. Our eyes, cheekbones and chin had resemblance.

"Sana next time Tita, makalakad ka na," nakangiting wika niya habang desididong-desidido sa pagmamasahe.

"Bakit ikaw ang nagbabantay sa akin? Hindi ka ba nag-aaral?" malumanay na tanong ko. My heart suddenly ached for my niece. At such a young age she was already capable of taking care of a sick person.

"Nag-aaral. Kayo nga po ang nagpapa-aral sa akin eh. Nagi-stay lang naman ako dito pag weekend pero dahil Sunday ngayon, mamayang gabi po si Manang Delia na ang magbabantay sayo. Katulong po natin siya at huwag kayong mag-alala kung sakali mang  di niyo siya natatandaan kasi apat na taon na po siya sa inyo. Isa po siya sa mga taong pinagkakatiwalaan mo."

Natuwa ako sa aking nalaman na ako pala ang nagpapa-aral sa kanya. "Anong klaseng Tita ba ako?"

"Mapagmahal at sobrang bait! Pero may time din na istrikto at masungit minsan, lalo kapag maraming problema sa trabaho."

Tumayo siya. Kumuha siya ng suklay at sinuklayan ako.

"Saan ako nagtatrabaho ngayon? Do I have a nice job para mapag-aral kita at maka-afford ng katulong?"nakangiting salita ko.

She stopped combing my hair and looked at me with wrinkled nose. "Sabi ni Tito Dustin huwag ko daw i-entertain lahat ng mga tanong niyo. Lalo na yung magbibigay lang sayo ng stress. Kaya kalimutan niyo na lang muna yung tungkol sa trabaho."

Tumawa ako. I started finding her cute. "By the way Janelle bakit di naglalagi dito si Tito Dustin mo?"

"Kasi Tita inaasikaso niya yung restaurant niya. Hindi niya pwedeng pabayaan lalo't kakaopen lang po," kuwento niya habang tinutuloy ang pagsuklay sa akin.

My eyes shone. "Talaga may restaurant na si Dustin?"

"Opo."

Napangiti ako sa aking sarili. "At the end, natupad niya pa rin pala ang pangarap niya," I uttered.

"Opo. Balita ko nga busy lagi sa dami ng kostumer. Ang sarap naman po talaga ng mga recipes ni Tito Dustin."

I suddenly felt guilty for feeling bad about his absence. "Kaya pala di niya ako mabantayan lagi. Lihim pa naman akong nagtatampo sa kanya," mahinang sabi ko.

"Naku Tita huwag na huwag kayong magtatampo sa kanya. Alam mo bang halos araw-araw dumadalaw sayo si Tito Dustin. Kahit busy siya sinisigurado niyang makakadaan pa rin siya dito kahit papaano. Alam niyo sa sobrang concern niya sa inyo, nahuli ko pa nga siyang umiyak nung nag-agaw buhay kayo."

Bigla akong napatingin sa kanya. "Huh nag-agaw buhay ako?"

"Opo."

Nanahimik ako. I instantly felt  grateful to heaven for giving me another life. Kahit pala nagising akong hindi normal ang aking alaala ay dapat pa rin akong magpasalamat nang labis. Because of that, I wouldn't dare to blame anything or anyone about my forgotten memories. Hihintayin ko na lang na kusa akong pagalingin. Kung dinugtungan niya nga ang buhay ko, mas lalong kayang-kaya niyang ibalik ang mga alaala ko. For some unknown reason, I felt like my faith had gotten stronger.

Janelle grabbed a chair and sat comfortably beside me. Minasahe niya naman ang aking braso. "Dalawang beses kayong nag-agaw buhay. And you know on the last one, nahuli kong nakasubsob sa palad mo si Tito Dustin. Hindi ako maaring magkamaling umiyak siya," she stated with wider eyes.

Natatawa ako. Medyo kahawig ko nga siya pero tila namana niya naman ang kadaldalan ng kanyang lola. "Ano naman ang unusual diyan? Normal lang naman na ganun ang maging reaksiyon niya lalo't nag-agaw buhay ako. Mas magtataka ako kapag hindi siya nalungkot."

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon