11-We Don't Say Goodbye

9.4K 610 82
                                    


Abala si Gary sa pagbibilog ng papel at pagkatapos ay sunud-sunod na pinapashoot sa basurahan. Mukhang na-master niya na sapagkat wala ng mintis. Si Emil ay nagigitara habang si Cesar ay ginagawang tambol ang lata ng biscuit na pinaglalagyan ng mga walis. Si Rowena naman ang kanilang singer. Si Lui ay nagbubura ng mga sulat sa blackboard. Si Dustin at Carlo ay nag-aasaran. Mary-ann, Gina and Karen were giggling on their desk. Genevieve was busy telling story to Sherrie. Lahat may kanya-kanyang ginagawa maliban sa akin. I was just staring on a different room but with the same people. I wouldn't stop myself from sighing hoping it would make my heart less heavy.

Hindi madaling tanggapin sa sarili ko na nagising ako ng tatlong araw na lang bago ang high school graduation. Napakalaki ng itinalon ng panahon. I felt devastated thinking na iyon na rin marahil ang huling araw ko sa aming mataas na paaralan. I didn't want to be childish pero naiiyak ako habang pinagmamasdan ang aking mga kaklase. Iyon na ata ang pinakasentimental na nangyari sa buhay ko.

Kinuha ko ang aking diary at lumabas ng room. Nagtungo ako sa puno ng ilang-ilang. Naupo ako sa damuhan at binuklat ang diary. Nanlumo ako nang malamang kakaunting pahina na lamang ang natitira. Hindi na kasi ako palasulat nung college sa dami ng mga aralin. Ibig sabihin ay iilang pahina na lamang ang posible kung balikan. Kasabay ng kalungkutan ay ang pag-usbong ng takot sa aking dibdib, kapag naubos ang mga pahina ng diary ay tapos na rin kaya ang pagbabalik ko sa nakaraan? Tuluyan ko na rin kayang lilisanin ang mundong ito?

Dustin followed me. Dali-dali kong itinago ang diary.Pinahiran ko ng kamay ang sumisilip na luha sa aking mata at ngumiti sa kanya.

"Kanina ka pa matamlay. Was it because of the honor roll? Napagalitan ka siguro ni Tita Sonia dahil dito." Lulugo-lugong yumuko siya. "Wala naman talaga akong balak na magvaledictorian eh. Sorry hindi ko sinasadya."

Natawa ako nang mahina. "Do you think I'm lonely because of that?" Kahit paano ay saglit akong naaliw sa maling assumption niya.

He nodded. "Tita must be very disappointed. I never intended to compete with you. Kung gusto mo sayo na lang ang medal ko."

"Ano ka ba Dustin. Hindi ganyan si Mama. Oo mas masaya siya kung nag-top ako pero masaya pa rin naman siya na naging salutatorian ako. Isa pa natutuwa rin siya dahil ikaw ang nagvaledictorian. Ako rin natutuwa dahil deserve mo naman talaga yun. Wala akong magagawa kung talaga naman naging mas magaling ka keysa sa akin. As a friend, I'm proud of what you achieved," paglinaw ko.

"Kung ganoon ba't ka nalulungkot?"

Bumuntong-hininga ako nang malalim. "Siyempre malungkot dahil maghihiwa-hiwalay na tayong magkaklase," mahinang wika ko.

He tapped my shoulder. "Everything will be just fine. Lahat naman tayo nalulungkot dahil diyan but on the other side we must look forward to the new life waiting for us," seryosong salita niya.

"I don't want a new life yet. I want to stay. There were a lot of things that I still want to do here," I answered honestly.

"May mga bagay talaga na may hangganan. And moving on is the best way to avoid loneliness. Just look at the positive side, we leave a new chapter of our life to move forward in much more better chapters ahead us."

"You don't understand me Dustin. Sa lahat ng mga napagdaanan ko, this is already my best chapter." I vaguely answered.

"You're wrong. The best chapter of your life is yet to come... yun ay ang panahon kung kelan mararanasan mo nang magmahal at mahalin ng tunay."

Tulalang napatingin ako sa kanya. Because of what he said I suddenly remembered my dying wish. Gusto kong maranasang magmahal at mahalin.

"Do you think I have a chance to experience that thing you just said?" Inabangan ko ang kasagutan niya kahit alam kong wala nang kapagapag-asang matupad ang kahilingan ko na yun.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon