43- The Greatest Joy and Fear

13.7K 619 195
                                    

Natutuwang tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin. Hinahaplos-haplos ang aking bagong uniporme. Parehas na kami ng suot ni Camilla. With this clothes, I feel more confident in assisting the costumers. Ang disadvantage lang ay ang suot na sapatos, merong takong. Kung doon pa nga lang sa flat shoes ay pinupulikat na ako, dito pa kaya. Kunsabagay di na rin naman ako masyadong naglalakad o nagpaparoo't parito sa loob ng restaurant. Madalas ay nasa bar counter na lang ako. Minsan nagkakahera at minsan taga sagot ng telepono. Kung merong mga problema o reklamo ang costumers either ako o si Camilla ang nakikipag-usap.

Pang pitong beses ko na ngayong tumutulong sa restaurant at madami na rin akong natutunan from Camilla. Konting panahon na lang ay  pwede ko na ring pasukin ang restaurant business. But of course, I won't do that. I will not be a competition to the love of my life not unless he offered me to become his business partner. But I doubt he'll do that. He got a huge pride when it comes to money.

Dalawang araw akong wala sa Osteria Romana dahil may inasikaso muna akong importanteng mga bagay sa aking kumpanya kaya naman umpisa pa lang ng araw ay excited na akong kumilos. Ngayon ay hindi na lang si Dustin ang dahilan kung bakit ako pumapasok sa restaurant niya. Napapalapit na rin ako sa mga empleyado at totoong enjoy na enjoy na ako sa trabaho. It's like working in a completely different world. What I like about my job here is that I don't have to act tough all the time. Unlike in DKM, I need to be strong or else everything will collapse.

Lumabas ako ng banyo ng babae. Kakatapos lang namin mag lunch at kasalukuyan munang nagpapahinga ang mga staff. We need to regain our energy for dinner time. While walking towards the dining hall, I smell scent of flowers. Nangingibabaw ang amoy ng rosas. Tumingin ako sa may pintuan at nakitang may mga mamang nagpapasok ng bungkos-bungkos na mga bulaklak. Dinidiretso nila iyon sa function room. I felt more alive after seeing the beautiful flowers. Nakangiting lumapit ako kay Camilla na nakatayo sa loob ng bar at mukhang busy sa pag-iinventory ng mga alak.

"What's with the flowers? Anong meron?" curious na curious kong tanong.

Mabilis niyang tiningnan ang dumaang waiter na may dala-dala ring mga bulaklak. "The function hall is booked for an event tonight," she answered with a blank face sabay ibinalik sa mga alak ang atensiyon.

"What event?"

"Engangement."

Namilog ang aking mga mata. "Talaga? Nakaka excite naman!" It will be my first time to witness an event in the restaurant. Dati ay naririnig ko lang yun kay Dustin kapag nagmamadali siyang makabalik ng restaurant, ngayon ay masasaksihan at mararanasan ko na rin.

"Camilla in the range of one to ten. Anong level ng busyness natin mamaya?" tanong ko para mas maihanda ko na ang aking sarili.

"Eight point five."

"Ah at least it's not 9.5. Saturday is 9.5 for me," I chuckled.

"There will be an assigned crews for them. The dining hall will be functioning as usual. Yung booked area lang talaga ang isasarado. Usually during booked event the busiest is none other than the kitchen."

I twitched my lips. "Lagi naman." Speaking of kitchen, naalala ko si Dustin. Tumingin ako sa paligid. "By the way, where's Dustin? I haven't seen him since we finished our lunch."

"He left in a hurry. I think he has a meeting with a  supplier."

Ngumuso ako. "Hindi man lang nagpaalam sa akin," bulong ko sa sarili.

Camilla chuckled. "What now? Do you starting to feel bad about petty things like that?"

"Nah!" I sighed. "As we both know, I can't be clingy to him inside this restaurant. Nadinig niyo naman kung paano niya in-emphasize kung sino ang boss dito," kunway dismayadong sabi ko.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon