31- The Talk Of Real Past

16.3K 777 265
                                    


Sa garahe pa lang ay nakaabang na ang tatlo pang mga anak ni Heaven. Si Hansen Jonas na sampung taong gulang, Demi na walong taong gulang at ang tatlong taong gulang na bunsong si Merrylyn. 

Excited akong bumaba ng sasakyan.

"Tita Deany!!!" sabay-sabay silang lumapit at isa-isang yumakap sa akin.

Pinupog ko silang ng halik at pinagyayakap nang mahigpit. "Naku Kuya Hansen, pataba ka nang pataba ah! Ano na bang timbang mo ngayon?" wika ko.

"Thirty nine po. Magdadiet na po ako umpisa bukas Tita."

"Naku sinabi mo rin yan nung huli tayong mag-usap. Demi, how's your studies ikaw pa rin ba ang pinakabright kong pamangkin?"

"With highest honor pa rin po tita," Demi answered.

Binigyan ko siya nang isa pang madiing halik sa pisngi. "Wow! Ang sipag talaga mag-aral."

Tumingin ako sa bunsong nakangiti at labas na labas ang aapat-apat na malalaking ngipin sa harap. I pinched her nose sa panggigigil. "Pisilin natin ilong ha para tumangos nang kaunti."

She pouted her lips at idinikit yun sa kanyang ilong upang lalong ipagdiinan ang pagiging pango niya. Merrylyn was a funny child. She wasn't the prettiest but she was the cutest.

Matapos panggigilan ang mga bata, I headed towards the house. Passing by my mother's wonderful garden. Most of the plants were blooming. Ang dahilan kung bakit hindi magtagal-tagal si Mama sa Manila because she kept worrying about her plants. Pero ang mga halamang madalas kong pagselosan ay siya rin namang unang bumibighani sa akin tuwing uuwi ako. And when you praise its beauty, daig pa ni Mama ang nakatanggap ng Nobel Prize award. Her garden was her pride.

Lumingon ako sa bahagi ng pader kung saan dating nakatayo ang puno ng Banaba. I looked up and imagined a tall tree full of purple blooms. I was missing the orchids on its trunks. Ang hitik na hitik sa bulaklak na mga native phaleanopsis. Ang mabangong hanging dulot ng bulaklak ng sanggumay. Nakakapanibago na nakaapak na naman ang mga paa ko sa aming bakuran pero iba na ulit ang tanawing aking nakikita.

Pagtingin ko sa aming terrace naroroon ang aking mga magulang na nakaabang din sa aming pagdating. My mother was holding Papa's wheelchair. Sabik akong lumapit sa kanila at humalik sa kani-kanilang mga pisngi. My father had no facial reaction due to paralysis but he got misty eyes. Sapat na upang malaman ko kung ano ang nararamdaman niya sa muli naming pagkikita. I hugged him tightly. I wanted to cry for missing him so much. My heart was happy and aching at same time. It was hard for me to switch into his reality after seeing him again for a period of time being healthy and strong.

"Pa marami akong pasalubong sayong mga jogging pants at tshirt. Magpalakas ulit kayo ha para magamit niyo pagjojogging. Pag malakas na ulit kayo dadalasan ko ang uwi at sasamahan ko kayo sa page-exercise. Tatakbo tayo hangga't kaya natin," masayang sabi ko habang kinukubli ang anumang kabigatan sa aking puso.

His tears fell while his lips were shaking. I knew he was trying to smile.

I held his hand and smiled. "Sabi ni mama ay tuloy-tuloy daw ho ang improvements niyo. Tiwala lang po tayo Pa sa itaas. Alam kong pagagalingin ka niya. He even showed miracle to an unworthy person, sa inyo pa kayang mula umpisa ay may malakas ng pananalig sa kanya."

"Narinig mo sabi ng paborito mong anak? Kaya huwag matigas ang ulo sa therapist para pag lumakas ka ay dun muna tayo titira kay Deany sa Maynila," ani Mama.

Nagmano si Janelle sa kanyang lolo't lola. "Miss you all po," mala-anghel na tono niya.

"Janelle nagpapakabait ka ba lagi? Alam mong bawal bigyan sa ngayon ng sakit ng ulo ang tita mo," wika ni Mama na halatang umiiwas banggitin sa harap ni Papa ang naging kalagayan ko.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon