36- The Get Together

9.9K 672 154
                                    




I stepped on the break before heading to the parking lot. I rolled down the car window to check the facade of Spring Valley Hotel. I remember the place. It's the first big project of DKM. I never visited the hotel since the day they began operating. Nakapasok lang ako dito noong under construction pa. Hindi ko lubos maisip na ang ikalawang beses na pagpunta ko dito ay para magmakaawa sa lalaking mahal ko.

The guard blew his whistle to signal I wasn't allowed to stop for a long time. Kibit balikat na tinuloy ko ang pagmamaneho pagpunta sa parking lot. Habang papasok ng lobby, nag-umpisa ng lumakas ang tunog ng aking dibdib. Sana nga ay sapat ang baon kong lakas ng loob para masabi ko kay Dustin ang totoong nararamdaman ko. Pero habang papalapit ng papalapit ang oras, manaka-naka na ring nanginginig ang mga tuhod ko. Paano ko haharapin si Camilla at lahat ng mga kaklase namin? What if pagkapatos kung gawin ang lahat ay ireject pa rin ako ni Dustin? Paano kung harap-harapan niyang piliin si Camilla?

Bahala na. Haharapin ko na lang pag andiyan na ako sa sitwasyon. Basta naniniwala akong malaki ang mensaheng gustong ibigay sa akin ng huling panaginip ko. Hindi pa huli ang lahat para maging masaya ako.

Dumaan muna ako ng wash room upang masiguradong maayos ang aking hitsura. Alam kong kahit anong gawin ko ay mas maganda at seksi pa rin sa akin si Camilla pero ang importante ay namaximize ko ang sarili kong kagandahan. I wore an off shoulder dress with short sleeves and knee high skirt. Hapit na purong puti ang pantaas samantalang turquoise lace naman ang aking palda. Hawak ko ang isang kulay asul na chanel pouch. Nakataas ang aking buhok na may kaunting nakalugay sa gilid. And to complete my get up, suot ko ang pares ng teardrop earrings, black choker necklace at 4 inches black peep toe heels. Umikot ako sa salamin to make sure na kita pati kurbada ng aking likuran. Among my body parts, ang puwet at collarbones ang pinaka-asset ko. It's one of those rare moments na hindi ako nakapang business outfit. It's not my cup of tea pero kaya kong gawin lahat para sa espesyal na araw na to.

I approached the reception with awkward smile on my face. Kinakabahan na naman ako.

"Yes Ma'am? Good evening. May I help you?" A young good looking male receptionist asked me.

"Ahhh..." I looked around first baka may mga kaklase na akong makakasabay but unfortunately there's none. "I'm one of the guests in the Presidential Suite reserve under..." tumingin muna ako sa cellphone para basahin ang pinadalang text ni Rowena. "Under Ramoncito Gatchalian."

"May I know your name ma'am?"

"Deanery Mortel."

He checked something in the clipboard then smiled at me. "Welcome to Spring Valley Hotel Ma'am Deanery. Here's your key." Nilapag niya ang card key sa harap ko.

Nagtatakang tinanggap ko ang susi. "Am I the one to arrive first?"

"Yes Ma'am."

Tumingin ako sa oras. Alas siyete na ng gabi. Ang usapan ay alas siyete ang umpisa. Kunsabagay ano ba naman ang bago sa mga kaklase ko. "Thank you," ngiti ko na lamang sa receptionist.

Instead of going directly to the suite, minabuti kong maupo na lang muna sa lobby. Mag-aabang ako ng makakasabay ko paakyat. I waited for around fifteen minutes hanggang mahalata kong panay tingin sa akin ng mga receptionists at guwardiya. Baka bawal tumambay nang matagal sa lobby. Sinubukan kong tawagan si Rowena para alamin kung nasaan na siya pero di niya sinasagot ang telepono. Maybe she's on her way to the hotel already. The receptionists wouldn't stop staring at me and I began feeling uncomfortable. Mas minabuti kung umakyat na lang baka mas lalo lang maging awkward ang sitwasyon pag nagkataong si Dustin at Camilla pa ang makasabay ko.

Before opening the suite's door, huminga muna ako nang malalim upang ipagpag lahat ng negatibong vibes sa dibdib ko. Alam ko ako yung una, pero once na makapasok na ako sa loob, I must maintain my composure at all time. I entered the room quietly, only hearing the tapping of my pointed black heels on the white marble floor. I looked around, the place is quite impressive. Meron itong malawak na living room area at dining hall. May marmol na mesang kasya ang labing anim na tao. Sa living room naman ay may dalawang magkaharap na aquamarine victorian couch. Sa gitna ng dining hall at living room ay mayroong mini bar. Meron pang tatlong saradong mga pintuan but I dare not to go there anymore, alam kong mga kwarto na iyon. The place is big enough at kaya-kaya kaming maaccommodate lahat maliban lang sa alak na nasa bar na sa palagay ko ay di sasapat sa amin. And how about the food? Walang anumang pagkaing nakahain sa mesa. Oorder ba kami sa hotel?Do we have budget for that? Oh well bakit ba ako nag-aalala? Siguradong may magandang plano yun sina Rowena.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon