14-Thin Line Between Fear and Happiness

10.2K 606 116
                                    

Gellie put down her hand and Dustin released her wrist. Her teeth were clenching. Ngumisi siya nang may kasamang nakakahiwang mga titig.

"So this was the emergency you were talking about. You cancelled our date just to share wine with this woman!"

"Don't call her 'this woman'. You know who she is," he uttered firmly.

"Yeah I know she's your mighty Deany. Ang pangalan na lagi na lang bukambibig mo!Kung ganon naman pala talaga siya kaespesyal sayo you have then why bother playing the heart of other woman? You're a pathetic selfish jerk!"

Nataranta ako. "Gellie nagkakamali ka. Please don't hate him. Hindi naman talaga kami dapat magkikita ni Dustin ngayon kaya lang-"

"Shut up!" biglang lingon at sigaw niya sa akin.

Napaatras ako. Nakakatakot ang mga mata niya. Kapag itinuloy ko ang pagsasalita baka hindi lang sampal ang dumapo sa akin kundi may kasama pang sabunot.

"You are extremely dense for a UP student! Isa ka pang tanga!"

She left me speechless. Bakit pati ako ay dinadamay niya sa kanyang galit? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. I was frustrated with Dustin. Parang wala man lang balak magpaliwanag ng side niya.

Gellie looked at him again. "I don't want to see your face ever again! How dare you use me!" She gave him a dirty finger exactly in front of his face.

Bigla na lang siyang umalis, leaving Dustin speechless and motionless.

Dali-dali akong lumapit kay Dustin. Tinapik ko siya sa braso. "Ano hindi mo man lang ba susundan? Hahayaan mo na lang siyang hiwalayan ka niya dahil sa simpleng hindi niyo pagkakaunawaan?"

"Let her think what she wants to think," nagpipigil ng emosyong anas niya.

"Ano? Ganun-ganun lang yun?" Kung kaya ni Dustin na kimkimin ang nararamdaman, pwes ako hindi. Hindi ko hahayaang saktan siya ng sinuman nang hindi man lang binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

I followed Gellie. Wala na siya sa hallway ng fifth floor kaya nagmadali ako sa pagsakay ng elevator. Luckily naabutan ko pa siyang nag-aabang ng taxi sa labas.

"GELLIE!" walang pag-aatubiling sigaw ko. Nilapitan at pinamewangan ko siya. Mabuti na lang pala at nakainom ako kaya medyo nakaambag iyon ng tapang sa aking dibdib.

"What?!" she answered with exasperation. Tinaasan niya ako ng isang kilay.

Pinandilatan ko siya. Nagngingitngit ang aking mga ngipin habang tinitingnan ang maldita niya mukha. "Bastos ka. Sino ka para sampalin ang kabigan ko? Tapos di ka pa nakuntento hiniwalayan mo pa yung tao nang di mo man lang binibigyan ng chance magpaliwanag!"

"He deserves it. At hindi ko kailangan ng paliwanag niya. Sapat na ang nakita ko!"

"Bakit ano bang nakita mo na pinanggalaiti mo? Yung umiinom kami? Yung kumakain kami? We can do that several times pero kahit ilang beses man naming gawin yun wala akong makitang masama sa ginawa namin para husgahan at hiwalayan mo si Dustin!" I wouldn't zip my mouth anymore. I was once a reason why his girlfriend left him and once was enough!

"He said he had an emergency situation kaya niya kinansel ang date namin! Which means he lied to me just to spend this special night with you na dapat ay sa akin niya nilalaan! Don't you get what it means? Tanga ka ba talaga o nagtatanga-tangahan ka lang?"

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon