4- His Declared Crush

10.7K 545 59
                                    

"Matulog na kayo. Patayin niyo na ang ilaw," paalala ni Mama habang nakasilip sa pinto ng aming kuwarto.

Kami na lang ni Heaven ang naroroon. Wala si Kuya nasa boarding house niya. First year college na kasi kaya sa Legaspi City na nag-aaral at wala namang kolehiyo sa bayan namin. Uuwi lang ulit yun kapag weekend.

"Heaven isiksik mong mabuti yang kulambo mo para di pasukin ng lamok."

"Opo mama."

"Ikaw Deany matulog ka na rin. Baka mamaya magbasa ka naman ng pocketbook," she said before closing the door.

I didn't want to sleep. Natatakot ako na baka paggising ko ay bumalik ako sa reyalidad. Baka bukas kaharap ko na si San Pedro.

Nakatitig lang ako sa kisame habang pilit nilalabanan ang antok. Kukurap-kurap. Papaling-paling ng ulo. Hanggang sa may nakapa ako sa aking unan na isang matigas na bagay. Tila isang makapal na libro. Kinuha ko iyon at laking tuwa ko nang malaman na iyon ay ang aking diary. It was a pink thick notebook with hard glossy cover. I had not seen it for a long time. I lost it while transferring my things to my then newly acquired house in Antipolo. And to my surprise it was another mysterious stuff. Nakasulat na doon ang mga nangyari sa buhay ko hanggang makapagtapos ako ng kolehiyo kung saan saka rin ako tumigil sa pagsusulat sa nasabing diary.

Maybe it was another present kasama ng pagtime travel ko. For all the things that could be more useful bakit di na lang cellphone, credit card or atm ang isinabay sa akin? Bakit diary ko pa?

"Ate patayin mo na ang ilaw," inaantok na saad ni Heaven.

"Teka lang. Five minutes."

Binasa ko kung ano ang sinulat ko for June 29,1998. I wanted to have an idea what's gonna happen for tomorrow. Luckily I wrote something. Hindi naman kasi ako everyday nagsusulat sa diary noon.

I wrote that I had perfect score in Math quiz. Also, my classmates Rowena told me that Dustin had a huge crush on me. Indeed on our second meeting, he announced to everyone that he liked me.

I took a deep sigh. Pareho pa rin kaya ang mangyayari kinabukasan?

"Ate ilaw."

Saglit akong bumangon upang ilaga ang diary sa aking backpack. Bago bumalik sa higaan ay napilitang pinatay ko ang ilaw. At kahit anong pigil ko ay dinalaw na rin ako ng antok. The body clock of my fifteen year old body overpowered me.

The four o clock music woke me up. I was too happy to open my eyes again in our same old house. Buhay pa rin ako. Hindi pa binabawi ng itaas ang regalo nila sa akin.

Napakaganda ng aking mood hanggang sa pagpasok sa eskwela. Maybe God was giving me more time to appreciate things that I took for granted before.

Pagdating ko sa classroom ay naglinis agad ako. How awful it was for Ma'am Dolores to always enter in a messy room. Napakatitigas kasi dati ng ulo namin. Ilang beses niya kaming pinagsasabihang maglinis pero hindi kami marunong sumunod. Madalas siyang napapagalitan ng principal dahil kami lagi ang may pinakamakalat na classroom. Naturingan pa namang highest section.

As I looked around, I could feel what our teacher felt. Wala sa hanay ang mga silya. Nagkalat ang mga papel sa maalikabok na sahig. Kahit yung mga nakasulat sa blackboard hindi man lang mabura-bura. Nakakahiya nga pala talaga kami sa aming principal.

"Uy si Deany naglilinis," puna ni Gary. Sabay-sabay na napalingon sa akin ang lahat.

"Dapat maglinis man lang tayo bago magsimula ang klase? Nakakahiya kay Ma'am Dolores," may pagkaistriktang sabi ko.

Everyone looked dumbfounded. Tulad din nila kasi ako dati. Hindi marunong magkusang maglinis at walang pakialam sa mga kalat.

"Hindi niyo man lang ba ako tutulungan?" pinandilatan ko sila.

MAGICALLY YOURS,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon