Chapter-18

596 26 4
                                    

Magkatabi kaming nakaupo ni Clifford ngayon dito sa sala habang nanonood ng movie.

Napatingin ako sa kanya,tinitigan ko lang sya hangang sa makuha ko ang atensyon niya.

Nakakunot ang noo niya at nagtatanong ang kanyang mga mata.

"Uhm kasi...ano gusto ko sana ng..." napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya.

Bigla kasi akong nagcrave pero nahihiya akong sabihin iyon sa kanya.

"What?Do you want something?" napatingin ako sa mata niya ng dahil sa sinabi niya,parang nahulaan niya ang gusto kong sabihin.

"I want a adobo-nuggets,"nakangiting sabi ko habang nag nining-ning ang mga mata.

Nakita ko kung pano nagbaba at taas ang adams apple nya dahil sa paglunok.

"What?! Are you fuckin' serious? May ganyan ba talagang pagkain?" tila di makapaniwalang sabi niya.

"Eh yun ang gusto kong kainin e," nakangusong sabi ko.

"Pano magiging adobo yon kung nuggets na. No!" Mas napanguso ako dahil sa pagtangi na.

"Clifford, please! I really want to eat adobo-nuggets,"pamimilit ko saka ko hinawakan ang dalawa nyang kamay, napa tingin siya dito saka napabuntong hininga.

"Okay fine, I'll cook. Just wait here," tila napipilitang ani niya,agad naman akong napangiti sa saya.

Yinakap ko siya saka nagpasalamat pero nagulat ata siya dahil nanigas ang katawan niya, nag iwas din siya ng tingin ng kumalas ako.

"Uhm I'll just cook," hindi pako nakakapagsalita pero agad na siyang naglakad papunta sa kusina.

Nanood lang ako habang naghihintay sa kanya,natapos na ang pinapanood namin kaya naghanap ulit ako ng iba pang movie.

Habang nagsisimula na ang ito ay sakto namang nakita ko siyang papalabas galing sa kusina habang may bitbit na tray na paniguradong ang laman ay ang pagkain ko.

Nagning ning ang mata ko ng sa wakas ay nakarating na siya sa tabi ko saka niya pinatong ang tray sa mesa.

"Mukhang masarap,thankyou Clifford!" nakangiting sabi ko pero napailing siya.

"Tsk, it looks disgusting," agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya.

Hinayaan kona lang siya saka ko tinuon ang pansin sa adobong nuggets,para itong adobong manok ngunit may coating lang ang nuggets kaso naging dark brown na ito dahil sa sarsa ng adobo.

Kinuha ko ang tinidor sa tabi ng plato saka agad tumuhog ng isa, sarap na sarap ako sa pagkain ng napatingin ako kay Clifford,ramdam ko kasi ang titig niya.

"Tsk," singhal niya ng lungin ko siya.

"You won't to take a bite?" Nakangiting alok ko saka nilapit ang tinidor sa bibig niya.

"Fvck,No! Just ate it," tinignan niya ang pagkaing nasa harap niya na parang diringdiri ito at parang ansama sama. Kung makatingin sa pagkain ko parang may nagawa itong kasalanan sa kanya ah!

"Okay,uubusin ko to mag isa.Di kita bibigyan," natatawang sabi ko na parang bata ang kinausap ko.

"My pleasure," hindi kona lang siya pinansin,pinagpatuloy ko ang pagkain hangang sa maubos ko lahat.

"Clifford," tawag ko sa kanya para makuha ko ang atensyon nya mula sa tv.

"Hmm?

"I want a Banana and gravy from Jollibee, please," nanlalaki ang matang napatingin siya sakin.

"W-hat?!" Tila di makapaniwalang sabi niya.

"Banana and gravy from Jollibee, please?" nakapout kong sabi sa kanya para mapapayag siya agad.

"Seriously, what's wrong with you today?Tsk!"

"But I want it!"

"Tsk! Okay fine,"

"Thankyou!"

"There's a banana in the kitchen, I'll just buy a chicken from Jollibee," napabuntong siya bago tuluyang tumayo.

"Wait!" Pigil ko dito kaya nakakunot ang nooong napalingon siya sakin.

"What?" Tila nauubos na talaga ang pasenya niya kaya napayuko ako.

"Uhm I want a fresh banana from a farm," sabi ko habang pinagkikiskis ang mga darili ko.

"You want what?!" Napapikit ako sa sigaw niya, damn,ang lakas ah. Parang naputol na talaga ang pasensya niya.

"A fresh banana!"

"Oh holy sh*t!"

"Please," I twinkled my eyes so that he'll agree.

"Tsk, alright alright, I'll go now," tatalikod na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya para mapigilan siya.

"What again?" Walang kapasepasensyang tanong niya.

"Uhm I wanna come," nakangiting sabi ko,napabuntong hininga naman siya saka tumango.

"Alright."

Kinuha niya ang susi sa ibabaw ng coffee table saka kami nagtungo sa sasakyan,agad na naman niya itong pinaandar palabas.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa isang Jollibee drive thru,mabuti na lang at kahit walang dine in ay may drive thru padin.

"One bucket of fried chicken and two soft drinks please," sabi niya sa cashier na nakakatitig sa kanya,napaiwas na lang ako ng tingin dahil baka mag init pa ang ulo ko't maaway ko ito.

Umabante siya para mahintay ang order namin,maya maya ay inabot na ito kaya agad siyang nagpasalamat saka pina abante na ang sasakyan.

Nilagay ni Clifford ito sa pagitan namin.

"Kumain ka muna o uminom jan,"sabi niya habang nakatutok sa daan ang paningin niya.

"Ayaw ko,"sabi ko habang umiiling. Agad naman siyang lumingon pero sininghalan niya lang ako kaya agad akong napanguso.

"Tsk!"

"Hmp!"

"Where are we going?" Tanong ko ng mapansing iba ang dinadaanan namin.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay kinuha niya ang phone niya sa dashboard saka may tinawagan.

"Hello,Mr.Diaz...Yes...Nabalitaan kong may farm ka sa province nyo. I want to go there and buy your whole farm... no buts...Yes,I want to go there...uhm just to get a fresh banana...Fvck, don't ask why,you don't have a choice anyway... Alright, prepare the chopper, we're on our way... Alright,bye."

Pagkababa niya ng tawag ay agad siyang lumingon sakin," We'll get a fresh banana,"sagot niya habang napapailing.

"Really?!" I was amazed,I never thought he'll do that just to get what I want, I'm so damn happy.

"Yeah, we're going to the company right now. The chopper is already prepared at the rooftop."

"Thankyou!"

"Anything for you."

Geez,I never expect him to do that for me!

Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now