Naka upo ako dito sa tabi ng pool habang umiinom ng shake ,si Clifford naman ay naka upo sa isang table hindi kalayuan saakin habang may ginagawang trabaho sa kanyang laptop.
"Hubby," masuyo kong tawag sa kanya,agad naman siyang lumingon saka ngumiti.
"Yes?" malumanay nyang sabi.
"Can you get me a burger with chocolate syrup and a strawberry cake with tomato on top?" nakangiti kong sabi. Agad syang napalunok sa sinabi ko bago tumango.
"Are you sure?" paninigurado nya.
"Ofcourse, please?" I said with puppy eyes.
"Alright. I'll be back after a few minutes." He said while smiling. Ngumiti din ako bago sya tianguan.
Tumayo sya sa kinauupuan nya saka nagtungo saakin,agad ko syang kinunutan ng noo dahil sa bandang likod nya ang daan papunta sa loob.
Lumapit sya saakin saka ako banayad na hinalikan sa noo. Halos mabingi ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko,sa kabila ng mga nangyari at lumipas na taon simula noong nakilala ko sya ay hindi pa din nawawala yung epekto nya saakin tuwing lalapit o makikita ko sya.
Humuhikab pa ako habang bumaba sa hagdan,kagigising ko lang kasi. Agad akong napangiti ng maamoy ko ang niluluto ni Clifford mula sa kusina. Malawak ang ngiti ko habang naglalakad patungo sa kusina pagkatapos konh gawin ang morning routine ko.
"Mukhang masara ang niluluto mo,Hubby,ah?" masigla kong sabi.
"Ofcourse..." he said confidently.
Paglipas ng ilang sandali ay natapos na din sya sa pagluluto. Dalawang putahe na hindi familiar saakin ang niluto nya,hindi man familiar ay alam kong masarap ito dahil sa amoy palang ay nagugutom na ako.
Nauna na akong umupo habang sya ay inayos muna ang mesa bago umupo sa harap ko.
"Try this," nakangiti nyang sabi na para bang excited sa magiging reaction ko.
Nilagyan nya muna ng kanin ang plato ko tska nya inilagay ang ulam.
Humiwa sya sa karne bago nya ito tinuhog at umambang isusubo saakin,tatanggi sana ako ngunit nabasa ko ang excitement sa kanyang mga mata kaya hindi na ako tumangi.
Tumango-tango ako habang pinipigil ang pag ingiti,nakita ko ang paglunok nya na para bang kinakabahan sa magiging reaction.
"It's great!" malawak ang ngiting sabi ko. Natawa ako ng mahina ng bigla syang bumuntong hininga na para bang nabunutan sya ng tinik.
"I'm glad you liked it," he said with a smile plastered on his lips.
Tahimik ngunit masaya kaming kumain. He's extra caring while we were eating. Makita nya lang na medyo nahirapan ako sa paglunok ay agad na nya akong bibigyan ng tubig at paulit ulit na tinatanong kung may masama ba akong nararamdaman.
Nanatili akong nakaupo habang sya ay inayos na ang pinagkainan namin. Mabilis syang naghugas bago muling bumalik sa kinauupuan nya dala ang dalawang bowl ng ice cream. Agad akong napangiti ng malawak dahil sa pagkatakam dito.
Pagkalapag nya ay agad ko itong tinikman na agad ko ding pinagsisihan. Hindi ko napansin rocky road pala ito na may strawberry bits. Agad na bumaliktad ang sikmura ko at naduwal.
Agad syang nagtungo sa tabi ko at hinimas ang likod ko. Bakas ang pag aalala sa kanyang mga mata.
"Are you alright? May masakit ba sayo? Tell me, please? I'm worried,Wife." he said worriedly.
Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili bago sumagot sa kanya.
"Nasusuka ako pag nakakaamoy o nakakatikim ng pagkaing may strawberry," malumanay kong sabi.
"Damn,I should've known. I'm really sorry,I didn't know. I feel irresponsible for not knowing anything about your pregnancy." may bahid ng guilt at frustration ang kanyang mga mata at boses.
"It's alright. Don't worry, I'm fine." tipid akong ngumiti sa kanya para maipakitang ayos lang ako.
"Kahit na, it's my fault. I'm really sorry." he said sincerely.
"Ayos lang talaga. Don't worry about - ahhh!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang humilab ang tyan ko.
Agad akong inalalayan ni Clifford,bakas ang pag aalala sa kanyang mga mata.
"Oh God,what should I do? We're going to the hospital or I'll call our private doctor." natataranta nyang sabi.
Saglit lang ang paghilab nito at agad ding humupa paunti unti ang sakit.
Nakahawak sya sa bewang ko habang inaalalayan paupo sa sofa. Sunod-sunod ang buntong hininga nya na para bang hindi nya alam ang susunod na gagawin.
"Gusto mo ng tubig? Kukunan kita,sandali lang..." natataranta nyang sabi,magsasalita pa sana ako ng mabilis syang naglakad patungo sa kusinan ngunit hindi pa sya nakakalayo ay agad na syang umikot pabalik na parang nabuhusan ng malamig na tubig," No,I shouldn't leave you here alone. Damn, think Clifford! Yeah right,I should call someone." natatarantang paglausap nya sa kanyang sarili.
Napatingin ako sa kanya ng bigla nyang kinuha ang phone nya sa kanyang bulsa at nag dial,ang buong akala ko ay ang private doctor ang tatawagan nya ngunit kumunot ang noo ko ng iba ang tinawagan nya.
"Kaer,pakihanda ang chopper ngayon din! I want it in our rooftop in five minutes,make it fast or I'll fire you! Do you get it?" he said with authority.
Agad ko syang sinamaan ng tingin tska sya bahagyang kinurot sa tagiliran.
"Humilab lang ang tyan ko, Hubby! It's normal,mas mapapaaga ata panganganak ko dahil sayo." nakanguso kong sabi.
"Damn, I'm so worried. Sh*t,I should call Kaer..." he dialed his phone again," Yes,I changed my mind. Don't come over. What?! You're almost here? I don't care, just go back." pinatay nya din agad ang tawag saka ako tinignan sa mga mata gamit ang nag aalala nyang mata.
Huminga siya ng malalim na para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan,inilingan ko na lang sya.
"Thanks God,akala ko ay may masama ng nangyari... I love you both," nakangiti nyang sabi habang hinihimas ang umbok ng tiyan ko.
Nakangiti ako habang tinitignan si Clifford na kinakausap ang umbok ng tiyan ko. I maybe experience a painful marriage at first but it's alright, he's worth the pain.
Dito pa lang nagsisimula ang kwento namin at alam kong mas madami pang pagsubok ang haharapin namin sa hinaharap pero naniniwala akong malalagpasan namin itong lahat dahil magkasama kami. At sa bagong simulang ito ay kasama namin ang magiging anak namin, I know he'll be a great father.
Nakagawa man ako ng mga maling desisyon dati ngunit ang desisyong manatili kay Clifford kahit gaano kasakit ay isa sa mga desisyong hindi ko kailanman pag sisihan.
End
YOU ARE READING
Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
RomancePrecious Miracle-Sullivan, she married a man named Clifford Sullivan whom he doesn't even remember. He thought it was a fix marriage but the truth is that he proposed to her before he lost his memory. He became a jerk, he hurt her emotionally to pun...