Chapter -13

627 32 0
                                    

Tatlong araw na din ang lumipas ng umuwi kami,dapat ay mananatili pa kami ngunit dumating ang malaking investor na gustong mag invest sa company kaya napilitan kaming umuwi ng mas maaga.

Kasalukuyan akong naghahanda sa mesa ng hapunan ng marinig ko ang tunog ng sasakyan niya,agad akong pumunta sa pinto para pag buksan siya.

"Good evening,tamang-tama kakatapos ko lang magluto.Halika na't kumain muna bago magpahinga,"nakangiti kong salubong sa kanya pero tinignan niya lang ako sa bumuntong hininga.

"Evening, I'm tired.Kumain na din ako kaya magpapahinga nako sa taas.Excuse me,"walang emosyong sabi niya na naging dahilan ng pagbagsak ng balikat ko.

Simula ng umuwi kami ay naging cold na siya ulit saakin,parang hindi na siya yung pinakita niyang ugali nong nagpunta kami sa island.

Iniintindi ko na lang siya dahil alam kong pagod siya sa trabaho,may pandemic padin ngunit umaalis siya nitong makaraang araw dahil sa mga business meeting niya.

Hindi na lang ako umangal at pinanood siyang maglakad paakyan ng hindi man lang ako nililingon.

Kahimik akong kumain mag isa habang malalim na nag iisip. Babalik na naman ba kami sa dati?

Pumasok ako sa dati kong kwarto para makapag pahinga na,naisip kong dito na lang matulog dahil hindi ko rin naman nararamdaman ang presenya niya pag sa iisang kwarto kami matulog.

Alam kong may prinoproblema siya pero wala akong magawa dahil umiiwas siya at tanging pang unawa lang ang kaya kong ibigay kahit nasasaktan na ako sa trato nya sakin.

Habang nakahiga ako sa kama ay hindi ko maiwasang mapaisip kung pano sya humantong sa ganitong treatment saakin,kahit anong ulit kong isipin ay hindi ko maunawaan kung bakit siya ganon.

Ayos naman kami bago umuwi eh,ayos pa kami pero bakit?I can't stop thinking why but I can't do anything.

Kahit anong gawin ko para maabot at makausap siya ay ganon din ang pag iwas at pambabalewala niya sa mga efforts ko.Masakit pero kakayanin ko.

Lahat ng pinaghihirapan kong lutuin para lang maihanda sa kanya ay balewala din dahil ni hindi niya nga magawang tignan o tikman man lang.Nong una ay hinayaan at inintindi ko lang dahil akala ko ay pagod lang siya pero nang sumunod na araw ay ganon padin siya kailap sakin, hindi ko maiwasang isipin kung bakit.

Nakatulugan kona din ang pag iisip,kinabukasan ay maaga akong gumising para makapagluto sana muna para sa kanya ngunit nalaman kong maaga siyang umalis dahil may breakfast meeting siya sa isang restaurant kasama yung ibang mga business man,hindi ko pa sana malalamang maaga siyang umalis para sa meeting kung hindi ko tinawagan ang secretary nya para malaman ang schedule nya.

Wala akong magawa kayanaisipan kong mag grocery na muna para may sapat kaming stock,mahirap kasing pabalikbalik sa labas para lang makapamili dahil delikado padin.

Pagkatapos maligo at magbihis ay nag suot ako ng facemask at face shield,nagdala na din ako ng alcohol.

Kinuha ko ang susi sa drawer saka nagdrive papunta sa pinaka malapit na mall. Naisipan kong maglibotlibot na muna at kumain saka ako mag grogrocery.

Wala masyadong tao sa mall dahil limitado lamang ang pinapayagang makapasok at nakasara din ang ilang mga shop.

Naisip kong bumili muna ng milktea para may mainom bago pumunta kung saan.

Pinili ko ang large size na red velvet,naghintay ako ng ilang saglit para magawa ang order.Maya maya ay natapos na din ito kaya pagtapos magbayad ay lumabas na agad ako.

Habang nag iikot ay napadaan ako sa bookstore kaya naisipan kong bumili ng ilang libro para may mabasa ako at hindi mabored sa bahay,bumili din ako ng libro tungkol sa pregnancy para magkaroon ako ng karagdagang kaalaman,ayaw ko kasing magpacheck up muna sa doctor dahil delikado pa ang magpunta sa mga hospital ngayon dahil padami ng padami ang cases ng virus.

Kumuha ako ng Mitch Albom books,pinili ko yung paperback para hindi ganoong kabigat buhatin saka ilang mga libro tungkol sa pagbubuntis.

Habang nagtitingin ng libro ay napatingin ako sa lalaking basta na lang sumandal sa gilid ko saka ito kumuha ng libro na tungkol sa Do's and don't sa pag buntis.

"Uhm Hi,Miss.We met again," malawak ang ngising sabi niya saakin saka nilahad ang librong hawak niya. "Here,try this book.Madaming nakalagay na guide para sa mga buntis na makakatulong sa inyo ng baby mo para mas maging healthy."

"Hi! Thankyou,how did you know that I'm the one who's pregnant,I mean... uhm nevermind," sabi ko habang nakangiting alanganin.

"Haha, you're blooming and it's not that hard to recognize if a girl is pregnant.By the way, I'm Whilly Johans,a doctor.Hindi pala tayo nakapagpakilala sa isa't isa nong una tayong nagkita," sabi niya habang malawak padin ang ngiti.

"Precious Miracle-Sullivan.Uhm sorry,nagmamadali din kasi ako non eh,hindi ko namalayang gabi na pala," I said bago inilipat sa mga libro ang tingin dahil sa alaala noong araw na yon.

"Nah it's okay, your name suit you alot coz' you're precious. You're husband is lucky to have you,"natigilan ako sa sinabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Siguro?Haha," sinubukan kong tumawa ng natural pero naging mukhang pilit padin ito kaya nginiti ko na lang.

"No,I think you're not happy.Why?I mean you're having a baby,"tila naguguluhan niyang tanong.

"He doesn't remember me," deretsong sabi ko saka ngumiti ng mapait.

"What do you mean?" tanong niya habang nakakunot pa ng noo.

"He have amnesia,ang alam niya ay fixed marriage ang nangyari pero ang totoo ay nag pro propose siya bago siya na accident," hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko, dahil na din siguro sa pagbubuntis ko kaya nagiging emotional ako.Saka ko lang narealize na lumuluha na pala ako nong pinunasan ni Whilly ang luhang tumutulo sa mukha ko gamit ang mainit na palad nito,napangiti ako ng mapait dahil sa kaalamang ang taong dahilan ng luha ko ay wala para punansan ito.

"Hush, it's okay. It will be alright." he said, nakangiting sabi niya na para bang kinukumbinsi niya akong magiging maayos din ang lahat.

"I hope so,"nginitian ko na lang din siya saka inayos ang mukha kong nabasa ng luha. Mabuti na lang at hindi ako gumagamit ng make up kaya walang kakalat sa mukha ko dahil sa pagluha.

"Do you mind if I ask his name?" tila nagdadalawang isip niyang tanong.

"It's okay, Clifford Sullivan."

"Clifford Sullivan the bachelor business man?"tila nagugulat niyang tanong.

"Uhm yeah,"I smile bitterly, yeah right, bachelor.

Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now