Special Chapter

334 15 5
                                    

Clifford's P.O.V.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay bumungad saakin ang puros puting paligid. Sa amoy at kulay palang ay alam kong nasa isang hospital na agad ako.

Agad akong napadaing nang biglang sumakit ang ulo ko, napasigaw na din ako dahil sa kirot na dulot nito.

Hawak-waka ko ang ulo ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga doctor at nurse.

Agad nila akong sinuri at ang mga aparatong naka kabit sa katawan ko. Naglagay din sila ng gamot sa suwero ko at paglipas ng ilang saglit ay naibsan na din ang kirot ng ulo ko.

"How aren you feeling,Mr. Clifford?" tanong ng isang Doctor na nakatayo sa tabi ng kama ko.

"What happened,Doc?" balik kong tanong dito ng hindi sinasagot ang tanong nya.

Sa dami ng mga sinabi nya ay isa lang ang tunatak sa isip ko,naaksidente ako.

Paano iyon nangyari? Wala akong maalalang naaksidente ako at ang isa pang pinagtatako ay bakit nandito ako sa Paris e ang huli kong natatandaan ay nasa kompanya ako sa Pilipininas habang inaasikasl ang mga papeles na dapat pipirmahan ko

Naguguluhan man ay pinili ko na lamang itong ipagsawalang bahala. Pagkalabas ng Doctor at Nurses ay sya namang pagpasok ni Dad.

"Kamusta na ang nararamdaman mo? Sumasakit pa ba ang ulo mo,Nak?" bakas ang pag aalalang tanong niya.

"I'm okay,Dad, don't worry." I answered casually.

"That's great,after your recovery ay uuwi ka na ng pilipinas at magpapakasal." he said with authority.

"What the heck? Are you even seriously,Dad?!" hindi makapaniwalang bulaslas ko. Hindi man lang sya nagpaligoy ligoy at agad nang sinabi ang pakay nya.

Seryoso ba sya? Ipapakasala ko? Kanino? Wala akong maalalang may girlfriend ako para pakasalan? Don't tell me...

"You planned a arrange marriage for me?!" agad akong napahawak sa ulo ko dahil sa biglang pagkirot nito. Dahil na siguro sa emosyon ko.

Mabigat ang loob kong umuwi sa Pilipininas upang magpakasal. Gusto kong tumanggi sa kagustuhan nya ngunit ayaw ko syang biguin,simula pa noong bata ako ay lagi kong sinusunod ang kagustuhan nya kaya natatakot akong madismaya sya saakin.

Kaya pumayag ako,pumayag akong magpakasal sa taong hindi ko lubusang kilala. Sisiguraduhin kong sya mismo ang kakalas sa pagkakatalo saakin. Paparusahan ko sya dahil sa pagtatali nya saakin sa kasal na hindi ko naman ginusto.

Pagka kasal pa lang namin ay bag uwi na agad ako ng babae sa bahay namin. I want to hurt her emotionally.

Sa tuwing nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata ay naninikip ang dibdib ko,parang double ang sakit na nararamdaman ko kesa sa narardaman nya. Kaya minabuti kong iwasan sya maski ang mapatingin sa kanyang mga mata.

Nag uuwi ako ng mga babae ngunit ni isa sa kanila ay wala akong ginalaw,I paid them to pretend.

Sa kagustuhan kong saktan sya ay nagawa kong nagbayad ng ilang babae upang magpanggap bilang babae ko.

Nafru frustrate ako dahil ilang babae na ang nai uwi ko pero hindi man lang nya magawang manumbat o ang makipag hiwalay saakin.

Isang umaga ay nag imbita ulit ako ng babae upang saktan sya. Sinadya kong nakasiwang ang pinto upang marinig o makita nya ang ginagawa sa loob pag dumaan sya sa harap ng pinto ko.

I closed my eyes while I'm on top of a naked girl,we both naked. I don't want to see her naked body so I chose to close my eyes vef6she undress herself.

Nang makarinig ako nang yapak ng paa ay nag simula na kaming umungol upang marinig ito ni Precious,I even start to move up and down to pretend that we're doing that thing.

Actually I can't even feel any lust for this girl kahit pa nasa harap ko lang sya.

Maya maya pa ay narinig ko nang papalayo ang yapak kaya agad akong bumangon at tumalikod upang makapag bihis upang masundan si Precious.

Bago ako tuluyang lumabas ng pinto ang nilingon ko ang babaeng nakabihis at nakatayo hindi kalayuan saakin.

"Get lost. I'll transfer the payment to your bank account," hindi ko na hinintay pa ang sagot nya dahil mabilis na akong naglakad pababa,hinanap ko sya sa sala at kusina ngunit hindi ko sya makita. Patakbo akong nagtungo sa pool area at don ko nakita ang katawan nyang papalubog sa malalim na parte ng pool.

Agad akong tumalon upang mailigtas ito. Nang maiahon ko sya ay wala na syang malay. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa kagaguhan ko.

Damn,sumosobra na ba ako?

Halos manlamig ang natawan ko sa trato nya saakin pagkagising nya. Hanggang jan na lang ba talaga sya?

Mabilis na lumipas ang panahon,humawap kami sa ilang problema ngunit masaya akong nagkakaayos na kami kahit pa hindi maganda ang simula namin.

Sa bawat araw na lumilipas ay nakakaramdama ko ng kakulangan sa sarili ko, pakiramdam ko ay may ilang bagay akong nakalimutan o hindi maalala.

Gulong gulo ako kaya naghanap ako ng doctor para makatulong saakin.

"Are you fucking pregnant, Precious?!" puno nang sakit kong tanong.

Damn,kulang ba ako? Gumaganta ba sya sa nagawa ko noong pananakit sa kanya? Sobra naman na atang m-magpabuntis sya sa iba. Hindi ko iyon kailan hiningi dahil hinigintay kong maging handa sya pero binigay na nya pala ito sa iba.

Mabilis ang pangyayari,halos hindi ko ito masumdan sa sobrang tulin. Ganon ba ako kabulag upang hindi sya pakinggan?!

Anak ko yong dinadala nya! It's mine,anak ko!

Ang saya ko nang malaman kong akin at buhay sya. Magiging ama na ako!

Halos barilin ko ang sarili ko nang muntikan nang mawala saakin ang mag ina ko dahil saakin. Walang lumipas na segundo na hindi ko sinisi ang sarili ko sa mga nangyari.   

A/N: Special Chapter will be deleted here after a week. Thankyou for your support, Brighties! Mahal ko kayo.🧡

Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now