Napagulong gulong ako sa aking higaan dahil hindi ako makatulog. Siguro dahil natulog ako kanina o uhm dahil sa kakaisip sa kanya.
Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table. Napapikit ako ng mariin ng makitang 12 midnight na at hindi padin ako dinadapuan ng antok.
Napabuntong hininga ako saka bumangon upang magtungo sa kitchen at maka kuha ng isang baso ng gatas.
Lalabas na sana ako ng mapansin ko ang pinto ng verandang nakabukas,nakalimutan ko yata itong isara ng binuksan ko. Naisip kong isara muna ito bago magtungo sa baba. Isasarado ko na sana ito ng makitang nakahilig habang nakatingin sa langit si Clifford. Wala ba talaga syang balak umuwi? Damn,mas nahihirapan akong pigilan ang sarili kong bumalik sa kanya kung alam kong nasa paligid lang sya. Naiinis kong isinara ang pinto saka ako nagtungo sa kusina upang kumuha ng isang baso ng gatas at para nadin mapakalma ko ang sarili ko bago ko sya labasan para mapaalis.
Habang palapit ako sa pinto at gate ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nang tumunog ang pinto ng gate dahil sa pagbukas ay agad kong naagaw ang pansin nya. Saglit na nanlaki ang mata nya dahil sa gulat. Agad syang naglakad patungo saakin kaya natigilan ako saglit saka bumuntong hininga.
Nang nasa isang metro na lang ang layo nya saakin ay agad syang tumigil.
"You should stay inside,mahamog dito sa labas baka magkasakit kapa," bakas ang pagaala sa kanyang boses habang sinasabi nya iyon. Halos mapairap ako dahil mas inisip nya pa ako kesa sa sarili nyang kanina pa nahahamugan dito sa labas.
"You should leave," I mocked,napailing sya saglit bago ulit tumingin saakin.
"Please, just let me stay here outside. I won't bother you,gusto kong manatili dito kahit pa sa malayo lang kita natatanaw dahil baka mabaliw lang ako kakaisip sayo pag hindi kita nakikita."
"No...Just leave,Mr. Clifford! Please umalis kana,ayaw na kitang makita pang muli." natigilan sya saglit dahil sa sinabi ko habang namumuo ang luha sa kanyang mata. Umiwas na lang ako ng tingin upang hindi makita ang sakit sa kanyang mga mata.
"No,hell no! I won't let you get rid of me, I'm part of your life, Precious,I will always be."
"Can't you understand, Clifford? I don't want you in my life anymore... I fell out of love!" naluluha kong sabi na nagpabato sa kanya.
Unti-unti syang napapaluhod habang patuloy na tumutulo ng sunod-sunod ang kanyang luha.
Gusto kong pag sisihan ang sinabi ko dahil nakikita kong nasasaktan sya ng sobra dahil dito pero hindi maari.
"Please,Wife. I know you still love me, you're just in pain. It hurts, please take it back. Bawiin mo ang sinabi mo, please. Mahal mo padin ako diba? Say it!" lumuluhang sabi nya habang nakatingala saakin.
"No,hindi ko babawiin ang sinabi ko dahil yon ang totoo," agad akong nag iwas ng tingin upang hindi nya mabasa ang emosyon ko.
"I love you,Wife. I always do, please come back to my arms." nakaluhod pading sabi nya,pulang pula ang mata nya dahil sa kanyang luha.
"I'm sorry. Please,let me go." I said coldly before I turned my back to him.
Hindi kona napigilan ang pagbuhos ng luha ko ng makatalikod ako sa kanya. Nanigas ang buo kong katawan ng biglang may pumulupot na braso sa bewang ko.
"Wife, I'm begging, please come back. I can't lose you." his voice sent shivers down to my spine.
"You already lose me. It's too late, Clifford." I said coldly as I remove his arms around my waist.
Mabilis ko itong natanggal dahil sa panghihina ng kanyang mga braso.
Naglakad ako palayo sa kanya ng hindi lumilingon. Pagkapasok ko sa loob ay sya namang pag buhos ng malakas na ulan.
Gusto ko syang lingunin pero ramdam ko padin ang titig nya saakin kaya nanatili akong nakatingin sa harap kahit pa gustong gusto ko syang tignan pabalik upang malaman ang kalagayan nya.
Pagka akyak ko sa kwarto ko ay palihim ko syang tinignan sa binta. Nakita ko syang nakatayo pa din doon habang nakatingin sa banda ng kwarto ko kahit pa bumubuhos ang malakas na ulan.
Nahiga ako sa kama ko upang makatulog na pero hindi ako dinadapuan ng antok kahit pa hating gabi na. Dahil na rin siguro sa kakaisip kay Clifford na nasa labas padin habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Kahit anong pilit kong matulog ay wala padin. Napabuntong hininga ako bago ko binuksan ang intercom. Inutos kong bigyan sya ng towel at damit.
Dahil na din sa pagod at kakaisip ay nakatulog din ako.
Mabilis na lumipas ang araw, It's been six days since I got home. At sa loob nang anim na araw na iyon ay naging consistent si Clifford,halos doon na sya tumira sa harap namin dahil ilang beses lang syang umaalis upang maligo at kumuha ng kanyang kakainin tapos ay mabilis din syang bumabalik. Araw-araw din syang nagpapadalaa ng bulaklak at chocolates pero natatambak lang ito sa labas dahil ayaw kong tanggapin.
Kinabukasan ay maaga akong gumising at kumain dahil magpapacheck up ako sa OB. Paglabas ko ng bahay ay nanibago ako dahil wala akong nadatnang Clifford na naghihintay saakin.Wala na din ang mga bulaklak,chocolates at kung ano anong bagay na nasa haraap ng gate. Wala akong makitang bakas nya,pakiramdaam ko ay bumalik ang lahat sa panahong hindi ko pa sya nakikilala. Napahawak ako sa tiyan ko saka napangiti.
I have my child. I'm contented in what I have right now.
Huminga ako ng malalim bago ko pinaandar ang sasakyan palabas ng gate. Ayaw sana akong payagan nila Mom na magmaneho lalo na't kagagaling ko lang sa accidente ngunit wala din silang nagawa dahil naka leave ang driver namin at pareho din silang umalis dahil sa business trip.
Pagkarating ko sa hospital ay nagpark agad ako bago nagtungo sa loob. Napatingin ako sa aking likod ng mardamang may nakatitig saakin ngunit pag lingon ko ay wala naman akong nakitang kahit ano kaya napailing na lang ako at binalewala ito.
Malusog naman ang baby sabi ng OB,niresetahan nya din ako ng ilang vitamins upang mas ganahan ako sa pagkain at makatulog ng mahimbing. Napapansin ko din kasing namamayat na nga ako.
Dumaan muna ako sa pharmacy upang bumili ng vitamins bago nagmaneho pauwi. Malapit na ako sa village ng naisip kong huminto muna sa park upang magpahanhin saglit.
Naupos ako sa isang bench malapit sa slide,may ilang mga batang nag lalaro sa paligid. I smile bitterly when I saw a child with her parents, they're happy spending times together.
"Precious..." napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang familiar na boses.
![](https://img.wattpad.com/cover/269611956-288-k13606.jpg)
YOU ARE READING
Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
RomansaPrecious Miracle-Sullivan, she married a man named Clifford Sullivan whom he doesn't even remember. He thought it was a fix marriage but the truth is that he proposed to her before he lost his memory. He became a jerk, he hurt her emotionally to pun...