Chapter-39(Edited)

1.1K 33 1
                                    

"It's yours, Clifford! Anak mo itong dinadala ko!" pasigaw kong sabi habang habang diretsong nakatingin sa kanyang mata.

Tila ba napatigil sya sa paghinga dahil sa gulat. Nanigas sya sa kanyang kinatatayuan saglit at ng makabawi ay tinignan niya ako habang umiiling na para bang hindi makapanila. This was I expected to happen,right? Sino bang maniniwal pag sinabing sya ang ama kung wala naman syang maalalang may nangyari sa pagitan nila.

I understand him but it hurts. Fvck his amnesia!

"Nah,you're kidding me. Ofcoure it's not mine coz' we never did that!" sabi niya habang nakapikit ng mariin habang naiiling.

"Is that h-hard for y-you to b-believe,Clifford?!" nauutal ko ng wika dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman.

Dahan-dahan siyang dumilat at halos mapa atras ako dahil sa nakikita kong galit at panlalamig niyang tingin diretso sa mga mata ko.

"Fvck,you really expect me to fucking believe you?! Damnit, Precious... You're pregnant and I know it's not mine!" puno ng galit nyang sabi habang patuloy pading tumutulo ang kanyang mga luha.

"No... It's yours, Clifford! You had amnesia that's why you don't remember me!"

"No... I won't buy your alibi. That's impossible coz' I still remember everything from the past.No..." pinunasan niya ang kanyang luha,ang lahat ng emosyong nasasalamin sa kanyang mga mata kanina ay napalitan lahat ng panlalamig.

"How far you remember? Five years ago, Clifford! Noong hindi mo pa ako nakikilala! Sh*t,I should be mad at you...dapat akong magalit sayo dahil naalala mo lahat bago mo ako makilala at...nakalimutan mo lahat ng alaala natin! Kinalimutan mo ako..." nanghihina kong sabi habang patuloy na umiiyak.

"What the heck are you talking about? I didn't lose my memories, Precious!"

"Yes you did! Kinalimutan mo ako... Silang lahat naalala mo pero ako kinalimutan mo!"

Napa upo nadin ako dahil sa panghiina ng aking tuhod. Napansin kong aamba ng lapit si Whilly ngunit agad akong umiling dahil baka mas lalo pang magalit si Clifford. Nakalimutan ko na din na nandon pa sya dahil sa pagiging okupado ko sa pag uusap namin ni Clifford.

"You son of a bitch!" aamba siyang susugod kay Whilly kaya agad akong tumayo ng maayos para mapigilan sya.

"Clifford, please..." pagkasabi ko non ay agad siyang tumigil. Pulang pula ang mata nya ng tumingin sya saakin,umaamba na din ang pag patak ng kanyang mga luha.

"Siya ba?!" nanigas ako dahil sa tanong nya. Hindi nya talaga ako magawang paniwalaan. It hurts.

"No!" mabilis kong tanggi habang umiiling pero nag tiimbagang lang siya saka tumalikod at aamba nang sakay sa kanyang sasakyan ngunit mabilis ko siyang yinakap sa likod.

"Please, listen to me.." nanghihina kong sabi ngunit hindi man lang siya lumingon,pinipilit nyang tanggalin ang mga braso ko ngunit mas hinigpitan ko pa ito. Napabuntong hininga sya saka hindi na sinubukang tanggalin pa.

"Please let me go.I'm tired...it fucking hurts." malamig nyang sabi na syang nagpatigil saakin.

" I told you before that I won't leave you unless you want me to," nanghihina kong sabi na syang nagpatigil sa kanya.

"I just need time to think..." pagkasabi nya non ay mabilis nyang kinalas ang mga nanghihina kong braso na nakayakap sa kanya saka siya dali-daling pumasok sa kanyang kotse at mabilis nya itong pinatakbo paalis.

Ilang segundo din akong natigilan bago nagmadaling pumasok sa loob ng bahay para kunin ang susi ng sasakyan.

Papasok na ako sa sasakyan ng biglang nagsalita si Whilly upang pigilan ako.

"You can't drive in that condition, Precious. Just let him..." may pag aalala nyang sabi ngunit mabilis ko syang inilingan.

"No,kaya ko...ang hindi ko kaya ay ang tuluyan na syang mawala saakin." emosyonal kong sabi.

"Fine. Just be careful, okay?" tinanguan kona lang siya saka ako nagmadaling pumasok sa sasakyan at mabilis itong pinaandar pasunod kay Clifford. Narinig ko pa ang malakas na pag mura ni Whilly dahil sa pagpapatakbo ko bago ako tuluyang nakalayo sa kanya.

I need to chase him,I just can't wait for him to think...he might think of leaving me,I can't let him go.

Mabilis padin ang pagpapatakbo ko hanggang sa makita ko ang likod ng kanyang sasakyan na hindi na masyadong mabilis ang pagpapatakbo kumpara saaking sobrang bilis.

Nakaramdam ako ng kaba dahil ngayon ko lang narealize kung gaano talaga kabilis ang pagpalatakbo ko kaya binagalan ko saglit.

Habang palapit ako ng palapit kay Clifford ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang hindi ko naman alam kung anong dahilan.

May ilang sasakyan kaming kasabay kaya hindi ko alam kung paano ko siya mapipigilan dahil hindi naman pwedeng bigla ko na lang syang harangan dahil baka magka aksidente pa.

Maya-maya ay nakita kong palikoliko ang truck na kasalubong ni Clifford,malakas din ang busina nito at sinesenyas na tumabi dahil mukhang nawawalan ata ito ng preno.

An'lakas ng tibok ng puso ko habang palapit ito ng palapit kay Clifford,nag uunahan na ding pumatak ang mga luha ko dahil sa halo-halong emosyon.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at binilisan ko na lang ang pagmamaneho papunta sa direction ni Clifford,nang nakita niya akong nilagpasan siya ay agad na nanlaki ang kanyang mata dahil sa pagkagulat.

Matamis ko siyang nginitian habang patuloy na pumapatak ang luha ko na siyang nagpapalabo ng paningin ko.

"I love you..." sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Humarang ako sa harap ng sasakyan ni Clifford at paglipas lang ng ilang segundo ay naramdaman ko ang pagbangga ng truck na babangga dapat sa kanya.

Muli ko siyang sinulyapan at nakita kong palabas na sya sa kanyang sasakyan habang mabilis na lumapit sa kinaroroonan ko.

Pakiramdam ko ay bumagal ang oras,pati ang pagtakbo nya papalapit saakin ay parang ang bagal.

Napatingin ako sa katawan kong punong puno na ng dugo,pati ang salamin sa harap ng sasakyan ay nabasag at may ilang tumusok sa braso ko. Tinignan ko lang ang pagtulo ng mga dugo mula sa katawan ko,wala akong maramdaman. Namamanhid ang buong katawan ko. Siguro mas mabuti na lang na mamanhid kesa maramdaman ko ang lahat ng sugat ko ngayon.

I saved him, I'll never regret risking my own life for him.

Muli akong napatingin sa kanya na sinusubukan nang buksan ang yuping pinto ngunit parang nahihirapan sya.

Lumuluha sya at punong puno ng pag aalala ang kanyang mga mata habang patuloy na sinusubukang buksan ang pinto habang nakatingin sya saakin.

Muli ko syang nginitian kasabay ng dahan-dahan kong pagpikit dahil sa pagbigat ng talukap ng aking mga mata.

Sumisikip ang paghinga ko,nahihirapan na akong huminga. Naramdaman ko din ang pagtulo ng mainit na likido mula saaking ilong na sa tingin ko ay dugo.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko pa syang sumigaw ng hindi ko na maintindihan kasabay ng pagtunog ng pinto senyales na nabuksan na nya ito.

Hindi mo man na ako tulyang maalala,sana wag mong kalimutan yung mga bago nating alala kahit masaya o masakit pa ito.

I will always love you.

Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now