Chapter-24

594 18 0
                                    

Malawak ang ngiti ko habang naglalakad sa pathway patungo sa restaurant. Napapalinga ako sa paligid at hindi maiwasang mamangha dahil sa angkin nitong ganda,mula dito ay tanaw na tanaw ko ang dagat kahit pa may kadiliman na ay naaninag ko padin ito dahil sa liwanag ng buwan. Sa gilid naman ng pathway ay may mga iba't-ibang kulay ng pailaw.

Pagpasok namin sa entrance ay mas namangha pa ako dahil sa ganda ng interior design nito. May malaking chandelier sa gitna ng restaurant na siyang nagpapadagdag sa elegante nitong disenyo. Dagat ang theme ng restaurant ngunit eleganteng tignan. Ang mga table at may magandang shell sa ibabaw at kulay asul na flower vase na may fresh flowers.

Sa mga dingding din ay may mga paintings ng dagat,may isang aquarium din sa gilid na naglalaman ng iba't-ibang klase ng magagandang lamang dagat,katamtaman lang ang laki nito at may ilaw din na kulay asul sa mismong baba ng aquarium na siyang nagpapadagdag ng ganda nito. Agaw pansin din dahil sa angking ganda ng mga isda na lumalangoy sa tubig na naging kulay asul dahil sa ilaw sa baba nito,nagmumukha itong tanawin sa ilalim ng dagat lahit pa aquarium lang ito.

Napatakip ako ng bibig ng makita ang pangalan ng restaurant which is my name sa malaking space ng dingding. Kulay sky blue ito na naisulat gamit ang pailaw,may diamond design din sa gilit nito at sa baba naman ng buong pangalan at ang tila alon.

"Let's go?" Aya sakin ng Clifford ng mapansing nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang buong lugar.

Naka ngiti ko siyang tinignan,malawak din ang ngiti niya na tila ba tuwang tuwa sa naging reaction ko.

Nilagay niya ang kanyang kamay sa bewang ko para nadin akayin papunta sa mesa namin.

Tumigil kami sa pinakagitna ng restaurant kung saan ay katapat namin mismo ang magandang chandelier. Pinag hila niya ako ng upuan saka inalalayan paupo. Nang makaayos na ako ay agad siyang naupo sa bandang harapan ko.

Tinaas niya ang kamay niya at maya-maya lang ay nagsilapitan ang mga naka uniform na mga empleyado habang bitbit ang mga may takip na pagkain.

Isa-isa nila itong binuksan saka nilapag sa may kalakihang mesa na inookupa namin.

Tinignan ko si Clifford na may kunot ang noo dahil sa pagtataka kung gano kadami ang mga pagkaing nakahain sa harap namin ngayon.

"What?" Nagtataka niyang tanong ng mapansin ang tingin ko.

"Bakit ang dami ng mga ito? Hindi natin 'to kayang ubisin lahat!" reklamo ko ngunit tumawa lang siya bago sumagot.

"Yan ang lahat ng nasa menu,I want you to taste it all. And incase na may hindi ka magustuhan na mga dish ay pwede nating palitan o tanggalin. Hindi mo o natin kailangang ubusin ang lahat ng ito dahil kahit tikim lang ay ayos na," paliwanag niya kaya napatango na lang agad ako.

Isa-isa naming tinikman ang mga dish,masarap ang mga ito at maganda din ang plating kaso nga lang ay may isang dish na hindi ko nagustihan pero nagustuhan naman ni Clifford,isa itong dish na may strawberry. Muntikan pa akong masuka dahil nababahuan ako sa amoy at hindi ko gusto ang lasa nito. Ang lakas maka summer ng dish nato na bagay sa ganitong location ngunit hindi ko nagustuhan.

Tinanong ni Clifford kung ipapatangal ba ito ngunit sinabi kona lang na hindi at busog lang siguro ako kaya muntikang masuka,tumango lang siya't tinaggap ang rason ko. Alam ko sa sarili kong dahil ito sa paglilihi ko kaya naging ganon ang reaction ko,pinagsawalang bahala kona lang.

Nakangiti akong nagising kinabukasan, natutulog padin si Clifford pag gising ko kaya pinagmasdan ko muna siya bago nagtungo sa bathroom para gawin ang morning routine ko saka nagtungo sa kusina para gumawa ng breakfast namin.

Tapos na akong magluto at kasalukuyang inilalatag na ang umagahan namin ng bumaba si Clifford,agad niya akong yinakap at hinalikan sa labi saglit.

"Good morning,Wife," naka ngiting bati niya,tinulungan na din niya akong mag ayos sa mesa.

"Good morning, Hubby!"nakangiting bati ko pabalik na naging dahilan ng mas paglawak ng ngiti niya.

Ng matapos ay pinaghila niya ako ng upuan saka umupo sa bandang tabi ko.

Tahimik kaming kumakain ng may bigla akong naisip kaya tinawag ko agad siya para makuha ang attention nito.

"Hubby," nakangiti kong tawag,agad naman siyang tumingin saka ngumiti.

"Hmm?" Hindi siya makapagsalita dahil kasalukuyang may lamang pagkain ang bibig niya.

"Wanna bake cupcakes?" nakangiti kong aya,agad niyang nilunok ang kinakain niya saka uminom ng tubig bago sumagot.

"Sure!" Nakangiting pag payag niya,mas lumawak ang ngiti ko dahil don.

"Yey, kaso wala pa tayong ingredients," nakangusong sabi ko.

Nagtingin kasi ako kanina kung may stock kami na pwedeng gamitin kaso milk at pancake mix lang ang nakita ko.

"Let's buy,then." Nakangiti pading sagot niya.

Nakangiti akong tumango bilang pag payag sa sabi niya.

Pagtapos naming kumain ay agad akong naghugas saka naligo't nagbihis. Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko siyang nakaupo sa couch habang hinihintay ako.

Nagsuot lang ako ng simple white dress at flat sandals habang siya ay short at plain blue shirt lang.

"Let's go?" aya niya sakin ng sa wakas ay nakarating na ako sa harap niya, dahan-dahan lang kasi ang lakad ko pababa sa hagdan dahil sa takot na madulas.

Nakangiting tumango ako sa kanya,agad naman din siyang ngumiti pabalik saka niya pinulupot ang braso nya sa bewang ko. Sabay kaming nagtungo sa sasakyan,agad naman niya akong pinagbuksan ng pinto sa shotgun seat.

Nginitian ko lang siya bilang papasalamat saka niya ako tinanguan, umikot siya patungo sa driver's seat saka pinaandar ang sasakyan.

Walang nagsasalita samin habang nasa biyahe,mabilis lang din kaming nakapunta sa sa mall para makabili ng ingredients at ilang gamit pang bake na wala pa kami sa bahay.

Ng makarating kami sa supermarket ay agad siyang kumuha ng cart saka ito tinulak papunta sa stall kung saan nandon ang nga ilang ingredients na gagamitin sa pagbabake.

"What do you prefer,this or this?" Tanong sakin ni Clifford habang pinagkukumpara ang dalawang jar ng chocolate chips na magkaiba ng brand.

"I like this on-" hindi kona natapos ang sadabihin ko ng may biglang nagsalita sa likod namin kaya agad kaming napalingon ni Clifford. Pagtingin niya dito ay agad kumunot ang noo niya saka sinamaan ng tingin ang bagong dating.

"Hi, Precious!" Bati ni Dr.Whilly Johans,napatingin ako kay Clifford ng bigla niyang nilagay ang parehong jar sa cart saka nagtungo sa tabi ko at agad pinulupot ang braso sa bewang ko.

He's territorial now,hmm? Napangiti ako sa kaalamang iyon kahit pa halata sa mukha niya ang pagkainis dahil sa presensya ni Dr.Whilly.

Wag naman sanang magkainitan ng ulo ang dalawang ito dahil hindi ko kayang umawat ng dalawang malalaki ang katawan.

Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now