Chapter 2

555 26 12
                                    

"Sorry natagalan," Paumanhin ko sa dalawang katagpuan ko ngayong araw, na hindi inaalis ang ngisi sa labi.

Tiningnan nya muna ang oras sa cellphone niya bago bumuntong hininga.

"30 minutes lang naman kaming nakatayo dito ni Sofi." Reklamo ni Diane.

"Sorry sorry, tinanghali lang talaga ng gising." Muling paliwanag ko pero patuloy parin ang pagsimangot sakin ng dalawa.

I can't blame my sleeping routine tho, as it was getting worse and worse! Hindi ko na nga alam kung anong nagyayari sakin. Madalas akong gising sa gabi, wala naman akong ginagawa. Ni hindi ko nga madugtungan ng baging chapters yung mga drafts na stories ko. I'm so trying hard to be an author!

I guess I have no choice. I stared at them.

"Libre ko na," Saad ko.

Ang mga mukha nilang wasted kanina ay biglang napalitan ng isang napakalawak na ngiti. Na para bang napagkasunduan nila noong wala pa ako.

Magic word talaga ang libre e.

"For real?" Hindi makapaniwalang saad ni Diane at inilipat ang brasong nakasabit kay Sofi sa braso ko.

"Oo nga kulit, kapapadala lang pati ni Paps. Kaya may maililibre kahit papaano," Paliwanag ko. "Minsan lang pati 'to, ano ayaw nyo ba?" Dugtong ko.

Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-hindi ng dalawa at halos kaladkarin na ako papasok sa Ssymi Cafe. Kung saan madalas kaming tumambay noong hindi pa nagkakavirus para pag-usapan ang buhay ng ibang tao pero madalas ay pag-gagawa ng assignments or review. We're graduating students so we need to double our time to finish it.

Pagkapasok namin ay agad akong idiniretso ng dalawa sa counter para umorder. Imbis na humanap muna ng available na lamesa at mauupuan.

"Hi, ma'am. Welcome to Ssymi Cafe, ano pong sa atin?" Nakangiting pagbati agad sa amin ng babae sa counter. Pilit naman akong napangiti pabalik sa kanya. Dahil ayokong makasira ng mood.

Pinasadahan ko ang available na desert, coffee, frappe at milktea na meron pa sila. Minsan kase ay hindi na available ang iba sa monitor nila dahil na rin sa dinadagsa ito ng customer kahit kabubukas palang. And in our case, hapon na at panigiradong kahit may covid eh baka tira tira nalang sa amin.

"Hmm. Hindi ako makapili ah," Sofi hold her chin habang maiging pinagmamasdan ang monitor. Napansin kong hindi ata ganoon kadami ang customer ngayon dahil kahit hapon na eh available parin ang iba nilang products.

Diane made a little chuckled before she speak. "Himala meron pa para sa atin. Tamang tama, Sissy!" Tinapik nito ang balikat ko kaya naman pabiro ko syang inirapan.

"Hoy ano order naghihintay si Ate," Usal ni Sofi.

"Ano ba?" Tanong rin ni Diane habang nakatingin sa monitor.

"Frappe sakin, Cookie Swirl," Sambit ko.

"Sakin din Frappe, Mocha Peppermint," Sofi.

"Frappe na naman?" Nakangusong saad ni Diane. At matagal pang tumitig sa monitor.

Sa huli'y frappe nalang din ang naging desisyon nyang iorder. Dahil alam kong hindi nya ugaling ang magiba ng landas. Simula first year kung ano ang naunang ioorder namin ganoon na rin ang sa kanya. At ngayong fourth year na kami, pamilyar na ang mga galawan nya sa akin.

"Frappe, Cookie Swirl, Mocha Peppermint, and Caramel. Yun lang po ba, Ma'am? Baka po gusto nyo itry yung bagong cheesecake flavor ni Cheif Joy na blueberry swirl po." Nakangiting pangeengganyo samin ng babae sa counter.

Nagkatinginan kaming tatlo, nangungusap ang mga mata kung oo ba o hindi. Sa huli'y nanaig ang pagiging curious namin at umoo kami.

"900.00 pesos lahat lahat, Ma'am."

Howling Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon