Chapter 5

279 20 2
                                    


Kinapa ko ang cellphone sa ilalim ng unan ko na patuloy parin sa pag-tunog ng alarm upang i-off. Bumangon ako at bahagyang napahawak sa sintido ng ulo sa biglaang pag-kirot.

I checked myself in a mirror. Nang makapag-ayos ay bumaba na ako. Sumalubong sakin ang napakalakas na palmiyar na mga tawa mula sa sala. I guess, they here already!

"Oh, the queen has been awaken," Masiglang bati ni Diane habang hawak hawak ang malaking tempura. Matipid lamang akong ngumiti at dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig.

"Mal, patangay din ng tubig. Salamat," Pakiusap ni Sofi. Kumuha ako sa ref ng tubig atsaka baso bago tumungo sa kanila. I sat down next to Sofi.

"Movie?" I asked.

"Kissing Booth Season 1," Diane answered.

"Trending kase kaya sinubukan namin," Dugtong pa ni Sofi.

Masyado sila nakatuon sa palabas habang ako'y hindi makapagtuon dahil inaantok parin. It's 5pm already.

I was about to ask nang unahan ako ni Diane. "Everything is done here, Madam. Dinner is ready! Chibog nalang later," Ani nito sabay subo ng tempura na lumangitngit ang tunog sa buong sala sa kalutungan.

I nodded.

Minutes. Hours passed. We ate our dinner and finally went back on watching another movie. I suggested movies that I've already watched like Shadow and Bone, Bridgerton, and The House of Bly Manor which I insisted is really worth watching because of its unexpected plot twist and the 2 girls go for Bly Manor. Dahil bago lang ito sa pandinig nila.

The two were too focused on watching the first episode. Diane already lying down on the sofa while Sofi and I were just simply sitting on the floor. I didn't bother to spoil anything about the ongoing movie on screen because I want them to be surprised by the twist of the story.

It was almost midnight when I heard strange sound outside of the house. Patay lahat ng ilaw sa bahay at tanging ang T.V lang ang nagbibigay liwanag. Malakas rin ang sound ng T.V kaya siguro hindi napansin ng dalawa. Kinuha ko ang remote at hininaan ang volume. Kumunot ang noo ng dalawa sa ginawa ko.

"Hindi nyo narinig?" Parehas silang nagtakha sa tinanong ko.

"Parang may tao," Hindi ko siguradong iwinika.

"Baka si Molly," Sofi.

Pare-parehas kaming napatingin sa pintuan ng kwarto nya mula sa second floor.

"Galing sa labas, hindi naman sya lumabas," Paliwanag ko. Nagkatitigan ang dalawa at ma-awtoridad na tumayo. Napamura rin si Diane.

"Text mo nga yung kapit bahay mo, Mal," Utos ni Sofi. I gave her a puzzled look.

"No!" I insisted.

Tumalikod ako at dumiretso sa kitchen area para kumuha ng maliit na kutsilyo. Sumunod naman ang dalawa sakin upang kumuha ng kung anong pwede idepensa.

"I swear to God, I'll not gonna let him alive if ever makapasok sya." Giit ni Diane.

Bumalik kami sa sala habang hinihintay ang susunod na mangyayare. Inexit muna namin ang pinanunuod. We can continue it on the other time.

Diane is holding a dust pan while Sofi is holding a stick! Saming tatlo ako lang ang nakapag-aral ng taekwondo so it's fine to me to hold a little knife.

We both rushed to Molly's room when we heard loud screams.

"Open the door Molly," I shouted.

Parehas binangga ng dalawa ang pintuang nakalock gamit ang balikat nila. If I didn't remind them to calm down masisira nila ang pinto. Wala pang ilang minuto ay bumukas na ito.

Howling Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon