Chapter 11

188 23 3
                                    


Waking up with cold and misty weather makes me want to stick with my bed all day.

Some people may be comfortable with this kind of weather as they find it so comforting but I'm not. It only makes me more unproductive at the same time my anxiety will once show up.

I yawned and stretches my arms in the air. Tumayo na ako atsaka binuksan ang kurtina ng bintana. Napansin ko ang basang kalsada sa harapan maging ang dalawang van na nakaparking sa tapat ng bahay nila Senrid. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tingnan ang oras.

10:45am!

Natawa ako. "Tanghali na pala,"

Muli kong binalikan ang hinigaan para itupi ng maayos. Napansin ko ang mangilang ngilang hibla ng buhok sa unan ko. As time goes by, nagiging parami ng parami ang mga ito. I wonder if its from the shampoo I'm using gayong Dove at Clear naman naman ang ginagamit ko ever since.

Bahagyang nagkaroon ng kaba sa sistema ko subalit agad ko namang iniwaksi.

I'm trying to be positive!

Wala ito.

Nang makababa ay dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Natakam ako ng maamoy ang mabangong aroma ng kape. Subalit napamura ako sa isipan ng buhatin ko ang thermos at ito ay magaan!

Madaling hinanap ng mga mata ko ang electric kettle at padabog na nilagyan ng tubig mula sa gripo. Kung kailan kapeng kape kana saka pa mag-kakaganito.

Habang hinihintay kumulo ay nagscroll muna ako sa cellphone ko. Binuksan ko ang twitter account ko and I noticed that I received a new follow request! Prinavite ko kase ang account ko matapos dumugin ng mga fans ng dalawang bigating kaibigan ko.

@senzation requested to follow you.

Inaccept ko ito kaagad without checking the profile ng marinig pito ng takure.

Nilagay ko muna ang tubig mainit sa termos atsaka muling binalikan ang cellphone ko. My nostril welcomes the aroma of my new blended coffee. Maingat akong humigop sa mainit na kape.

Agad kong kinuha ang cellphone na nakalapag sa lamesa ng mag-vibrate ito. I received a message from messenger. Hindi naka-on ang chat head ko dahil napipikon ako sa pag-pop-up nito. Binuksan ko iyon at agad na dumapo ang mata ko sa group chats naming magkakaibigan na mukhang pinamamahayan na ng gagamba sa sobrang tahimik.

Jessie Christ Samonte: 

Maliah?

Kumunot ang noo ko sa message na nareceived mula sa class president namin.

Maliah Santiago: 

Bakit?

Jessie: 

Punta ako dyan

Maliah: 

Ha bakit?

Rumehistro sa mukha ko ang pagtatakha habang humihigop sa kape.

Jessie: 

Wala trip ko lang

Maliah: 

Bawal e

Jessie: 

Kidding, it's about the journal ako kase magkokolekta sa individual.

Maliah: 

Bakit ikaw? Baka basahin mo!

Jessie: 

Ganun ba ang tingin mo sakin?

Napa-haha react na lamang ako sa message niya.

Maliah: 

Sige anong oras ka ba pupunta?

Howling Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon