I can't face people outside yet, hindi na rin ako nakaka-attend ng morning exercise namin. Dahil sobrang nahiya ako sa nangyare. Maski kay Nurse Angelo ay nahihiya rin ako. Isang beses pa lamang ako muling lumabas noong pangalawang session ko. Pagkatapos nun ay bumalik rin ako kaagad sa kwarto.
Nasa akin parin ang bookmark!
Halos ilang sermon rin ang natamo ko kay Molly at sa mga kaibigan ko. Pinaki-usapan ko si Molly na h'wag sabihin kay Papsi maging ang mga Doctor at Nurse dito.
Thank goodness dahil noong tumawag sya ng nakaraan ay wala namang nabanggit. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya once na nalaman nyang hindi kami ayos ni Senrid, na matagal nang walang paramdam sa 'kin ang lalake.
"Maliah, Molly, mga jukanes ko papasok na kami sa eroplano. Paano ba yan, see you again!" Para lamang tropa si Papsi kung magpa-alam sa amin sa tuwing babalik siya sa abroad. Ngayong araw ang nakatakdang pagbalik niya sa Dubai. Hindi ko tuloy maiwasang hindi na naman malungkot.
"Maliah, magpagaling ka. Laging susunod sa payo ng doctor. H'wag matigas ang ulo. Balitaan mo ako sa inyo ni Senrid ha," Napalunok ako at marahang tumango sa harap ng cellphone ko. Nagmadaling hinala ni Papsi ang malate nya.
"Sya sya, bye bye na. Love you mga anak ko!" Nagflying kiss ang ama ko sa camera niya at tuluyan nang naputol ang video call. Mabigat lamang akong bumuntong-hininga.
Today's Papsi departure tapos bukas naman yung second monthsarry namin ni Senrid na mukhang ako lang nakaka-alam. Gusto kong magalit! Bakit? Ano bang nangyayare talaga sa kanya? I can't take this anymore?
His silence is killing me.
Kating kati akong malaman kung ano bang nangyari sa kanya. Sa pagkakataong ito, lalo akong nainis! Napamakasarili ni Senrid! Nakakainis siya.
Sasabog na ang utak ko kakaisip sa kung anong meron sa kanya. I can't believe natiis nya akong hindi kausapin ng halos mag-dadalwang buwan.
Kinuha ko ang laptop sa table at muling nagpatuloy sa pagtitipa ng panibagong chapters ng story ko. I'm soon to finish it! Paniguradong matutuwa ang dalawa sa akin.
"You've been facing your gadget since Monday, hindi ba sumasakit mata mo," Pinasadahan ko ng tingin ang lalake maging ang delight na inilapag sa table ko. Napailing ako at muling bumalik sa ginagawa.
"Ano ba yan?" Sumilip ito kaya naibaba ko kaagad ang screen. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Pwede ba, mind your own business!" Pino kong sinabi ang huling apat na salita sa pagmumukha nya.
"Wow, sungit!" Tumalikod siya atsaka bumalik sa higaan nya. Ngumiwi lamang ako at muling bumalik sa ginagawa.
I prepared myself being in a relationship with someone. I've read so many tips in handling a right and good relationship. Dahil itong edad na 'to ngayon para sa akin ay hindi na panglokohan pa. Pero mali pala ako. Kahit anong tips pala ang basahin ko at iapply sa sarili kung masisira ang isang relasyon, masisira talaga.
I didn't say anything about Senrid leaving me behind except to ask what and why? What did the caller say to him para mawala sya ng ganitong katagal and why did He let this happen to me?
Ganoon ba palagi kapag nagmamahal? Kailangan munang dumaan ng isang leksyon upang matuto? Can't we just love someone as much as we can until our last breath. Mas titibay ba talaga ang isang relasyon sa ups and down? Kung ganon, gaano katibay at katagal?
Gusto kong marinig ang paliwanag nya. I'm waiting to his explanation up until now. Kase naniniwala ako na kahit walang komunikasyon sa isa't isa kung parehas kayong may pang-unawa. Your relationship can survive! Pero sa patuloy nyang pag-gaganito sakin, tuluyan na akong nawawalan ng pag-asa. Gusto ko nang sumabog sa pag-titimpi.
![](https://img.wattpad.com/cover/280237397-288-k70171.jpg)
BINABASA MO ANG
Howling Your Name
Genç KurguInstead of risking it all to pursue love, some people greatly value maintaining the friendships they have formed. It's much better they said. And Maliah Santiago is one of them. But would it continue to be the same following an accident that left he...