Chapter 15

244 19 17
                                    


Nakatitig lamang ako sa profile ni Sofi na may green dot. Nag-dadalawang isip kung imemessage ko ba sya or tatawagan. Dalawang araw na ring nakalipas ang hindi magandang nagawa ko sa kanya.

I regret it so much. 

Dalawang araw na rin akong nakakulong sa kwarto. Lahat ng nag-tangkang kumausap sa aking ng araw na iyon ay napagsalitaan ko ng hindi maganda kasama si Senrid kaya ngayon ay hindi ko alam kung papaano sila haharapin. Ang tanga ko. Nagpadala ako sa galit at inis ko.

This is why I hate getting mad, hindi ko alam ang ginagawa ko hindi ko alam ang pinagsasabi ko. Sa tuwing nagagalit ako ay hindi ko nakikilala ang sarili ko.

Even, Molly! Napahiya ko sya sa mga kaibigan nyang ihinatid siya dito pauwi. Alam kong sobrang sama ng loob niya sakin. Ang sama ko ng gabing iyon.

Pero masisi ba nila ako? I got triggered by the fact that I thought I'll be losing another love of my life. Natrauma ako. Natakot ng husto.

Isa si Dad sa mga hindi agad nahagilap ng magbagsakan ang ginagawang gusali nila pero nahanap naman. He tried to save his other comrades. He's on comatose state now dahil sa matinding pagbagsak sa ulo niya and will be back in Philippines by next week once na nagkamalay na, temporary lang naman daw 'yun ayon sa doctor ng Dubai.

Their company will be shoulder all the expenses that will be needed until he recover. Dad is one of the foundation of the company's succes kaya lahat ng pabor ay nasa kanya lalong lalo na ngayon. I'll be meeting the Doctora by next week personally! And I'm so nervous dahil isa rin sya sa mga inaway ko noong Linggo dahil sa mabagal na pag-reply. I even cursed at her! Gosh. I cannot myself.

"Ano? Kailan ka mag-so-sorry kay Ate Sofi! Kay Tita Doc pati kay Kuya! Grabe ginawa mo, kakaiba ugali mo ha. Ikaw na pinagmalasakitan ginanon mo pa," Seryosong saad ni Molly habang padabog na naghuhugas ng pinggan ng makita ang presenya ko ng kumuha ng tubig sa ref. Kaagad naman akong umalis at bumalik sa kwarto nang parang walang narinig.

Pero nang tuluyang makaakyat ay napasandal at naupo ako sa likod ng pintuan. I was triggered! Masama na bang magalit, mainis ng may dahilan? Na may rason naman.

I know, I should be apologize to them pero nahihiya ako. Nahihiya ako sa ginawa ko. Naiinis ako sa sarili ko. Wala akong mahirap na mukha sa kanila.

Muli kong kinuha ang cellphone na kalapag sa study table at binuksan ang messenger. Muli ay nakatitig ako sa conversation thread namin ni Sofi. Online parin sya. But I couldn't do anything but to stared at her profile.

What should I do? Paanong sorry ba ang gagawin ko? Hindi ko naman sinadya na magiging ganoon ang reaksyon ko. Natakot lang ako sa pag-aakalang baka pati si Dad iwan na rin kami.

I need to clear the mess I made but I don't know where to start. Sofi is the one who is always at my side whenever I'm at my worst. She makes time and effort for me every time I need someone to hold on pero pinakitaan ko sya ng ganun. Nahihiya ako kanya maging sa sarili ko. Sobrang immature ko sa part na iyon.

Maliah Santiago: 

*sent an apology sticker*

Agad na naseen ni Sofie ito subalit lumipas ang ilang segundo, minuto at oras hanggang mag-gabi ay hindi sya nag-reply.

I let out a deep sigh. Parang may kung anong kumurot sa puso ko. I deserve it. I knew it! 

Wrong move, Maliah. Tinotoo tuloy na huwag kang pansinin. Which is deserve ko naman dahil ang sama nung ginawa ko.

The next day, Frank visited Airiside! Sa bahay muli tumambay. At laking pasasalamat dahil wala daw ang lalake.

"Busy na yun sa Feasib nila, bakit bet mo ba?" Pang-aasar ko.

Howling Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon