"Nasaan ba kase yang jowa mo?" Inis na tanong ni Sofi na tinutulungan ako pag-papackage sa mga orders! May mangilan ngilan na kase akong na-enganyo after ko magpost ng first collection product namin.Hindi naman kaagad ako nakapag-salita sa tanong nya. Dahil maski ako ay hindi rin alam kung nasaan ba sya. Matapos kase ng tawag na yun ay halos mag-aapat na araw na syang hindi nagpaparamdam. Tadtad ko na rin ng chats at tawag subalit cannot be reached. I really wonder what's that call about? Bakit parang bigla nya akong nakalimutan.
"LQ ba kayo?" Tanong naman ni Diane. Umiling ako!
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila o isikreto ko na lamang.
"Tell me, if something happening about your relationship? Ako sasapak sa mukha ng lalake na yun!" Galit na saad ni Sofi.
"Nasa Manila pa yun, tumutulong sa Papa nya!" Pagsisinungaling ko. Kasabay ang mabigat na buntong hininga. Wala akong ideya patungkol sa kaniya. Halos apat araw na ang nakalilipas.
Nakahinga naman ang dalawa sa sinabi ko. "Akala ko iba ang inaasikaso eh, malilintikan talaga sakin yun!" Sana nga sumakto ang hinala ko. Dahil kahit si Sethria ay hindi rin sumasagot sa mga chats ko. Sobrang nag-aalala na talaga ako at halos di na rin makatulog sa gabi kaiisip sa kanila.
Alam na nila na nagpasurgery ako! Hindi naman nagalit ang dalawa dahil alam nilang mahirap para sa 'kin ang ganitong bagay. Thank goodness dahil napapaligiran ako ng mga taong sobrang laki ng pag-unawa sa kalagayan ko. Hindi ko rin tuloy maramdaman na may sakit ako sa sobrang pagsuporta nila sakin.
"San ba meet-up nito? Sa Wolly Mall ba?"
Tumango ako sa tanong ni Sofi habang patuloy sa pagbalot ng package ng bundle promos sa mini shop namin. Dapat sya ang kasama ko dito pero nasaan nga ba sya? Ni hindi nya man lang ako naalala? Nakakatampo.
"Kami nalang magdeliver, bayad naman na ito diba?" Diane suggested. Muli akong umiling. "Kaya ko, samahan nyo nalang ako. Para may document ako sa araw na to." Walang gana kong saad.
"Hindi ka okay?" Napahinto ako pagbabalot. Dahan dahan ngumiti sa kanila. "Hindi ah, pagod lang." Sige galingan mo pagdedeny Maliah, masyado ka nang obvious!
They both chuckled. "Liar!" Parehas nilang saad.
"Sa amin pa talaga girl? Sa akin pa talaga?" Pagduldulan ni Diane. "Oo nga sa amin pa talaga. Eh alam namin ang hindi okay na Maliah, at okay na Maliah!"
"Tell us, what happened?"
"Nag-away kayo?"
Matagal ako bago nakasagot. Napaisip kong dapat nga bang sabihin o h'wag.
Kumamot muna ako sa batok bago nagsalita.
"Someone called him sa phone. Hindi ko alam anong reason pero pagkatapos nun nagmadali syang umalis. He even let me get all the materials for this minishop at bahala muna daw ako. Pagkatapos nun, apat na araw na nakakalipas di parin nagpaparamdam. Kahit sa chats, yung number nya cannot be reach. Si Sethria di rin nagrereply," Naninikip ang dibdib kong pahayag sa kanila.
Sofi clenched her fists. Habang si Diane ay napasandal sa sofa at mabigat na bumuntong hininga.
"Ghoster naman pala yan," Sofi greeted her teeth.
"Kaya duda talaga ako sa kanya simula una palang." Dugtong nito na nagngingit-ngit sa inis.
"Baka naman kaya hindi sinabi dahil ayaw nya ring mag-alala ka! You know there's always two reason behind it. Lalo na katatapos lang ng surgery mo. Opinion ko lang,"
"Kahit na, if I were in Maliah's position being left for almost four days without reason, without explanation. Magtatakha ako, magtatampo at masasaktan. Syempre hindi ko mapipigilang hindi mag-alala 'no. Simpleng bagay...."

BINABASA MO ANG
Howling Your Name
Fiksi RemajaInstead of risking it all to pursue love, some people greatly value maintaining the friendships they have formed. It's much better they said. And Maliah Santiago is one of them. But would it continue to be the same following an accident that left he...