Chapter 42

1.3K 21 1
                                    

Isinama ako ngayon ni Papa sa bahay ng kaibigan nya para sa munting celebration dahil napromote ang asawang pulis nito sa trabaho. Malalakas na tawa't asaran ang maririnig mo sa loob ng bahay. Mahigit lagpas din sa sampu ang mga narito.

Tumayo ako sa sofa kung saan ako nakaupo at lumabas ng bahay. Sa paglabas ko'y napansin ko ang isang batang babae na nakasulampak ng upo sa halamanan nitong bahay at nagsasalita mag-isa hawak ang manika. Pamilyar na siya sa akin dahil lagi nya akong inaaya mag-laro sa tuwing pumupunta sila sa bahay. Wala naman akong interes na makipag-laro sa kanya dahil halos mga pang-babae ang alam nitong laro.

"Hey! You're here."

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng mahuli nya akong pinagmamasdan siya. Kumaway siya sa 'kin ng may malaking ngiti sa labi. Kaagad naman akong tumalikod at planong bumalik nalang sa loob ng biglang may lumapit sa kanyang lalake. Lalakeng mukhang may masamang balak.

Kung hindi ako nagkakamali ay isa sya sa mga kaibigan nila Papa. Hinawakan nito ang kamay ng batang babae at para bang inaya kong saan. Halata mo rin ang pagkabigla at pilit sa mukha na sumama sa lalake.

Naweirduhan ako sa kilos ng lalakeng iyong kaya naman sinundan ko sila kung saan tutungo. May isang silid sa labas nitong malaking bahay, nakita ko ang pagpasok ng lalake doon kasama ang babae.

Nagkaroon ng malaking pagtatakha sa 'king isipan. Inisip ko ng mga sandaling iyon ay baka may pinahahanap o inuutos lamang sa batang babae ang lalake pero lumipas ang ilang segundo ay wala akong narinig na ingay, hindi rin kaagad sila lumabas.

Doon ko na naisipang mag-panggap. Ihiniga ko ang sarili sa lupa at umaktong nadapa sabay pumalahaw ng iyak. Hindi ako pwede magkamali, may masamang balak ang lalakeng iyon sa batang babae.

Dali daling lumabas ang lalake, kunot ang noo nito na parang naistorbo. Tinapunan niya ako ng tingin atsaka nilagpasan. Ni hindi man lang tinulungang itayo.

Napaismid ako. May masamang plano nga.

Kaagad akong tumayo at pinagpagan ang damit. Dahan dahan akong pumasok ako sa silid kung saan punong puno ng ilang mga kagamitang hindi na ginagamit. Sa dulo at tagong bahagi nito ay nakita ko ang babaeng tulala, yakap yakap ang manika. Nakailang kaway ako sa harapan niya subalit tulala lamang siya.

"Hoy bata!"

Sa sobrang inis ay napaatas na ang boses ko. Natauhan ang babae atsaka mabilis na tumakbo palabas ng bodega.

"Sandali," pigil ko sa kanya subalit nagpatuloy lang tumakbo papasok sa bahay nila.

Nang araw na iyon ay gusto kong ipa-alam ang nasaksihan ko kay Papa subalit masyado silang nagsasaya. Pati ang mga magulang ng batang babae. Lahat sila'y tila ba lango sa alak ng araw na iyon.

Sa paglipas ng araw ay palagi ko ring naalala ang bagay na nasaksihan ko. Hindi maatim ng konsensya ko ang pangyayari iyon. Hanggang sa nag-high school ako at muling bumalik sa Bulacan.

Maraming panahon na ang nakalipas subalit hindi nawaglit sa isipan ko ang babaeng yun. I wonder kung nakapag-sumbong na sya. Sinubukan kong hanapin ang account nya sa facebook. Labis ang tuwa ko ng mahanap ko ito. But that time, I was hesitating to add her. Baka isnobin lang ang friend request ko.

"Maliah Santiago?" Kaagad kong naitago ang cellphone palayo sa kakambal ko, mapaglarong ngiti ang iginawad nya sa akin ng tingnan ko sya.

"Type mo ba yan, Kuya?"

"Sira, hindi," Ibinulsa ko ang cellphone atsaka tumayo sa kinauupuan.

Tumawa si Sethria. "Wala ka nang pag-asa dyan kung type mo yan. Kase from what I heard. May boyfriend na yan, Lloyd Frank ata name nun."

Howling Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon