Chapter 37

295 15 2
                                    

"Calm, Mal. She'll be okay" Nagpatuloy ako sa pag-balik-balik ng lakad habang hinihilamos ang mukha sa inis. We should be celebrating this Christmas in peace. However, Isabelle got admitted to the emergency room as she tried to end her life by drinking all the sleeping pills she has in her drawer.

Sunod sunod na buntong hininga ang ginawa ko.

"Matatapos na 'tong gabi na to, hindi parin sya nagigising. Ang saya saya na'tin kagabi ah,"

Napahilot ako sa sintido ng ulo atsaka umupo.

"Ate, the doctor knows what to do. Please calm yourself as it may affect you. Your treatment will be the next day. Think about yourself!" Molly reminded me.

I shooked my head.

"She's the happiest girl I've ever seen, I never imagine na..." Hindi na naituloy ni Alina ang sasabihin atsaka napahalukipkip sa gilid at yumuko.

"Happiest people are the scariest one!" Makahulugang saad ni Gabi. Yumuko ako atsaka itinukod ang kamay ko sa binti upang depensadahan ang ulo ko. Hindi rin magtigil ang pagshake ng paa ko.

"Maliah, kumalma ka." Kagat labi akong tumingala para pigilan ang sarili pero hindi ko magawa.

"Bad News," Pare-parehas kaming napatingin kay Kaz. "Yung sponsor nya dito sa hospital, hindi narin nagpaparamdam. "

"Sponsor?" Kunot noo kung tanong.

"Oo, she has sponsor aside from the Nuns. Yun sponsor nya na yun ang may pinakamalaking ambag dito sa gastusin nya sa Hospital." Pahayag niya.

Napasabunot ako sa ulo ko na ikina-aray ko. Hindi pala pwede, masakit.

"Sinong sponsor?" Si Gabi.

"Simon De Guzman, yung sikat na business man na nahuling may droga sa bag!" Parang nabingi ako sa narinig ko. Doon lamang huminto pag-shake ng mga binti ko.

"Simon De Guzman, yung may anak na dalawang kambal?" Maging si Molly ay hindi nakapaniwala.

"Oo yun nga, sayang yun! Kawawa mga anak, nasabit ang ama sa droga." Something inside me shattered in pieces. Totoo ba tong naririnig ko? Tito Simon? Si Tito Simon yung nabalita noong araw na yun.

Nanghina ang mga binti ko at napaupo sa lapag.

"May two month's session pa si Isa. This is maybe the reason why she wanted to end her life dahil wala nang gagastos sa kanya," I said, while hands shaking.

Kaagad akong pumanhik sa 4th floor para kuhain ang cellphone ko sa kwarto. I need to confirm this.

Nang makuha ko ang cellphone ay kaagad akong nagsearch. Halos mapanganga ako sa gulat sa dami ng article na lumabas patungkol sa kanya.

Simon De Guzman, isang business man timbog matapos makumpiska ang drogang nagkakahalaga ng 1.2 billion sa bag nito.

Isang business man na nagngangalang Simon De Guzman, kulong matapos mahuling ay droga ang bag.

Kambal na anak ng sikat na business man, ano kaya ang reaksyon sa natuklasan.

There a lot of videos na pinagtutumpukan si Tito ng media pero patuloy lang ito pagpasok sa opisina ng police station.

Ipinlay ko ang isang interview. May tabon ng tela ang mukha nya. Pero makikila mo kaagad na siya yun.

"Hindi po talaga sa akin yun. Hindi ko alam na mayroong ganoon sa bag ko." Aniya ng lalaki sa kaharap na pulis. Nagtawanan ang mga ito atsaka umiling.

"Sanay na kami sa ganyang dahilan," Sabi nung isang pulis. At naputol na ang video. Hindi naman pumayag magpainterview sa media ang Tito Simon.

Bigla kong naalala kagabi ang confidential letter na nakasend sa gmail ko. Madali ko itong binuksan. And to my surprised it was from him.

Howling Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon