Chapter 25

209 17 1
                                    


Final examination came. Only the major subject we have for Professor Lozano ang problema namin. It was all about a case study, no multiple choices, enumeration but indeed a case study for Human Resources Students! Pinagpawisan ako ng matindi sa pag-sagot habang pasumpong sumpong ang pagsakit ng tulo.

Almost 2 hours ata akong nakatapat sa laptop. 30 minutes bago ako nakasagot dahil unang question palang halos pasukin na ng langaw ang bibig ko sa pag-awang ng matagal. Wala akong naintindihan sa unang tanong palang.

Diane:

Tangina talaga! Six Case Study? In two hours? Isang study pa nga lang hindi na makausad sa isang araw e.

Yan kaagad ang chat niya sa gc namin matapos makapag-sagot. Napa-haha react naman ako habang nakahiga sa kama.

Maliah:

Grabe ang pawis ko tumatagaktak!

Sofi:

Unwind tayo?!

Diane:

Go ako dyan.

Maliah:

G!

Pabangon na sana ako ng bigla ulit tumunog ang cellphone ko.

I received a message from Senrid:

Senrid Enzo de Guzman (myf):
Kumusta exam? Nakaraos na ba? Labas tayo!

Panandalian akong natulala. Hindi agad nakapag-reply.

Senrid Enzo de Guzman (myf):

Please pretty please. Labas tayo ^^

Napakagat labi ako. At nagsimulang tumipa sa keyboard.

Maliah Santiago:
Lalabas din kami nina Sofi. Sama ka nalang! Wait kita sa gate nyo. Nauna kase sila kaya hindi na ako makakatanggi pa. Ang bagal kase 🙄

Senrid Enzo de Guzman (myf):

Ganun ba? Sige sila nalang muna.

Maliah Santiago:

Sumama ka na.

Senrid Enzo de Guzman (myf):

Hindi na po. Take ur time with your friends. Hintayin nalang kita kung kailan ka available.

Bigla akong nainis. Edi wag mo. Masama ang loob kong tumayo at nagbihis pang alis. Just a simple printed yellow shirt at faded jeans partnered by white sneakers. Isinuot ko ang backpack na tubig at payong ang laman.

"Oh saan ang punta?"

Yan ang bumungad pagkababa ko sa sala. "Kain lang sa labas Paps with friends." Pahayag ko saka kumuha ng facemask na nakalagay sa kusina.

"Hindi kasama si Senrid?" I sighed.

"Busy pa sa school 'yun," I lied. Pero totoo naman na lagi siyang busy tungkol sa school, e.

"Aba, nagpapadalumbahasa talaga. Sya' sige magiingat. H'wag magpapagabi di mo pala kasama ang boyfriend mo!" Ani nito na nakatingin sa pinanunuod.

"Hindi ko pa boyfriend yun!" Depensa ko. "Sus, dun din punta nun Maliah, ija!" Tumawa pa ito.

"Ewan sayo, Paps! Alis na po ako." Paalam ko at binaybay ang patyo palabas ng gate.

Pagbukas ko nito ay bumugad sa akin ang naka-ayos na si Senrid! He's wearing a yellow polo with jeans and white rubber shoes. Nakangisi sya sa'kin! Subalit masamang tingin ang iginawad ko.

"Oh akala ko ba di ka sasama?" Inis kong tanong. But at the back of my mind, I'm smiling because of our outfit! What a coincidence.

"Maari ba naman yun. Teka, papaalam ako kay Paps para pwede tayong gabihin!"

Howling Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon