Pagka-akyat ko sa kwarto ay agad kong ihininagis ang sarili sa malambot kong kama. Ganoon rin ang alaga kong pusa na si Flora na agad pumwesto sa unan ko. I just feel exhausted today! Mula sa pagkakahiga ay kinapa ko ang backpack na humagis sa uluhan at kinuha ang cellphone ko.I open the wifi of my phone at sunod sunod ang naging pagdating ng notifications mula sa social media accounts ko. Ni hindi mag-kanda ugaga ang palitan ng mga mensahe sa messenger ko mula sa iba't ibang group chats. I let out a sigh at hinayaan muna sandali matapos ang pagdating ng sunod sunod na notifications.
Inilapag ko sa kama ang cellphone at umupo upang tanggalin ang medyas na suot. Nang magawi ang aking paningin sa bintana ay napansin ko ang lalaking nakatayo habang may kausap sa cellphone mula sa bintana ng kabilang bahay.
It's just weird to me dahil first time ata nyang inalis ang itim na kurtinang nakatakip dito at ngayo'y nakabukas ang bintana which he never did before.
My lips forms a little smile. He's changing for real and getting out of his dungeon. Nang humarap siya sa bintana ay dali dali kong itinago ang sarili ko. Mabilis rin ang naging pagtibok ng puso ko dahil doon.
Once is enough, okay! I shouldn't feel this way. I made a promise to myself na sa susunod na maiinlove ako dapat sure din na love ako. But yeah, I can't help myself admiring him again from a far. Para siyang bituin na kumikinang sa langit na ang sarap sarap tingnan mula sa malayo.
Senrid is handsome, he's kind and gentle and he already got me but no way. There's no way that I should admire him again like I used to.
I was once rejected and I can't take it anymore. Sobrang hiyang hiya ako sa sarili ko dahil sa ginawa kong pag-amin kay Stanley last Valentine's Day. Kasalanan talaga yun ni Diane eh. Kung bakit ba kase naging tropa pa ni Ristian na ex boyfriend na ngayon ni Diane na syang hinahabol-habol nya. But anyway, dahil sa quarantine ay tuluyan ko na syang nakalimutan. 2 years narin mahigit di ko nakikita yun.
A call from messenger got me back to reality. Dali dali ko itong kinuha expecting it was dad but it's Sofi. I answered it immediately.
"Putag/*$?!"
Hindi ko masyado naintidihan at agad kong nailayo sa tenga ang cellphone ko. Masyadong maingay sa linya nya at tila ba mukhang nagkaka-gulo na naman sa kanila.
"MAL, OTW AKO SA INYO TANGINA DITO SA BAHAY TALAGA"
"HINTAYIN MO NALANG AKO SA ENTRANCE NYO, BYE NA!" Mabilis nitong sambit. Agad akong kumilos palabas ng bahay upang sunduin sya sa gate ng subdivision.
"Saan ka?" Hindi ko na nabigyan pansin ang kapatid ko na nakaupo sa dinning area. "Dyan lang, pupunta dito si Sofi. Nagkakagulo na naman sa kanila," Mabilis kong sagot.
Pag-kalabas ko ng gate ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Sandali akong napahawak sa gate. I try to calm myself! Ilang araw na rin ang nakakalipas ng muli akong makaramdam ng pagkahilo, minsan pa nga'y may kung anong pumipitik sa ulo ko na napapa-aray talaga ako.
Hindi ko alam kung ilan minuto akong nakasandal sa gate habang pinapakalma ang pag-sakit ng ulo ko.
"What happened?" Halos magwala ang puso ko sa kaba sa bigla pagsulpot ni Sofi na akala mo'y maghihiking sa laki ng dala dala nyang backpack.
"Ang bilis mo,"
Inayos ko ang sarili ko at umaktong walang nararamdaman. Pero mahigpit ang pagkakakapit ko sa gate dahil sa hilo na nararamdaman ko. Fuck, what is happening to me?! Bakit ganito? Bakit umiikot si Sofi sa paningin ko?
"Pinapasok na ako ng guard nyo, mukhang kilala na ako," She made a chuckled before she look at me confusingly.
"Ayos ka lang ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/280237397-288-k70171.jpg)
BINABASA MO ANG
Howling Your Name
Teen FictionInstead of risking it all to pursue love, some people greatly value maintaining the friendships they have formed. It's much better they said. And Maliah Santiago is one of them. But would it continue to be the same following an accident that left he...