Tinanghali ako ng gising kinabukasan. I fixed myself as fast as I could dahil ngayon ang usapan namin ni Senrid na mageexperiment pag-gagawa ng cheesecake. He has enough knowledge making cheesecakes dahil isa ito sa mga bagay na hindi nya malilimutan patungkol sa ina nya. His mom loves baking so much, kaya naman natuto daw dito si Sethria at kahit nanunuod lamang ang lalaki sa tuwing gumagawa ang dalawa ay mayroon siyang idea.Ihinanda ko ang sarili sa pag-dating nya. I messaged Sofi and Diane if they could visit here dahil gusto kong ipatikim sa kanila ang magiging finished product. But like these past few days, the message got delivered but they didn't seen it!
Nag-aala na talaga ako.
Madali akong lumabas ng marinig ang doorbell. Nakangiti rin ako abot hanggang tenga. Subalit napalitan agad iyon ng tumambad sakin ang nakangising presensya ni Frank!
"Bakit ka na naman nandito?!" I complaint.
Masama ang loob ko sa pag-papasok sa kanya. Nginisihan lamang niya ako.
"Wala naman. Bakit bawal na ba ako dito?" Napairap ako.
"May gagawin kami ngayon,"
"Busy ka pala? Akala ko masosolo kita," I frowned. Hindi ko naintindihan yung huli niyang sinabi.
"I need to graduate Frank kaya please lang. Behave yourself later! We're going to bake for our journal today." I started begging him as well to behave himself.
"Saka itikum mo yang bibig mo mamaya, kundi tatamaan ka sakin!" I warned.
Nagkibit balikat lamang siya atsaka dire-diretsong pumasok sa loob. Napaka-ano talaga kahit kailan!
I was about to close the gate ng marinig ko ang pangalan ko mula sa labas. It was Senrid rushing towards in our gate. Napangiti ako at hinihintay siya. May dala dala siyang bag na mukhang mga kagamitan na gagamitin namin mamaya sa pag-babake.
We haven't completed the materials we'll be using for today!
"Pasok," Sambit ko ng tuluyan syang makarating sa gate. He looks different today. His black hair cutted into medium haircut! Mas lalo tuloy nakita ang detalye ng gwapo nyang mukha. His sharp look became more detailed compare the other day have passed.
"Nagpagupit ka pala?" Nangingiti kong tanong dahil bagay na bagay sa kanya. Napasuklay naman siya sa buhok gamit ang kamay.
"Need magbawas," Matipid nitong sambit atsaka tinulungan akong isira ang gate.
"I brought a camera today. Gusto ko sana irecord." Inilabas nya mula sa bag ang isang camera vlog. I frowned. Start wondering at the same time feel so amazed.
"Youtuber ka?"
He made a chuckled. "Kind of."
"Talaga?" Nakangiti kong saad atsaka nagsimula lumakad papasok sa bahay.
"Kapag trip ko lang. Besides, I'm hiding my face. Aesthetic keneme video lang inuupload ko." Agad ko naman nakuha ang ibig nyang sabihin dahil madalas akong manuod ng mga ganoong bagay. Pero sa mga babae nga lang, hindi ako mahilig sa mga lalake. Minsan pa nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung straight pa ba ako?
Nang makapasok ng tuluyan ay agad sumalubong samin ang napakalakas na volume ng T.V. I loudly whined Frank's name.
Nakahiga ito sa sofa na feel na feel atsaka kinuha ang remote upang bahagyang hinaan ang volume.
"Irerecord namin pag-babake. Patayin mo nalang yan," Utos ko sa kanya. Agad itong umupo at pumangalung-baba sa amin na para bang bata. Nakita ko ang pag-kunot ng noo nya ng pasadahan nya ng tingin ang kasama ko.

BINABASA MO ANG
Howling Your Name
Teen FictionInstead of risking it all to pursue love, some people greatly value maintaining the friendships they have formed. It's much better they said. And Maliah Santiago is one of them. But would it continue to be the same following an accident that left he...