Napainat ako matapos maitipa sa laptop ang bagong chapter para sa story ko.Another week has passed that I'm being productive with the things I've really loved to do. Today is also the day that we will be seeing the result! Mixed emotion ang nararamdaman ko ngayon.
Ang taong nagsabi na sasamahan ako makuha ang resulta ay wala nang naging paramdam.
Bumaba ako sa kwarto at pinakain ang alagang pusa na si Flora na kanina pa ngumingiyaw.
"Ate," Napalingon ako sa pagtawag ni Molly. Agad na nagbago ang pakiramdam ko ng makita kung sino ang kasa-kasama niya.
"Ano?" Inis kong tanong.
"Gusto ko daw makausap ni Kuya Sen, iwan ko muna kayo."
Aangal pa sana ako pero mabilis na nawala si Molly sa harapan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako!
"A-anong paguusapan? Naipasa ko ng maayos yung project natin," I made an awkward laugh. Kumuha ako ng juice sa ref at dalawang baso.
Madali akong tumanggi sa pag-akmang pagtulong niya.
"Hindi na, tara dito sa sala. Mabilis lang sana kase may hinihintay ako," Sambit ko na hindi tumitingin sa kanya.
"You aren't cheking your phone?" Seyosong tanong niya. Hindi ko parin siya tinitingnan nang maupo kami sa sofa.
"Bakit? May importante ba dun? Wala naman." Walang kagana gana kong sagot ko.
"Your friends keep messaging me these past days. Asking how are you. If you're doing fine-"
"Hindi nga ako nagcecellphone" Inis na saad ko.
"Friends? I don't remember I have friends." Dugtong ko.
"Maliah,"
"Stop calling me in my name Mr. De Guzman," Pinandilitan ko sya.
Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nya.
"Anong kailangan mo? Dahil lang ba dun sa dalawa? Kung dahil sa kanila pwede na kang umuwi sa inyo. Hindi mo iyon problema! Labas ka doon. Isipin mo nalang si Margot mo, birthday pa naman nun ngayon." Sunod sunod kong iwinika. Nagpipigil na huwag tumulo ang luha. Nakakainis lang!
Akala ko pa naman ay mag-sosorry sya personal because I was ready to forgive him pero hindi.
"Galit ka ba?"
Napasinghal ako sa inis. Hindi ba halata? Manhid din ang isang 'to eh.
"Galit na galit Mr. De Guzman! Ikaw ba naman ipag-palit ang usapang sabay ipapasa ang project tapos pinagpalit sa kung ano. Sino hindi maiinis dun? Sinong hindi magagalit dun? Tapos sinabotahe pa yung individual project ko? Sabihin mo sakin? Palagay mo ba ay tama ang ginawa mo? Pinaasa mo ko Senrid!" Napayuko ako. Hindi ko na napigilan ang inis ko sa kanya.
"....Pinaasa mo ko."
I wasn't supposed to act this way. Wala naman kaming relasyon. Walang kami. Wala akong karapatan. But I really feel jealous. Gusto kong maglaho sa harapan nya! Ayaw ko syang makita dahil nasasaktan ako. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa kaniya.
Nung mga panahong kasama ko sya ay akala ko may pag-asa na. I was about confess what I've felt for him kung sumama lang sya pag-papasa sa group project pero nawala. Nasira ang plano ko. Naiinis ako sa puso kong marupok. Bakit sya pa? Bakit pa sya bumalik?
"Look! Maliah! Maliah Santiago look at me please!" His voice is begging at hindi ko ito matakasan pa. Marupok ako. Marupok na marupok ako pagdating sa kanya. Kaya tiningnan ko sya dahan dahan habang tumutulo ang mga luha sa pisngi.
![](https://img.wattpad.com/cover/280237397-288-k70171.jpg)
BINABASA MO ANG
Howling Your Name
Genç KurguInstead of risking it all to pursue love, some people greatly value maintaining the friendships they have formed. It's much better they said. And Maliah Santiago is one of them. But would it continue to be the same following an accident that left he...