Have you noticed all the dreams and manifesting you've yearned for years now happening in you! I didn't realize it's now right on my face.As the eldest daughter of the family I've been dreaming and longing to have a complete family. But it never happened! I mean, we're completely fine and okay, kompleto naman, a family goals ika ng iba dahil my parents are both professional and they earned enough money to sustain our daily needs. Pero alam mo yun, wala pala talagang saysay ang bagay na yun. Marami ka ngang salapi pero kulang naman sa pagmamahal. Wala ring saysay! Money can't either buy love from a specific person.
My parents were both busy with their own job, both of them were too passionate about their jobs. Nonetheless, each of them never forgets to check how's our day, how's school when mom is still alive. Hindi kami nakaramdam nang pang-prepressure nila.
Dad spent his years working overseas habang si Mommy noon ay laging may duty. Sa Dubai ang may pinakang maikling kontrata ang meron si Dad. And also, he will be here tomorrow after 3 years! And I can't hide the happiness in my face at the same time the disappointment because he'll still undergo 14 days of quarantine so by next next pa namin sya makakasama.
Kasalukuyan lamang akong nagwawalis sa sala. Dahil ngayon ang nakatakdang araw sa pag-gagawa namin ng project para sa Contemporary Arts! We come up to cover some songs nalang at i-mash up.
Habang nagwawalis ay sinasabayan ito ng pusa kong si Flora. Nilalaro nila ang dulo ng walis. Ngayon ko na lamang siya napagtuunan ng pansin, napansin ko ring may kwintas na sya na may pangalan nya. I wonder if Molly gave it to her kahit ayaw niya sa pusa.
Naunang dumating si Senrid, ngayon pa lamang kami muling nagkita sa kabila ng araw araw naming pag-uusap sa chat. He's wearing his usual outfit, a black tshirt and a black shorts! His medium hair were in a messy state dahil bagong ligo at amoy na amoy ko pa ang ginamit na sabon. Safeguard pink enthusiast ata sya!
"Safegurad sabon mo?" Hindi ko napigilang hindi maitanong. Inilapag niya ang dalang gitara sa couch at napangiti.
"Naamoy mo eh," Sagot nito.
"Parang inubos mo ata ang isang buong sabon sa pagligo mo. Ang bango mo," Natatawang saad ko habang inaayos ang microphone na hawak hawak.
Tumawa lamang ang lalaki. I keep my act cool as if nothing happened last last night. Palagay ko'y hindi nga nya naalala.
Muling umalingawngaw sa utak ko ang mga iwinika nya nung gabi na kung pwede ba syang manligaw!
Iniisip ko what's stopping him from doing that. He's a guy, he can court the love of his life whenever he want pero sya hindi nya magawa. Unlike girls, na bibihira ang babaeng nanliligaw. I don't wanna look desperate naman kung ako ang magfifirst move!
Ayoko, I just gonna stare at you until you fall inlove back at me kesa mag-first move! Pwede naman siguro yun, tutal dun ako magaling.
"Mal," Bumaling ako kaagad sa direksyon nya. His guitar was lying freely on his lap.
"Ha?"
"A-ano..." Bahagyang nagcrack ang boses niya. Nakaramdam ako ng kaba dito dahil pakiramdam ko ay may gusto syang sabihin. I could see it in his eyes.
"Ano?" I looked straight at him, waiting for his next word.
"Painom tubig," Agad akong napaiwas ng tingin. Tumango ako! I let out a sigh. Akala ko kung ano.
Hours passed and the two finally arrived. Mapang-asar na ngiti pa ang ibinungad sa'kin ng dalawa dahil sa nauna ang lalake sa kanila. They brought pizza as usual and keyboard for Diane and electric guitar for Sofi. Habang ako'y boses at microphone lang ang ambag.
BINABASA MO ANG
Howling Your Name
Ficção AdolescenteInstead of risking it all to pursue love, some people greatly value maintaining the friendships they have formed. It's much better they said. And Maliah Santiago is one of them. But would it continue to be the same following an accident that left he...