Matapos mag-anunsiyo ng huling professor namin ay kaagad kong inayos ang gamit ko at hinanap ang susi ng kotse ko.
Gusto kong mag-inom ngayon kaya naman hinarap ko si Sofi na katabi ko pati si Diane.
"I know that look," Hindi pa man ako nakakapagsalita ay alam na kaagad ni Sofi ang nais kong ipabatid. She throw a glance on the person I'm avoiding for a week now.
"Inom?" Si Diane, habang nagpupulbos ng mukha niya.
"Pahangin lang," sabi ko.
Tumawa si Sofi. "Kakaiba rin magpahangin 'tong kaibigan natin, may kasamang inom," komento niya pa. "Sagot ko naman, kaya wala kayong karapatan magreklamo, plus gas ko pa kayo. Wala na kayong gagastusin pa! Sagot ko na lahat," I told them.
"How about Frank and Senrid?"
Hindi ako nagabalang tapunan ng tingin ang dalawang taong nabanggit ni Diane.
"Ayoko silang kasama,"
"Was it because of his confession?"
I tightly shut my eyes. Ayoko ng pag-usapan ang bagay na iyon. Pero ang nasa paligid ko paulit-ulit pinapaalala ang bagay na pag-amin ni Senrid na gusto niya ako. Tuloy ay nailang ako, rason kung bakit iniiwasan ko siya halos isang linggo na.
"Hindi ka naman ata pinipilit ng tao. Just let it go, pretend that it didn't happened," Sofi uttered. Hanggang makarating kami sa sasakyan ay 'yon parin ang topic nila.
"Hindi ganun kadali 'yon. Hindi ganun kadali ang magpanggap na wala siyang sinabi lalo na kapag nagkikita kami, lalo na kung kapitbahay ko rin ang lalake," katwiran ko.
Diane chuckled. "I cannot blame Senrid for confessing to you. Hindi ko siya maintindihan kung anong nagustuhan niya sa 'yo sa dami ng mga babaeng mas deserve ang pagmamahal niya."
Para akong natauhan sa sinabi ni Diane.
Senrid said he has liked me ever since and he is no longer seeing me as only a friend. However, the idea of him liking it is not okay with me. As much as possible what relationship we build for each other should stay as we are. Friends. Hindi na dapat lalagpas doon dahil ayokong masira ang lahat ng pinagsamahan namin just because he loves me.
Mahal ko rin naman siya pero bilang kaibigan nga lamang. Hindi na lalagpas doon.
I rather stay friends with him through ups and down than being his lover tapos kapag nagkaroon ng problema ay maghihiwalay hanggang sa umabot sa punto na parang hindi na namin kilala ang isa't isa.
Friends. Lovers. Strangers. Ayoko namang mangyari ang bagay na iyon sa amin.
Halos kalahating minuto ang inabot namin sa byahe. Hapon na kase at medyo matraffic. Plus, nahirapan pa ako sa pag-park ng kotse dahil napuno na iyong parking lot ng Bellamin Restaurant Bar.
"Bago ba 'to?"Diane asked.
Umiling ako. "Matagal na 'to dito," sagot ko sa tanong niya.
Matapos magpark ay pumasok na kami sa loob. Katulad namin ay marami ring mga estudyante mula sa iba't ibang campus. Mabilis kaming tumungo sa alcohol section area.
"Beer lang tayo," Sofi declared.
"Heavy na friday naman ngayon," suhestyon ko.
Pinandilatan naman ako ni Diane halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko.
"Ako magbabayad," pag papaalala ko sa kanila.
"Still, mag-da-drive kapa pauwi 'no, hindi ka pwedeng mag-heavy drinks," nag-aalala niyang wika.
BINABASA MO ANG
Howling Your Name
Teen FictionInstead of risking it all to pursue love, some people greatly value maintaining the friendships they have formed. It's much better they said. And Maliah Santiago is one of them. But would it continue to be the same following an accident that left he...