PROLOGUE
Ilang taon na din ang nakakaraan ng magtagumpay ang laban ng mga militar laban sa mga rebelde at laban namin kay Gonzales. Nakapagtapos kaming lahat ng pag-aaral sa akademya. Maayos parin ang naging takbo ng paaralan sa apat na taon ng pagkawala namin doon. Palagi parin kaming nakakabalita ng mga magaganda tungkol sa Arsenal. Maganda ang naging takbo nito at tuluyan ng nakilala bilang isang Akademyang mahusay sa pagdating sa Military Service. Lagi ko rin inaalala ang lahat ng mga pinagdaanan namin sa loob ng akademya. Tiyak akong masaya ngayon si Sir Bargas sa kinahinatnan ng minamahal nyang paaralan.
Nagkaroon kami ng anak ni Javier. Ang anak naming lalaki na si Calex. Tatlong taon na sya ngayon. Nabuo lamang sya dahil sa kalokohan nila Taner at Kris. Plinano kasi nila na lasingin kami nong nagpropose si Taner kay Mich at kung may anong nilagay don sa pinainom samin ni Javier. Tapos pinagsama nila kami sa iisang kwarto. Kasabwat din nila sa plano ang lolo ni Javier dahil gusto na daw nito magkaApo. Kaya ayan, Calex ang kinalabasan. P*ste talaga sila.
Pero hindi pa naman kasi kami kasal ni Javier dahil abala kaming pito sa serbisyo non. Mga ilang buwan lang din ang nakalipas ng isilang ko si Calex, ay pumanaw na din ng lolo ni Javier dahil sa katandaan. Naging malungkutin ng ilang linggo si Javier non. Alam nya din naman sa sarili nya na mahal nya talaga ang lolo nya dahil ito ang nagpalaki at nag-alaga sa kanya. Naging masaya naman ang pagsasama namin ni Javier. Naging mabuti at malambing siyang ama ni Calex. Ano pa ba ang aasahan pagdating sa aming dalawa? Naging makulit parin siyang kinakasama ko. Ayuko muna syang tawaging asawa hangga't di pa kami kasal. Tch.
Si Kuya ay nasa serbisyo na din, malayo nga lang siya sa piling namin. Si Michael ay nasa serbisyo na din matapos ang matindi nyang pinagdaanan sa kamay ni Gonzales. Humarap din sya sa Korte para harapin ang mga akusa sa kanya. Naikwento nya na noong hawak sya sa leeg ni Gonzales ay naging sunod-sunuran sya dito. Ang totoo daw ay nawala talaga ang ala-ala nya ngunit bumalik din at dahil nga hawak sya ni Gonzales ay kinakailangan nyang magpanggap na wala syang maala-ala. Kaya't kinailangan nyang pumatay ng mga inosente at mga kalaban ni Gonzales. Isa na don ang pamilya ni Sir Sarmiento.
Nandoon si Michael ng patayin ni Gonzales ang pamilya ni Sir Sarmiento. Binalaan nya din noon si Sir Sarmiento na umalis na sa Sulu dahil doon napadpad si Gonzales dahil alam nitong doon magmemedical mission ang estudyante ng Arsenal non. Kaya't nagretiro n aito sa serbisyo upang bantayan narin ang kaniyang pamilya. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Gonzales, pinapapatay ni Gonzales si Sir Sarmiento kay Michael. Kaya't wala itong nagawa kundi barilin si Sir, ngunit alam nyang hindi ito matutuluyan. Kaya't gumawa sya ng paraan para maitakas si Sir. Kaya't sya ay nabuhay. Nabuhay si Sir at bumalik sa Arsenal. Ngunit sya nalang ata ang hindi maayos bago namin lisanin ang Arsenal noon. Hindi namin sya masisisi dahil masakit ang mamatayan ng pamilya at kasabay non ay si Sir Bargas na tinuring nyang kaibigan.
Naging Major si Javier dahil sa pagsisikap nya. Noong una ay hindi siya pumayag na magserbisyo ako sa bayan. Noong lumaki na si Calex ay wala na din syang nagawa sa kagustuhan ko dahil ako ang boss sa aming dalawa. Wala din nagawa ang kakulitan nya. Laking tuwa nalang namin nong nakatanggap kami ng Letter of Order sa General na maaasign kami sa Arsenal Military Academy. Gayundin sila Van, Taner, James, Kris at Michael.
Ngayon, babalik na ulit kami sa Arsenal. Hindi bilang isang estudyante kundi bilang isang tagapagturo sa mga bagong magiging bayani. Babalik na ulit kaming pito. Handa na kami sa pagbabalik namin sa Akademya. Babalik na kami. Pabalik na kami ARSENAL MILITARY ACADEMY.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...