CHAPTER 8

101 8 0
                                    

ALEX POV

Natutulog na ako ng maramdaman kong kinukulbit kulbit ako sa balikat ng aswang dito. P*ste talaga. Tumalikod ako sa kanya dahil istorbo sya.

"babygirlll~" rinig kong bulong nya at kumukulbit pa din. Ayuko nalang syang pansinin. bw*sit sya.

"babygirl~" malambing na bulong nya sa tenga ko. Kahit medyo nakiliti ako mas lamang parin ang pagkabw*sit ko sa kanya. P*ste talaga.

Padabog kong tinanggal ang kumot ko at inis syang tiningnan.

"Ano ba Javier? " nakuha nya pa talagang ngitian ako. P*ste. Wala ba tong pakiramdam?

"Good night Kiss ko hehe!"

Halos mabasag ang mga ngipin ko sa ngitngit na inis na nararamdaman ko sa kanya. T*ngina talagaaaa.

"Kung ayaw mong matulog. Malawak ang labas! P*ste ka! "

Pabagsak kong inihiga ulit ang katawan ko dahil sobrang nabubwis*t na talaga ako sa kanya. Napaka istorbø. Baka hagisan ko yang nguso nya ng kutsilyo. Tsk. Antok na antok ako tapos mangiistorbo.

"Narealize ko kasi. Kahit kailan di ka nag goodnight kiss sakin babygirl! "

Ayaw ko nalang syang pansinin dahil baka maitarak ko pa ang kutsilyo ko sa lalamunan nya.

"tulog ka na babygirl? "

P*ste ka talaga Javier.

"oh sige na nga. Goodnight naaaaa! " naramdaman kong bumalik na sya sa kama nya at nahiga. Salamat naman at tumigil na din sya. Tsss.

Pagkagising ko ay nagkakagulo na ulit ang mga estudyante. Napatingin ako sa kanya. Tulog pa.

Tsk. Kaya nagkakagulo ang mga estudyante mo dahil tanghali ka ng pumasok eh. May patraining pa sya sa estudyante din ni Van tapos patulog tulog pa. Tsk. Tumayo ako para gisingin sya pero bigla nyang inalis ang kumot nya at tumambad sakin ang nakahubad nyang katawan. Tsk.

Tinabon ko ulit yung kumot sa katawan nya.

"hmmmm, mainit.." tinabig nya ulit yung kumot nya. Kaya't kinuha ko nalang ulit yon at tinuklob ko hangang muka nya. Tsk. Pahubad hubad p*ste.

Pumunta na ako sa kusina para magluto. Matapos non ay kumain na ako. Tulog parin sya. Napuyat ata ang gagø. Nangungulit pa kasi kagabi tong aswang na to. Kinuha ko na ang tuwalya ko saka nagtungo sa c. r para maligo.

"Wala si Sir Lim kaya ang balita ko si Sir Sergeant Sanchez ang maglelecture satin!" rinig kong usap usapan nong mga estudyante.

Si James pala ang substitute ni Van sa lecture. Mukang maayos naman ata ang mga estudyante ni Van kaya di sya don mahihirapan. Nagbihis na ako at lumabas na.

" Goodmorning Ma'am! " bati sakin nong isang estudyante nginitian ko naman sya saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Pagbalik ko ay tulog parin ang gagø. Tskk. Wag mong sabihing inabot na naman sya ng pagkatamad nya. Gabing gabi kasi nanggigising pa tapos ngayon tatamarin. Tss.

Nagtungo ako ng kusina at naglagay ng tubig sa maliit na planggana. Lumapit ako sa kanya na nakanganga pang natutulog. At binuhos ko yun sa pagmumuka nya.

"ahhhh ano ba yan?!! *ubo* Babygirll???? " napabalikwas naman sya sa pagkakahiga nya. Tss.

"bakit ka naman nambabasa sa muka babygirl?!!" hinilamos nya pa ang muka nyang nabasa.

Tinalikuran ko sya at ibinalik ko na sa kusina ang planggana saka ako bumaba at iniwan sya don dahil may klase pa ako.

"OK. ANSWER THE QUESTIONNAIRE QUIETLY!!" nagpapalong quiz ako sa mga estudyante ko. Kinuha ko yung isang libro sa may mini bookshelf sa gilid.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon