CHAPTER 20

124 8 2
                                    

ALEX POV

Napayakap ako kay Calex para saluhin ang balang tatama sa kanya. Napaiktad nalang ako sa init nang balang tumagos sa balikat ko. Tskk.  Kaya ko pa to.

"Mama! " iyak na tawag sakini ni Calex. Niyakap ko naman sya para sabihing ayos lang.

"BAUTISTAAAAAAAAAAAA!!! "

*BANG*BANG*BANG*

Sumusugod na si Javier papunta sa amin at nagtatago lang si Bautista sa mga bakal.

"mamaaaaa!! Are you alright?"

"I'm ok calex. Don't worry. Be brave ah!"
Tumango nalang siya.

"Mama sa likod mo!! "

Napapihit ako sa likod ko at binaril yong tinuro niya. Hindi ko maiwan si Calex dahil natatakot ako baka matamaan sya ng bala. Baka makuha sya ng kalaban. Napatingin ako kila papa na nagkakawala sa pagkakagapos nila.

Si Javier lang ang humaharap ngayon sa mga kalaban. Siya ang sinusugod ng mga ito. Kapag may sumusugod sa pwesto namin ay agad kong binabaril.  Ganun din kila mama. Wala akong maisip na paraan para mapakawalan siya dito, dahil baka sila papa naman ang mapahamak. Tsk. Peste.

*BANGGGGG**

Binaril ko yung sundalong susugod kay Javier..  Ngumiti naman sya sa akin at tumakbo papunta kila papa. Nang makalapit sya kila papa ay agad niyang kinalas ang pagkakatali nito.

"SABAY NIYONG KALASIN ANG TALI ALEX! KALASIN MO NA DIN ANG KAY CALEX! " si Papa.

Sinunod ko naman si papa. Kinakalas ko na ang tali ni Calex ng may susugod na naman sa akin.

*BANGGGGG*

Napatingin ako kay Javier. Naunahan niya ako. Binaril niya yung susugod sa amin. Nang maalis ko ang tali ni Calex ay nakita kong namumula ang leeg niya. Bumakat yung lubid sa leeg ng anak ko.  Peste ka talaga Bautista!!!Nagulat ako ng madala ako ng lubid. Medyo napaangat ako don.

"ALEXXX PIGILAN MO MUNAAA!!  MABABAGSAKAN KAMI!! " si mama.

Napatingin ako doon sa bakal na nasa ulunan nila papa. Oo nga pala. Bwisit.

"Tulungan kita mama! " bumitin si calex doon sa lubid. Kaya't medyo naging mas madali ang paghihigit ko don.

"ALEXXXXXXAAAA!! SA LIKOD MO "

Napalingon ako sa likod ng may paparating na kalaban. Napatingin ako kay Javier na para bang nagtatanong kung tapos na. Tumango ako at sumenyas sya sa akin.  Hinawakan niya sila papa at kinapitan ko na si Calex.  Sabay naming binitawan ang lubid. Nagpagulong gulong ako habang yakap si Calex. Sinisigurado kong hindi ko masasaktan si Calex.

*BOOOGGGSHHHHH*
*BANGGGGGGGGGG*

At sabay kong binaril yung lalaking nasa likod ko kanina. Agad kong binangon si Calex at nagtago kami sa may bakal.

Nakita kong tumatakbo na si Javier at sila papa.  Hindi ko nakikita kung nasaan si Bautista. Puro mga bata nya lang ang sumusugod kila Javier.

*BANG*BANG*BANG*BANG*BANG*

"PAAAA!!  TUMAKAS NA KAYO!!!  MAY DAAN SA LIKOD NATIN!!! SA MAY DAGAT!!  NASA HARAP ANG TRUCK!  SUSUNOD KAMI!! "

"SIGE JAVIERRRR!! "

Kaya't tumakbo naman sila papunta sa may likod. Nakasuporta lang si Javier sa kanila. Natatanaw ko na ang labas kaso madilim na pala. Di ko namalayang gabi na.

"Mama!  Tayo na po!! "
Hinawakan ko na ng mahigpit si Calex. Saka ako tumakbo kasunod nila papa. Hinintay din kami ni Javier at pumuputok lang sya sa likod namin.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon