CALVIN POV
Nakatakas din ako don sa dalawang humahabol sa akin. Ang daming loko talaga sa bayan. Kaya ayukong pumunta don eh. Andaming nantitrip. Dati kasi meron ding tumatawag sakin na Major. Eh di ko naman sila kilala. Tss. Hapon na. Nakauwi na ako at tinali ko na yung bangka na sinakyan ko. Isla kasi to eh. Naglakad na ako pauwi ng bahay. Nang makapasok na ako ay agad kong hinanap ko si Jana. Wala sya sa loob at wala din siya sa kwarto niya. Hmmm. Mukang alam ko na kung nasaan siya.
Pumunta ako sa likod ng bahay tiyak na nandito na naman siya. Tama nga ako. Nandito nga naman siya. Ngumiti ako ng tumingin siya sa akin. Sinalubong niya din ako ng ngiti. Parang nagbubungkal na naman siya ng lupa.
"JERIC!!! TINGNAN MO TO OHHH! NAMUKADKAD NA SYA!!! ANG GANDAAA!! "
Napalingon ako sa pagtawag ni Jana. Napatakbo ako papunta sa kanya. Nandito na naman siya sa flower field niya. Ito nalang daw kasi ag naiwang ala ala ng pumanaw nyang ina. Kaya tudo alaga niya sa mga ito. Talagang inaabangan niya ang pamumukadkad ng mga bulaklak dito. Napangiti ako ng makita kong tuwang tuwa sya doon sa bulaklak. Naghukay nga na naman pala sya. Nagtanim na naman to panigurado. Tsk. Sinabing wag syang magpapagod eh.
Dalawang buwan na ang nakakalipas ng makita niya ako. Dalawang buwan na ang nakakalipas ng bigyan niya ng pagkakilanlan ang buong pagkatao ko.
********FLASHBACK *******
"Isang linggo na syang tulog itay. Gigising pa kaya yan? "
Nagising ako sa ingay nong boses ng babae. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Asan ako? Anong nangyari?
"GISING NA SYA ITAY!!! "
"Wag kang maingay Jana. wag kang sumigaw. "
"Sino kayo? " babangon sana ako ng hawakan ako ng matandang to at pigilan.
"Wag mo nga akong hawakan! Asan ako?!!!! " tinabig ko yung kamay niya at napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot ito. Naramdaman kong sumakit at bumigat ang pakiramdam ko. Bakit parang may benda ako sa ulo. Ang sakit sakit. Anong nangyari sa akin?
"HOYYYYY!! WAG MO NGANG!! SAKTAN ANG ITAY! DAPAT NGA MAGPASALAMAT KA PA AT DINALA KA NAMIN DITO SA BAHAY! AT INILIGTAS KA NI ITAY!! SUNGIT NITO! SYA NA NGA YUNG TINUTULUNGAN SYA PA YUNG GALIT!! " napakunot ang noo ko at nakapit ako ng dalawang kamay sa ulo ko dahil parang lalo itong sumakit. Sobrang sakit.
"Anak. Sinabing wag sumigaw eh. Tingnan mo sumakit lalo ulo niya! "
"Eh yan kasi itay eh! "
Anong nagyari sa akin? Bakit nandito ako? Anong ginagawa ko dito? Bakit may benda ako sa ulo?
"Jana. Tawagin mo si midwife bilis! "
Sumimangot pa yung Jana saka ito lumabas. Umupo sa tabi ko itong matanda at saka ako tiningnan.
"Ako si Carlos. Anak ko yun si Jana. Anong nangyari sayo? Bakit nagpalutang lutang ka sa dagat? Nakita lang kasi kita sa dagat nong pabalik na ako dito mula sa bayan. Kaya dinala kita sa bahay. Ano bang nangyari sayo iho? Anong pangalan mo? "
"Pangalan? "
Iniisip ko kung anong pangalan ko pero walang pumapasok sa utak ko. Napakunot lang ang noo ko dahil hindi ko alam. Hindi ko alam ang pangalan ko. Hindi ko alam kung sino ako. Bakit hindi ko matandaan ang pangalan ko?
"Hindi ko alam"
Napakunot naman ang noo ng matanda sa akin. Para bang sinisipat ako.
"Ayy oo nga pala." napasunod ako ng tingin sa kanya at may kinuha sya don sa may lagyanan ng mga damit.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...