VAN POV
Dalawang buwan na ang nakalilipas. Wala na kaming naging balita kay Calvin. Napadyaryo at nagpamedia na din kamo kaso walang Calvin kaming natagpuan at bumalik. Ramdam ko ang pagdurusa at kalungkutan ngayon ni Alex. Kahit si Calex ay laging naghahanap kay Calvin at mga lola mama at daddy ni Alex. Naawa ako para sa kanilang dalawa. Sobra akong nasasaktan na nakikitang nalulugmok ngayon sa kalungkutan si Alex.
Sobrang sakit ng nangyari sa kaniya. Ang mga magulang niya at lola ay hindi man lang niya nakuha ang bangkay dahil sumama na ito sa pagsabog ng factory kaya't doon na lamang naganap ang pagluluksa sa pamilya niya. Patuloy parin siyang nag-aabang sa pagbabalik ni Calvin. Dalawang buwan na siyang naghihintay at umaasa. Wala kaming magawa nila James kundi ang damayan nalang sya.
Kahit kaming mga natira ay parang naging balisa na din. Naging matagumpay nga kaming ipagtanggol at bawiin ang Arsenal pero hindi namin maramdaman ang kasiyahan ng tagumpay. Many days was past that everyone feel the pain of losing Calvin. Sila Taner patuloy parin sila sa paghahanap. We take our free time to search and looking for Calvin. Tumigil man ang mga pulis pero kami ay hindi tumitigil sa paghahanap kay Calvin, dahil awang awa na kami sa kalagayan ngayon ni Alex. Minsan nasa labas lang sya ng Arsenal. Ayaw niyang pumasok. Hindi na sya pumapasok. Nagresign na sya sa serbisyo dahil sa nangyari. Natuon ang pansin niya kay Calex. Pinapakita niyang malakas siya sa harap ni Calex pero kapag wala na ang bata ay doon siya nagiging mapag-isa at hindi halos makausap. Minsan nga nakatingin lang sya sa malaking gate ng Arsenal. Pinipilit namin siyang pumasok pero ayaw niya siguro dahil maaalala niya lang si Calvin at baka hindi niya mapigilan ang luha niya. Hindi na nga din namin alam kung paano sya dadamayan at kung ano ang sasabihin sa kaniya. Hindi na din namin alam kung paano siya icocomfort. Sobra syang nagdurusa at wala man lamang kaming magawa para mabawasan ang nararamdaman ng kalungkutan niya. Wala kaming magawa and it's a big slapped for me that I can't make her happy atleast in a minute or a second. Hindi ko talaga kayang pantayan si Calvin sa puso niya. Hinding hindi. Napatunayan ko na yon noon pa."Van"
Napaangat ang tingin ko sa pagtawag ni Aldrin. Umupo siya sa harap ng desk ko at iniabot niya sa akin ang isang papel. Nandito kasi ako ngayon sa Arsenal at katatapos ko lang maglecture. Bumalik na ulit sa normal ang lahat sa loob ng Arsenal. Naging maayos na ulit ito. Nagkaroon ng kunting pagbabago ngunit mas nagimprove ito.
"Ano to?"
"Letter of Order mula sa General. Basahin mo nalang paglabas ko. "
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Aalis na ako ng Arsenal Van. Sasampa na ulit ako ng Barko. Kailangan ako sa West Philippine Sea. Doon ako itinalaga ng General para maging Kapitan. Nagkakaroon na namam kasi ng tensiyon sa pagitan ng Marine Force ng Pilipinas at ng China. Kaya't kailangan kong iwan Ang Arsenal. Kasama ko si Peter. Total maayos na ang Arsenal makakampante kaming iwan ito."
"Paano sila Alex at Calex? Maiiwan sila! "
Napatungo naman si Aldrin at saka umangat ang tingin niyang muli sa akin.
"Van. Ikaw na ang bahala sa kanila. Inaasahan kita Van. Ingatan mo sila. May tiwala ako sayo"
Napakunot naman ako noo ko sa sinabi ni Aldrin. Bakit parang inihahabilin niya sa akin sila Alex?
.....
'VAN!!! INGATAN MO ANG ANAK KOOO! IKAW NA ANG BAHALA VAN! MAY TIWALA AKO SAYO!! '
......Bigla kong naalala ang huling sinabi sa akin ni Calvin. Bigla akong kinabahan. Pakiramdaman ko iyon na yung pahiwatig din sa akin ni Calvin na ako na ang bahala sa pamilya niya. Pero hindi. Siya parin ang hinihintay ni Alex, hindi ko maaring palitan ang papel ni Calvin kila Alex at sa anak nila. Nandito lang ako para sumuporta at para tulungan sila dahil alam kong si Calvin lamang ang makakagawa na paligayahin sila. Gusto ko mang alagaan sila Alex pero tiyak na kulang at kulang parin.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...